CHAPTER 54: AGREED TO HER SUGGESTION

2.5K 35 0
                                    

While they were making a shortcut down a quiet path to get on the other side of the park they came to a beautiful tree foaming over with white blossoms.

"Aries, baba tayo dali!" sabi niya.

"Why?"

"I got an idea. This will be your first move." she said excitedly.

"What is it?" tanong nito.

Hindi niya sinagot ang tanong nito bagkus bumaba na lang siya at sumunod naman ito.

Tumingala siya sa napakagandang puno at napakagandang bulaklak niyon na parang sa isang cherry blossoms sa Japan.

"When you see something interesting like this tree with its beautiful flowers. Pick some of them and take a bouquet to the woman you want to give, especially Eoise. Tiyak magugustuhan niya iyan." mahabang sabi niya but deep inside of her was hurt.

Nangunot noo ito. "Why spoil a tree?"

"I mean...if you want to make friends with a nice woman, ask her to take a walk and tell her you're gonna show her a bouquet bigger than a house, a bouquet growing right out of the ground. That way you get a chance to be acquainted while you're walking." she explained.

Hindi ito nagsalita.

"Do you get my point?" she said again.

Geez, sana maintindihan nito ang ibig sabihin niya.

"Did someone bring you like this? Tsk, that was sort of corny." seryoso ang mukha na sabi nito habang nakapamulsa na naman ang mga kamay nito sa loob ng bulsahan nito.

Napakagat siya ng labi sa sinabi nito. Sinasabi na nga ba niya taliwas sa kanyang isip na iinsultuhin na naman siya nito.

"Personally," he said. "I would be ashamed to give a woman flowers that I got for nothing. That I stole. I prefer to buy shows more respect or else don't give."

Napahiya siya sa sinabi nito. Nakakaasar sa dami ba naman ng pera nito malamang bibili na lang ito kaysa ang mag effort pa. Sabagay may point naman ito.

Mas okay nga kung sa kanya mismo ang puno.

"Use your brain better." masungit na sabi nito at nagsimula na itong maglakad pabalik ng kotse. Napabuga siya ng hangin at sinundan na lamang niya ito.

Muli nitong pinaandar ang sasakyan.

At itinabi nito ang sasakyan nito sa isang parking area sa street ng Reykjavik.

Nakamamangha talaga ang bawat istraktura na nakikita niya. Para iyong mga cartoons lang na napapanuod niya lalo na ang mga bahay.

"Aries, why do we stop here?"

"Iyon lang ba ang kaya mong ituro?" sabi nitong bumaba na ng kotse.

Napanganga siya sa sinabi nito. Did he mean gusto pa nitong magpaturo sa kanya?

"Come on, hurry up." sabi nitong ipinasok pa nito ang ulo nito sa loob ng kotse.

Nagmadali siyang lumabas at muling sinundan ito.

"Aries, wait for me!" sigaw niya dito. Sa haba ba naman ng mga biyas nito kaya malalaking hakbang ang ginawa nito na lagi siyang nahuhuli.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now