EPISODE 59

427 30 4
                                    

Kim's POV

Tapos na kami kumain ngayon at abalang nagliligpit ng pinangkainin. Ayoko nang tulungan kami ni Ms. Irene at baka marumihan pa siya. Pero nagpumilit siya kaya no choice.

Pagkatapos nun, nagsettle uli kami ng upo dahil busog na busog kami pero hindi pa natatapos ang lafang moment namin. Tumayo ako para kunin yung ginagawang agar-agar na buko pandan ni mama.

Nagpaalam muna ako sa kanila para kunin yun sa refrigerator. Sakto rin namang pumasok yung dalawang lalaki na nagpapababa ng mga kinain kanina.

"Sandali lang kukunin ko lang po yung panghimagas" sabi ko sabay labas ng kubo.

Narinig ko namang niyaya ni papa si Sir Greg na uminom.

"Mr. Araneta, umiinom ka ba ng beer? Tagay naman tayo" pag-aaya ni papa kay Sir Greg.

"Sure naman" pagsang-ayon naman nito.

"O siya kukuha lang ako sa ref. Ng beer" tugon ni papa at sumunod na itong papasok ng loob ng kusina.

Nagtungo na ako kung saan yung refrigerator Namin at kinuha yung kakainin naming panghimagas. Kumuha rin ako ng mga manggok at mga kutraritas.

Habang inihahanda yung mga kailangan namin, kumukuha na rin ng beer si papa sa refrigerator.

"Mag-iinom kayo pa?" I asked.

"Oo anak. Bakit gusto mo rin ba?" Tanong rin nito.

"Hindi po pa, btw! Big time ka ngayon pa ha. HHAAHAH" pagbibiro ko kay papa.

"Ha? Bakit naman?" Tanong nito.

"Isang Eddie Santiago, makaka-inuman ang isang Araneta" pang-aasar ko.

"Ikaw talaga puro ka biro. Pantay-pantay ang turing ng lahat ng tao, kaya dalian mo dyan at baka magutom pa uli yung dalawang Misis doon" pagbibiro naman nito sabay halakhak.

Natawa naman ako sa jokes ni papa. Sabay na kaming naglakad papunta uli sa kubo at nadatnan kong chumichika na itong dalawa.

Mukhang malalim na yung pag-uusap nila ha, ni hindi man lang ako hinintay para naman ma-update ako kung ano na ang latest na chismis. HAHHAAH

"Oooh! Ano yang dala mong dessert kim?" Tanong ni Ms. Irene.

"It's buko pandan Ms. Irene, ito naman yung specialty ni mama" aniya ko.

Nilapag ko na yung dala dala ko saka ako nagsandok para kay Ms. Irene.

"Eto po, masarap po niyan. Napaka-creamy niya at malalasahan mo talaga yung buko pandan nito" i explained.

Tinikman naman ni Ms. Irene ito at nasarapan. Kumuha na rin ako para kay mama at para sa akin. Yung dalawang mister naman, hindi ko na inalukan dahil alam kong wala silang hilig sa mga ganitong matatamis.

"Hmm! Matuloy tayo sa kwento, ano nang nangyari bakit nagkaroon ka ng trauma dahil sa pagbabanda kim?" Biglang tanong sa akin ni Ms. Irene habang sinisimot yung buko pandan.

"Uuuhm! it's just an insecurity matter. Mga panahon na iyon uso yung showdown sa banda. E sempre kami yung panalo, and this one band na kina-inggitan ako dahil i reached all the highest notes kaya tinarget nila akong ibully" i said.

"And then?" She asked.

"Tapos every live shows namin with the band, nandoon sila palagi hindi bilang taga panuod kundi they thrown eggs or tomatoes on me while i'm on stage singing. So ayun, that was the last time i sung in public" dagdag ko.

"Kaya ngayon, kumakanta naman ako pero patago. Ayoko ulit mangyari yung nangyari noon. I felt fear whenever i stand on stage na may hawak na mic, feeling ko may magbabato sakin kung ano ano jan. Kaya i choose to be in behind, kapag may mga inoorganize kaming event" tugon ko.

"Kaya pala sabi nung operator sa event na ayaw ipagsabi kahit kanino kung sino yung kumanta ng "evey woman in the world" sa event ng daddy" Ms. Irene said.

"Oh? Tinanong niyo kung sino?" Pagtataka kong tanong.

"Yes, because that were my dad and I favorite song. E sabi pa nga ni ate imee na baka voice recorded yun kasi walang singer na kumakanta sa stage noon" aniya ni Ms. Irene.

"Kaya nung birthday mo at pauwi na tayo, diba kinanta mo iyon? Doon ko napagtanto na ikaw pala yung kumanta nun ng live" tugon uli nito.

Dahil sa sinabi ni Ms. Irene doon naliwanagan kung bakit biglang tumayo si Ms. Irene sa pagkaupo para akmahin akong halikan. She fluttered nung kinanta ko yun, eh hindi ko naman alam na favorite niya yung kanta.

Bigla naman akong lumapit sa kanya at bumulong.

"Kaya pala gusto mo akong halikan noon kasi nagandahan ka sa kanta ko" mahina kong sabi sa tapat ng kanyang tenga.

Nagulat naman siya sa binulong ko dahilan na napalayo siya ng kaunti at namula ang kanyang mga pisngi.

"Ano na yan? Huwag niyo naman akong paglihiman ng chismis" pag-aasar ni mama.

Dahil sa binulong ko kay Ms. Irene nataranta itong kumuha pa ng buko pandan at agad kinain ito. Dahil sa bilis nitong kinain, hindi na siya nag-ingat kaya natapunan siya sa kanyang damit.

"Ooh! Dahan-dahan lang Ms. Irene, natapunan kana sa damit" pag-aalalang sabi ni mama.

Agad naman akong kumuha ng tissue para punasan ang kanyang damit na natapunan ng buko pandan sa may bandang kanyang dibdib.

"Oh anong nangyari?" Tanong naman ni papa na nakikipagtagay kay Sir Greg.

"Natapunan po si Ms. Irene" sagot ko.

Hindi matanggal yung stink at puti pa naman yung suot niya.

"Anak, pahiramin mo muna si Ms. Irene ng damit" aniya naman ni mama.

"Hindi na. Ayos lang naman" sumbat ni Ms. Irene.

"Hindi pwde Ms. Irene, gusto mo bang langgamin ka jan sa damit mo?" Sagot ko na may halo nang inis dahil magpupumilit na naman ito.

"Ayos lang talaga, yayain ko nalang si Greg para umuwi" she said.

"Ms. Irene?!" Sabi ko na medyo nagmomodulate na yung boses ko sabay pamewang.

"Sige na Ms. Irene, sumunod kana kay kim. Baka nga langgamin kayo o kaya langawin. Ang dami pa namang natapon sa inyo" pagkukumbinsi ni mama.

Hindi nagtagal sumama na rin si Ms. Irene sa akin para makapagpalit ng damit.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon