CHAPTER 1: THE STRUGGLES TO BEGIN WITH

8.6K 98 8
                                    

Priscilla was sitting comfortably on the couch, which she was inside the hotel lobby, with her daughter, Haven. Naalala lang naman niya ang pag-uusap nila ni Marco Madrigal. Ang anak ng isang mayaman na negosyante sa Mindanao at nagkataon na nandoon sa Laguna, para sa bidding ng mga antique Collection na pinuntahan nito. At nang magawi ito sa kanyang shop, ay may nagustuhan kaagad ito. Mukhang mahilig ang binata sa mga lumang collection.

"Gawa sa Japan ang mga 'yan," wika niya sa mga antigong vase na collection niya na nalikom niya mula sa Japan at naiuwi ng paunti-unti sa Pilipinas. Ang mga klase kasi ng mga iyon ay mga lumang vase na hindi lamang basta ordinaryo ang mga iyon. Tila nag-isip pa ito, "Then name your price,"

"Six million, magaganda ang mga 'yan kunin mo na bago pa makuha ng iba." mabilis na sagot niya. Kailangan na kailangan lang kasi niya ng pera. Iyon na ang kanyang pagkakataon na may isang mayaman na nagkainteres sa kanyang collections.

Hindi ito nagsalita at waring nag-iisip. Mukha kasi itong hindi interesado. Pangalawang beses na itong dumayo sa kanyang shop. Noong una hindi ito bumili pero sa pagbalik nito parang bibili na ito.

"I think, mahilig ka naman sa mga antique. I suggest you should invest it from me," she said.

"Si Celestine lang ang mahilig sa ganyan," tugon ni Marco.

"Hmn...napakaswerte mo naman at may nobya kang mahilig sa mga antigong bagay."

"She's not my girlfriend," depensa nito. Saglit siyang natigilan sa sinabi nito.

"Then who is she?"

"My, mother." hindi na siya nagulat sa paraan ng pagtawag nito sa ina nito kanina. Mukha naman itong walang galang.

"I know your mom, will definitely like it. Ganyan kaming mga alam mo na nagkaka-edad, mahilig sa mga luma."

"She's more younger than you." sabi ulit nito.

Gulong-gulo na siya ano ba ang pinagsasabi nito?

"H-how old is she then?" mahinahong tanong niya kahit naiinis na siya dito nagtitimpi lang siya, mahirap na baka ma-provoke niya ito at hindi na ito bibili sa kanya.

"Thirty-eight," maikling sagot nito, na muntik na niyang iki-nabuwal mula sa kanyang pagka-upo!

Was he really serious? May nanay itong sampung taon lang ang agwat nila? Napag-alaman niya na bente-nuebe pa lang ang binata.

"To tell you frankly, Priscilla, I'm not interested to some of your collections," nawala ang pagkakangiti niya sa mga labi sa sinabi nito.

"W-what do you mean. Don't you like them?" sana naman mapapayag niya ang lalaking ito para mabili nito ang collection niya. She needs money!

"Relax, I still buy that old thing. May nakita lang ako," he paused for a while."...na mas nakaka-interesting pa sa mga mata ko." he said smiling and his eyes twinkled.

May kung anong tinignan ito at sinundan niya iyon ng tingin. Hindi siya maaaring magkamali. It was Haven! Nag-aayos ito sa kabilang shelves.

Nangingiting tinignan niya si Marco. "Ah, iho, ano ang ibig mong pakahulugan? Do you know that woman?"

"Alam kong anak mo siya. Ano Priscilla, kung gusto mo akong maging son-in-law. Allow me to have her, gagawin ko pa siyang reyna sa Villa ko." malisyosong sabi nito habang hindi pa rin humihiwalay ang mga tingin nito sa kay Haven.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon