EPISODE 4

608 20 0
                                    

🧓
IRENE

"Goodmorning hon" sabi ko kay greg sabay halik.

"Goodmorning din my beautiful wife" sagot naman ni greg sakin.

Bumangon na agad ako at baka saan pa mapunta to. Bumaba na ako para makapagprepare ng breakfast pero naabutan ko sila manang imee at atty. liza na nagluluto kaya nagtimpla nalang ako ng kape para sa amin.

"Irene, gisingin mo na silang lahat nang makakain na tayo" utos sakin ni ate imee. Agad naman akong pumunta sa mga kwarto at ginising sila.

Nagsibangon naman sila agad nung sumigaw ako ng "GISING NAAAAAAAA!!!".

Nagulat lahat ng mga bata at naguunahang pumunta ng cr para maghilamos itong mga anak ni bonget. Si greg, nakita ko nang bumaba. Pumunta ako sa kwarto nila kuya bonget pero wala na siya dito. Kaya bumaba na ako para tanungin kay atty. liza kung nasaan ang asawa niya.

"Atty. Liza, saan si kuya bonget?" I asked.

"Maagang pumuntang kapitolyo may importante siyang aasikasuhin" she replied.

Nagsiupo na kami at nagdasal bago kumain.

"Nga pala, nakausap ko na yung maghahandle ng stage and sounds para sa celebration ni dad. Sa catering nalang, kasi wala na kasi akong ibang mahanap na taga dito sa atin na maganda ang service, at para maiba naman tayo ng magdedecor sa event, yung taga ibang lugar naman sana" sabi ni manang imee habang ngumunguya.

"Katulad nung nakuha kong stage and sounds services taga ibang lugar" dagdag niya pagkatapos niya maubos yung kinakain niya.

"Try mo magtanong sa kanila manang imee baka may cater din sila" I replied.

"Sige, tatawagan ko na right away kasi it's friday na ilang araw nalang at bday na ni dad" manang imee said.

"Sana nga meron silang cater para minsanan na at para hindi na tayo gahol" she added.

*CALLING TO STGO CREATION

👮‍♀️
KIM

Papasok na ako ng trabaho nang biglang may nagring na phone. Tinignan ko yung cellphone ko wala namang tumawag kaya kinalkal ko yung bag ko.

Nakita ko yung cellphone na pang business call na gamit namin sa shop. Naalala ko nga pala nakalimutan kong ilagay sa front desk yung phone at nailagay sa bag ko dahil dali dali kaming umuwi. Agad ko namang sinagot yung tawag.

"Goodmorning this is STGO Creation" i said.

"Goodmorning, i just want to ask if you have catering services" caller.

"Aaah ma'am imee, its you" nakilala ko na agad kung sino yung tumawag dahil sa boses palang ni maam imee makikilala mo na dahil sa accent niya.

"We don't have catering services ma'am but i can recommend you" sagot ko.

Ayoko maghandle ng cater kasi andaming mga kailangang iset up. Nag-aral naman ako ng skirting nung SHS ako pero ayoko na kasi andaming tusok ng pin sa daliri ko kaya hindi ko na pinush yung cater. Nako dzai, marami ring tela ang lalabhan.

"Because I have a friend na may cater services ma'am, if you want po ako nalang po bahala magsabi sa kanila tutal alam naman na po namin yung mga details regards sa event ninyo" i added.

"Oh that's good. It's already friday na kasi and bukas na yung preparation kaya ikaw na bahala. Update mo nalang ako kung nasa ilocos na kayo. Dumeretso na muna kayo ng malacañang of the north for a short meeting" ma'am imee said.

"Noted maam imee. Thank you" i answered.

*CALL ENDED

Agad naman niyang pinatay yung call. Hindi ko pa day off bukas kaya mauuna na duon lahat ng staff ko, susunod nalang akong pumunta ng madaling araw doon ng linggo para mafinalize yung mga kailangan sa event bago magsimula yung celebration.

*FF

Nasa station na ako kaya start na nang work.

🧓
IRENE

"All goods na" sigaw ni manang imee habang nakangiti.

"Hindi nila hawak ang cater pero may friend siyang pwde iinquire, at sya nalang daw bahala" she added.

"Maganda kung ganun" atty. liza.

"Taga saan ba mga nakuha mong mga magaayos ng celebration manang imee?" Tanong ko.

"Taga isabela sila ading irene, nirecommend sakin yung secretary ko dahil taga doon din siya" manang imee answered.

"Sure ka ba na wala silang palpak kapag nasa event na?" pag-aalinlangan ko.

"Vinisit ko yung fb page nila at maganda naman yung mga reviews coz why not naman baka maganda talaga yung services nila" manang imee.

"Siguraduhin mo lang ate dahil malaking kahihiyaan kapag sila nagkapalpak during the event, sempre yun ung unang mapapansin ng bisita" i said.

"No worries ano ka ba? Masyado kang negative. O siya magliligpit na nang pinagkainan at makakapag-palengke na ng mga needs sa event" manang imee uttered.

Hinayaan nalang namin sila manang imee magligpit ng pinagkainan meron naman kasambahay na kasama. Pumunta na rin kami sa kwarto para magbihis, pupunta kasi kami ng cultural center ichecheck kung maayos na ito para sa event sa linggo.

*FF

Nasa cultural center na kami ngayon at kasama ko si greg. Yung mga bata pumuntang mall para magshopping. Saka na namin ibibigay yung mga pasalubong kapag tapos na yung event. Matagal naman kaming magsstay dito dahil nagkataon na ngayong buwan ipopropose yung mga projects ko.

Nilibot lang namin yung cultural center at maayos naman nai-organize dahil may stage na ito at mga upuan para sa mga bisita.

"Hon, tara na sumunod kila luis sa mall para sabay sabay na tayong maglunch" sabi ko kay greg habang kinakausap yung organizer.

"Sige hon" sagot naman niya at nagpaalam na kami sa organizer.

Bumyahe na kami ni greg dahil medyo traffic sa bayan. Dumeretso na kami sa restaurant na sinabi ni luis. Nakita naman namin sila at nakapagsettle na ng table.

"Waiter" luis said.

Lumapit naman yung waiter at nagtanong kung anong order namin.

"Pinakbet nga po, adobong manok, at menudo samin. Kayo mom, what do you want?" Tanong ni luis.

"Kare-kare at giniling lang samin ni greg pagsaluhan nalang para matikman nating lahat" sagot ko.

Andito lang kami sa "la kusina" dito sa mall. Puros lutong ilocano ang nandito. Dito gustong kumain ni luis dahil namiss na niya yung mga ulam dito. Pero sempre giniling at pakbet pa din yung favorite ko kapag nasa ilocos ako.

"Tsaka nitong special empanada na rin" dagdag naman ni alfonso. Namiss namin lahat ito.

Maya-maya dumating na yung order, nagdasal narin bago kumain. Habang kumakain nagkukwentuhan kami about sa ginawa namin sa cultural center at kung ano ginawa nila dito sa mall.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon