CHAPTER 15: THE BEGINNING OF A GAME

4.2K 86 36
                                    


"Eloise, watch out!" sigaw ni Haven kay Eloise nang mapadako sa kinaroroonan nito ang bola.

Naglalaro sila ng tennis kasama ang dalawang babae na ang isa doon ay ex-girlfriend daw ni Aries, na every week kung dumalaw sa mansion.

Hinamon sila ng mga ito na maglaro may kanya-kanya silang kondisyon. Dahil si Eloise ay nanghamok din ng laban ang kondisyon nito na hindi na pupunta ang mga ito sa mansion
kapag nanalo sila. Bilang respeto na din daw sa kanya dahil fianceé na siya ni Aries.

They were playing tennis outside the mansion. Pagkatapos nilang umalis sa pavillion, nakita agad nila ang dalawang babae na sina Debbie at Karina.

Nagkasagutan pa nga sina Eloise at Debbie at iyon na nga nauwi sa paglalaro ng tennis ang bayangan ng dalawa. Kaya pumayag na din siya.

She was good at sports.

Namimiss niya ang paglalaro ng tennis, basketball for girls, badminton swimming, at marami pang iba. Kaya mas lalong nahubog ang katawan niya dahil sa nai-exercise ang katawan niya. Hanggang sa naging apple of the eye na nga siya dahil sa pagsali niya sa mga palaro sa school. May pagka-boyish din kasi ang datingan niya kaya hindi din siya sumasali sa mga dance competition dahil hindi siya marunong sumayaw. Pero kahit na ganun hindi pa rin maiwasan ang malagkit na tingin sa kanya ng mga kalalakihan.

Mabuti nalang at makulimlim ang kalangitan kaya hindi gaanong nakakapaso sa balat.
Hindi natamaan ni Eloise ang bola bagkus natamaan ito ng bola sa braso nito.

"Ouch!" Eloise exclaimed.

"Are you okay!" she shouted.

"I'm okay. I'm sorry, I'm really not good at this!" She shouted back. Nginitian niya ito bilang assurance na okay lang sa kanya.

"Okay lang Eloise. Just tell me if you want to quit kaya ko naman maglaro mag-isa."

She smiled back, "Kaya ko pa naman."

Siya na ang pumulot sa bola. Lamang na ang kalaban nila ni Eloise. 42-37 ang score. Sadyang matalino ang ex ni Aries dahil marunong ito kung saan nito itutungo ang bola kapag titira ito at nagka advantage ito dahil alam nitong hindi marunong si Eloise sa paglalaro.

"Ano sabihin niyo lang kung ititigil na natin ang laro," mayabang na sigaw ni Debbie ang ex ni Aries.

"We won't lose this game!" balik sigaw din ni Eloise. Napangiti siya dahil determinado din si Eloise kahit na hindi ito marunong sa paglalaro.

Medyo pawisan na din siya. They wore white dress sportswear na may puting short sa loob, white rubber shoes and sun visor. Nagpalit muna sila bago maglaro. Marami palang damit panlaro ang mansion na para sa mga guest.

Aries appeared from somewhere at may kasama ito umupo ang mga ito sa bench may kalayuan sa kanila. Are they going to watch them playing?

Apat ang nakita niyang kasama ni Aries malamang 'yon nga mga kaibigan nito.

"I think matatalo na namin kayo. Get lost!" kampanteng sabi din ni Karina.

Ngumisi siya. "Hindi ko hahayaang mangyari 'yan," sabi niya at muling pinalo ang bola. Hinabol ito ni Karina pero hindi nito nasalo iyon.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now