EPISODE 116

280 24 0
                                    

Kim's POV

*Flashbacks

Makalipas ng dalawang linggo nakatanggap ako ng liham mula sa PSG Commander, at ako daw ay inaanyayahang makilahok sa PSG (Presidential Security Group) ng Pangulong Duterte. Ito rin daw ang gusto ng pangulo para sa akin.

Pero kumuha muna ako ng advice sa mga seniors ko kung iga-grab ko ba ang opportunity na ito pero instead na bigyan ako ng advice, pinagalitan pa ako dahil bakit pa ako kumukuha ng advice kung sasabak ako, eh isang karangalan ng isang pulis o sundalo ang makalahok sa PSG.

Wala naman sa isip ko ang pumasok sa PSG dahil sapat na sa akin kung anong meron ako ngayon, masaya na ako sa workplace ko lalo na't malapit lang ako sa family ko. Pero sabi nga nila, grab the opportunity lalo na kung hindi lahat ng tao hindi ito nakakamit. 

Kaya, the second day after i received the letter sinundo na rin ako ng isang kasali rin sa PSG. See? May taga sundo pa at iyon daw ang utos ng Pangulo, gusto niya raw na makarating ako ng ligtas. Also Manang Imee, she knew about it.

Sinabi ko sa parents ko tungkol dito at sempre tuwang tuwa ang mag-asawa. Sakto rin na may check-up si mama sa manila next week, dadalawin niya ako doon. And yes, kung hindi ko pa naikukwento may bahay kami sa manila. Doon kami nagbabakasyon, nagi-stay kapag may check-up ang parents. Since ako lang ang anak, sa akin na pinapangalan lahat ng properties na meron ang parents ko.

Hindi naman kami ganoon kayaman, pero minsan nabibigla nalang ako sa mga nalalaman ko. Minsan may namemeet akong mga taga real estate sa bahay, mga agents ng isang malaking kumpanya at nag-iinvest pala ang papa ko doon. Tapos ngayong may sapat na edad na ako, maya-maya kukunin ang signature ko para sa validation ng isang property.

Noong una, maski ako hindi ko akalain na isang masipag na magsasaka lang ang papa ko at isang huwarang guro naman ang mama ko. Pero dahil sa cancer na nakuha ni mama hindi na siya nakabalik sa pagtuturo kaya mas pinursigi pa lalo ni papa ang pagtatrabaho without knowing na mayaman na pala sila dati, lalo at pinamana sa papa ko yung bukid ngayon na kanyang sinasaka at doon kami kumukuha ng kinakaing bigas.

So anyways, nakapag-paalam na ako sa magulang ko, binilinan niya akong sa condo nalang ako tumira kesa sa bahay dahil malaki iyon kung para sa akin lang mag-isa. No choice rin ako dahil sa laking iyon hindi ko alam kung may makakasama akong hindi ko nakikita.

Saka lang naman iyon nagkakaroon ng tao kapag nandoon kami. Pinapagamit nga ng papa ko sa kapatid niyang si Tito Ramon na pulis din na nakadestino sa Laguna kasama yung pamilya niya pero ayaw niya kasi mala-Mansion ang laki.

On the way na kami ng manila at naka-private plane pala yung sumundo sa akin kaya pala ayaw niyang gamitin ko yung sasakyan ko. Para naman may service ako sa manila sana. Mage-election na naman and i heard na bukas na ang filing ng COC, at kasama sa tatakbong senador si Manang Imee.

Wala akong sinabihan sa iba sa kanila about dito kahit na si Ms. Irene dahil alam kong busy siya. Ok naman ang trabaho ng mga construction workers sa pinapatayo niyang cultural center. Konting konti nalang matatapos na. May secretary naman siyang kontakin yung mga assigned doon kaya keri na nila iyon.

After 4 hours, nandito na kami kung saan ang quarters ng mga PSG. Paglapag ko pa lamang binigay na kaagad sa akin ang camouflage na aking uniporme.

"Pakisuot na dahil hinihintay ka na ng PSG Commander at ang Presidente" sabi ng officer-in-charge.

"I'm Police Lieutenant Martin. Isa ka naman ng ganap na pulis kaya we expected na alam mo na ang secrecy kapag nasa PSG ka, kaya bawal dito ang lugaw, naiintintidahan mo ba PMAJ Santiago?" Pasigaw na tanong.

Agad naman akong tumindig at sumagot. Baka malagot ako neto kung paanga-anga ako mas mataas pa naman ranggo niya sa akin.

"Sir, yes sir!" Sigaw kong sagot.

"Sige, babalikan kita mamaya at dapat suot suot mo na yang uniporme na yan" dagdag nito saka umalis.

Agad na akong nagtungo sa quarter kung saan may C.R at sinuot na ito. Hindi pa ako nakakahinga ng maayos dahil sa pagod sa byahe may task na kaagad ako. Inayos ko na rin ang buhok ko at dapat walang hibla ng buhok ang nakataas kaya nasa hair gel or hair spray ang solusyon. At dahil maiksi lang ang aking buhok, it's a cute bun lang saka ko sinuot ko yung cap.

Nagpunta na kami sa may field at may occassion pala, it's a PSG ANNIVERSARY kaya pala agad na akong binigyan ng task ngayon ni wala man lang pahinga bago magtrabaho. Nagbigay naman ng speech si Pangulong Duterte, at sa kalagitnaan ng kanyang talumpati doon na niya akong isiningit na ipinakilala.

"Nandito na ba si PMAJ Santiago?" Sabi nito at agad naman akong nagpakita sa kanya.

"Siya ang bagong member ng PSG, look ang ganda niya diba? Sa ganda bang yan aakalainin mo bang papasukin niya ang military?" Pagbibiro nito.

"Diba hindi? Akala ko nung una ko siyang makita sa hospital, oo na hospital yan, akala ko isang artista o di kaya'y beauty queen. Kaya ko siya kinuha dito dahil kung sakaling may magtangka man sa akin, makita lang siya ng taong iyon babagsak na" sabi ng pangulo.

Jusko naman sir! Nasa mukha ko ba ang strength ng troops? Sige na nga po, para sa seguridad ninyo isang kindat para sa magtangkang saktan kayo. HAHAHHA.

"Sakanya kayo mag-ingat kasi nakita ko sa kanyang personal info. Black belter sa judo at martial arts" he added.

Halla si Mr. President, secret ko lang iyon eh. Revealer pala itong si PRRD. Ni hindi ko nga binabanggit about sa pagju-judo at pagma-martial arts ko para hindi matakot ang tao sa akin. Nahihiya na tuloy ako sa mga tao rito na nandito sa field.

After ng speech ng pangulo, nagpicture kaming lahat. And this is what it looks.

Ctto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ctto.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon