CHAPTER 80: ARIES' AUDICITY

2.5K 36 1
                                    


"Sa tingin mo ba may pakialam pa ako sa nararamdaman mo?  Bakit pati personal kong buhay pinapakialaman mo? And to think na binastos mo 'yong tao! Sa tingin mo ba ako pa rin iyong babaeng kaya mong paikutin?"

He looked at her with shocked. "Have you lost your mind? That guy was totally rude to me. Believe me he is not the possibility."

"You'd think I don't have the right to my own descision? It's like Big Brother was sitting next to me. Bakit ba ako nakikipag-argumento sa taong makitid ang utak? Na pati mali niya hindi niya mapuna." sabi niya at muling tinalikuran ito pero bago pa man siya makapasok sa sasakyan ni mang Gerardo ay muli itong nagsalita.

"You said you loved me. Was that true?"

Tila natigagal siya sa sinabing iyon ni Aries na tila ba may malakas na enerhiyang pumalibot sa kanyang paligid at nang harapin niya ito, Aries looked at her directly in the eyes. His gaze was so intense that her mouth went dry.

"I am not in the habit of lying," she whispered.

Ang mga mata nito ay tila nagliwanag.

"Does it mean yes?"

Hindi na siya umimik at mabilis na lumapit siya sa sasakyan ni Mang Gerardo at pumasok roon.

"Mang Gerardo tara na," abiso niya sa matanda.

Pinasibad naman ng matanda ang sasakyan.

Hindi na niya sinulyapan si Aries sa kanyang likuran kung nakasunod nga ba ito sa kanya.

Ang buong akala niya natigil na ito sa kakagulo sa kanya!
Napabuntong hininga na lang siya  at tumingin sa labas ng bintana.

Para sa kanya mahirap ang sitwasyon niya dahil nasa poder pa rin siya ng mga spinster.

Hinihintay na lang niya ang pagdulog nila ni Aries para sa pagpapawalang bisa ng kasal nila. Tutulungan siya ni lola Feliza sa bagay na 'yon.

Pero may bahagi sa kanyang sistema na parang mali ang mga hakbang niya at ang totoo mahal pa rin niya si Aries!

Hindi na niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang kapalaran basta tinatangay na lang siya sa kung ano ang pinaglalaban niya.

Nawala siya pagmumuni-muni nang lumiko sa kabilang daan ang sasakyan.

"Mang Gerardo bakit lumiko tayo? Hindi naman diyan ang daan sa mansion." sabi niya sa matanda pero hindi ito nagsalita.

Bigla siyang kinabahan.

Minabuti niyang lapitan ito dahil hindi niya makita ang mukha nito sa front mirror at nasa likuran siya nito.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ito at hindi si Mang Gerardo.

"S-sino kayo!?" tanong niya.

"Pasensya na ma'am napag-utusan lang ako," sabi nito.

"S-Sino po ang nag-utos sa inyo?" sabi niya.

Hindi ito sumagot. Kaya pala hindi siya nito pinagbuksan ng sasakyan kanina.

"Pakiusap ibalik niyo na lang ako sa mansion!" sabi niya pero hindi siya nito pinakinggan at mas pinaharurot pa nito ang sasakyan.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now