CHAPTER 16: GET TOGETHER AT THE WATERFALL HOUSE

4.1K 83 43
                                    

Later in the afternoon the sun went down. All of them gathered at the waterfall house, a five minutes' walk away from the mansion.

Namangha si Haven sa kanyang nakita dahil napapaligiran ng tubig ang isang modern house na made of glass ang bawat dingding puwera lang ang beam nito at sa second floor niyon ay gawa sa isang concrete.

Tinawag ito ni Eloise na water fall house dahil ang swimming pool ay man made waterfall ito na sobrang nakaka-ayang tignan. Mawiwili ang sinuman na gustong mag-relax. Napakalawak din ang ginawang swimming pool na para bang nasa isang sapa sila.

"Wow! This is cool! Ang tagal ko ng pumunta dito sa mansion but I've never seen this place before." humahangang komento ni Debbie.

Nang matapos siyang magpasukat para sa gown niya na gagawin sa America, mula kaninang umaga at hapon kasama na nila sina Debbie at Karina. At ngayong gabi nga napagdisisyonan nilang mag night swimming.

"Let's go upstairs girls, magpapalit tayo." yaya ni Eloise. Hindi na siya tumutol dahil hinila na siya kaagad nito sa itaas.

Sumunod naman ang dalawa.

Nang marating nila ang itaas namangha siya sa kanyang nakita. Lahat ng kagamitan ay purong gawa sa kahoy ng narra. Maging sa mga sa sala set at iba't ibang mga desinyong nakadisplay ay mga nililok.

Napakalamig din ng simoy ng hangin na pumapasok sa loob habang idinuduyan nito ang mga kurtina ns nakasabit sa open glass window. Pwedeng gawing lover's place ang waterfall house.

"Aries is a true prince. Napakaswerte ng magiging asawa niya," makahulugang sabi ni Debbie sabay tingin sa kanya.

"Maswerte din naman si Aries kay Haven." salungat naman ni Eloise.

Umikot ang mga mata ni Debbie sa sinabing iyon ni Eloise.

"Tara na nga mag-palit na tayo." hinila na siya ni Eloise papasok sa isang maluwang na kwarto.

Kung ano ang ikinaganda sa labas ganun din sa kwarto.

"Apat ang kwarto dito this room ay para lang sa mga babae na gustong mag-palit." paliwanag ni Eloise sa kanila habang kumukuha ito sa closet ng damit pang-swimming.

"Lumapit nga kayo dito at kayo na ang pipili sa gusto niyo."

"'Mabuti nga baka pangit pa ang ibigay mo sa akin," mataray na sabi naman ni Debbie at lumapit sa closet.

Sumunod naman si Karina.

Hindi niya alam kung paanong nauwi sa magandang samahan nilang apat pagkatapos ng laro nila kaninang umaga bagamat naiilang pa siya sa dalawa.

Nakapili na ang dalawa at sabay ng pumasok ang mga ito sa loob ng bathroom.

Habang si Eloise naman nakapili na din ito ng isang one piece bikini. Tinungo na din niya ang closet. Malamang may makikita siyang rash guard.

Nanlaki ang mga mata niya na puro one piece at two piece bikini ang mga nandoon.

"Eloise, wala na bang iba? Masyadong revealing ang mga 'to." dismiyadong sabi niya.
Tumawa si Eloise, "I can't believe it, kung sino pa 'yung taong halos may perpektong katawan sila pa 'yung walang confidence na ipangalandakan iyon." sabi nito at ito na ang nagkusan na pumili.

Ibinigay nito ang isang pula na one piece halter swimsuit nai-expose nito ang likod niyon.

"I think this one will make you feel comfortable." sabi nito.

Hindi na siya naki-pagtalo, "Okay na 'yan, salamat." sabi niya at saktong lumabas naman ang dalawang babae. Bumagay din ang suot ng mga ito.

"Wow, nagmukha tuloy kayong diyosa!" nakangiting komento ni Eloise.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon