EPISODE 10

581 20 6
                                    

👧
KARLA

Nagulat ako nung tinapik ako ni Ma'am imee.

"Miss pwde ba kita makausap sandali?" Tanong niya.

"Aaah sige po ma'am" sagot ko naman.

Papunta kami kay ma'am irene. Nakilala ko kaagad si maam irene dahil lagi kong nakikitang pinapanuod ito ni ate kim.

"This is my sister, irene. And irene, Siya yung nakausap ko kanina, kasi wala pa yung boss nila na magdidirect bukas sa celebration bukas palang ang punta dito" ma'am imee said.

"Oooh hi. Ang ganda ng set up niyo ha" ma'am irene said.

"Salamat po ma'am irene. Si ate kim po yung boss ko yung may idea nito, sunusundan lang po namin yung nasa guidelines na gawa niya" sabi ko habang nakangiti.

"Ang galing naman ninyo, hindi ako nagsisising sa inyo ako naginquire" ma'am imee uttered.

"Salamat po ma'am, buti naman po nagustuhan ninyo. Sige po maiwanan ko na po muna kayo tutulungan ko lang po sila" sabi ko kasi tinatawag ako ni ralph need daw ng help.

"Sige sige, basta yung boss mo ha gusto ko siyang makilala" ma'am imee said.

Umingiti-ngiti lang si maam irene at hindi umiimik. Pero itong kapatid niya andaming daldal. HAHAHHAAHA

🧓
IRENE

Nagulat ako nung pagpasok ko dito sa cultural center.

"Si ate kim po yung boss ko yung may idea nito, sunusundan lang po namin yung nasa guidelines na gawa niya" sabi ni karla.

So si kim pala ang may idea neto pero wala pa siya ngayon dito bukas palang ang punta sabi ni karla. Gusto ko siyang makilala at baka sakaling makausap ko siya at makapag inquire dahil malapit na yung proposal ng projects ko. Gusto ko magcelebrate pagkayari nun.

*FF

👮‍♀️
KIM

Tapos na ang work. Pauwi na ako ng bahay para makapagimpake na. 2 days rin ako duon kaya need ng damit 'coz why not diva? Alangan paulit ulit yung damit ko? Yuck yun kaya. HAHAHAHA CHAR.

Habang nasa byahe, tumawag ako kay ate dean para kumustahin naman siya.

*CALLING TO ATE DEAN

"Ate dean, kumusta kayo jan ano na ganap niyo?" Tanong ko.

"Eto nagsskirting palang kami, e alam mo na matagal talaga etong trabaho namin" ate dean answered.

"E sa team ko ate, kumusta naman sila?" I asked.

"Napakaganda ng set up ng stage, jusko ang galing mo talaga sa mga ganito ading" ate dean said.

"Passion mo talaga eto lalo na sa banda" dagdag niya pa.

"Nakooo ate gusto mo lang ata ng milktea e, kaya mo ko binobola" sabi ko.

"Seryoso ako. Pati nga si ma'am imee at yung kapatid niyang si ma'am irene namangha sa ganda at ayos ng stage" wika ni ate dean.

Nagulat ako at the same time kinilig dahil nakita niya si Ms. Irene. Meaning andun talaga siya. Waaaaaaaaah! Chigidig my heart.

"Nakita mo si Ms. Irene ate?" Tanong ko habang kinikilig.

"Oo, nakita ko pa ngang kinausap nila si karla. Pero di ko alam kung ano pinagusapan nila" ate dean said.

"Ganun ba ate? Sige ate at nasa byahe ako pauwi palang ako ng bahay" sabi ko.

"Sige ingat sa pagdadrive ading ko. Update mo ko kapag nasa ilocos ka na bukas" sabi ni ate dean.

"Sige po ate. Byeeee ate" i said sabay baba ng phone.

*CALL ENDED

Nakausap ni karla sila maam imee at Ms. Irene. Gusto ko siyang makausap ngayon din si karla. Kaya tatawagan ko siya.

*CALLING TO KARLA

"Hello karla, nakwento ni ate dean na kinausap ka nila ma'am imee at ms. irene. Ano sabi nila?" Tanong ko.

"Aaah opo ate, sinabi nilang napaka ganda raw ng set up ng stage ate. Kaya halika na ate gusto ka na nilang makausap at makilala" karla said.

"Ganun ba? Oo ilang oras nalang babyahe na ako. Baka 3am ako magbabyahe" i said.

"Ayos lang ba kayo ngayon jan? Yung mga instruments naka tune bang mabuti?" Tanong ko.

"Sabi ni kuya arnold, idouble check mo raw po bawat isa sa instruments pati mic bago magsimula yung event. Magaling po kasi tenga niyo sa pagtest ng mga ito" karla uttered.

"Osige sige double check ko nalang bukas. E yung singer natin? Sabihin mo magrehears rehears na para habang wala pang ganap, pwde siyang sumalang para maentertain yung mga bisita nila" bilin ko.

"Noted po ate, sige na po. Update mo nalang ako bukas" sabi ni karla.

"No probs, sige byeee" i said.

*CALL ENDED

👧
KARLA

Napabilib na naman ako ni ate kim.

After ng paguusap namin ni ate, sinunod ko na agad yung bilin niya. Sinabihan ko na yung singer at sinabi rin kay kuya arnold na ichecheck ni ate kim lahat ng instruments pati mic bukas bago ang event.

👮‍♀️
KIM

It's 9pm na. Magiimpake na ako ng mga gamit. Sempre laging present tong camera ko, hindi ito mawawala. Mga damit, na puros tshirts para kompartable lagi sa paggalaw at teternohan ng trouser, shoes, belt bag, at sempre sunglasses. Magdadala ako ng foam para sa sasakyan nalang ako matutulog or magpapahinga 'coz why not diva?

Idadala ko rin yung laptop ko dahil kapag may time gagawa ako ng report para pagpasok ko ulit sa station may maipapasa ako sa superior ko. Ayoko mamase-mase noh. 20 rounds na jogging sa 180 meters na oval field.

After ng pagiimpake. Nireview ko rin yung mga dapat gawin sa event habang nakikinig ng music. Sinising along ko rin yung tugtog para ma-warm up yung boses ko.

Pagkatapos matutulog na ako, antok na rin ako dahil pagod sa work. Gigising ako ng mga 2am bukas. Ichecheck ko pa yung sasakyan para walang aberya sa daan. Ayoko namang istorbohin si papa sa pagtulog dahil apakaaga pa ng 3am na alis ko. Kaya aagahan ko pang gumising para macheck yung sasakyan ko.

Di bale after ng event, start na ng night shift ko nang tuesday kaya pagkauwi ko galing ilocos tuloy tuloy na tulog na yun. HAHAHAHAHA.

Bigla namang kumatok si papa na agad ko namang pinagbuksan.

"Matutulog kana ba anak?" Papa asked.

"Opo pa, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko.

"Nacheck ko na yung sasakyan mo, ingat ka sa byahe bukas anak ha" papa uttered.

"Halla pa, akala mahimbing na yung tulog mo. Kaya ko naman na pong icheck yun e" sabi ko kay papa.

"Pero thank you pa, you're the best talaga pa" i said sabay yakap kay papa.

"Osige na. Magpahinga kana maaga ka pa bukas" wika ni papa.

"Pahinga na rin po kayo pa, mahal ko kayo" i said habang maiyak iyak.

Umalis na si papa at ako naman hinohold back yung iyak ko. Hanggang sa nakatulog na.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon