EPISODE 82

510 40 10
                                    

Greg's POV

Gumawa kaagad ako ng alibi which i will conduct team building tomorrow with the employees and also a party with the new investors. Pero in that whole activities, hindi ako makakasama dahil may ganap kami ni Pia.

Nabilinan ko na lahat ng employees na nasa laguna lang ako nakikijoin sa kanila kung sakaling hanapin ako ni Irene. Pero pagkatapos ko maipaliwanang about sa team building na magaganap bukas kay irene. Biglang nangatog yung mga tuhod ko nung sinabi niyang makikijoin siya sa activity na iyon. Akala ko hindi na siya sasama dahil tutulong siyang mag-asikaso sa magaganap na kasal ni manang.

Hindi na naman mapakali yung utak ko para makapag isip ng iba pang ipapalusot ko bukas. Ayoko namang maghintay si Pia sa concert na iyon na walang darating na Greg. Matagal din kami hindi nagkita kaya inaasahan niyang magkikita kami bukas.

Irene's POV

It's already 11 pm and i'm still awake. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa din kung bakit matiis akong hindi kausapin ni kim? Ni hindi man lang magsorry sa akin diba?

Para dalawin ako ng antok, kinuha ko yung brochure na binigay ni manang kanina na naglalaman ng mga wedding gowns. And also para makita ko rin yung gown na napili niya for her wedding. Pero mas dadalawin ako ng antok kapag uminom ako ng tubig kaya lumabas ako ng kwarto at kumuha ng isang basong tubig.

When i'm about to open the door, someone's calling my name.

"Ms. Irene" mahina niyang sabi.

Lumingon ako kung saan galing ang tunog na iyon dahil medyo patay na ang ilang mga ilaw dito. I saw kim standing and she looks cute in her action.

Nasa likuran ang kanyang mga kamay at yung itsura niya para siyang batang nagmamakaawang humihingi ng pagkain.

"Can we talk?" She asked.

Aba! Buti naman may balak pa itong kausapin ako. Pero wala pa rin akong kibo sa sinabi niya. Hanggang sa nagmakaawa na ito.

"Please?" Sabi nito na parang maiiyak na.

Matagal pa bago ako sumagot dahil nakatitig lang ako sa mukhang niyang sobrang cute pero naawa na rin ako sa kanya.

"Follow me" i uttered.

Nagsimula na akong lumakad at sinundan niya naman ako. Dito sa garden ko siya dinala, dahil kumportable ang area na ito kapag may ganitong situation.

Uminom ako ng tubig at naghihintay na magsalita siya at magexplain. Papakinggan ko naman siya eh. May tiwala ako sa kanya na sasabihin niya ang buong details kung bakit wala siyang paramdam that time na kinasama ng loob ko sa kanya.

"Ms. Irene, i'm sorry" she said.

Nanlambot ang buong katawan ko noong narinig ko ang sorry niya. Wala pa akong masabi kaya tumango tango lang ako bilang reaksyon na pinakita ko sa kaya.

"I'm sorry Ms. Irene dahil hindi kita naupdate kaagad. Tatawagan naman po kita kaso nagshut down na po yung phone ko nun, then nakatulog na kaagad. Wala naman po akong intensyong pag-alalanin kayo, sana huwag na sumama loob niyo sa akin Ms. Irene. Hindi na rin po kita makausap kanina dahil simula noong tinatawagan ko kayo iniignore niyo nalang ako" she explained.

Aware naman ako sa lahat ng explanation niya dahil nasabi rin ni manang imee about dito basta ang gusto ko lang na siya mismo ang kumausap sa akin.

Pero maya't maya inabot niya sa akin ang dalawang tickets. Tinignan ko naman ito nang mabasa ang mga details na nakalagay dito.

It's a ben & ben concert in Paranaque, gaganapin na ito bukas at bukas na rin magsisimula yung team building ng company.

"Please forgive Ms. Irene, can i take you here?" Pagmamakaawa ni kim sa akin.

Naguluhan tuloy ako pero ayokong tumanggi sa offer ni kim na ito dahil gustong gusto kong umaattend ng concert tulad nito. Pero nagpakipot muna ako.

"I have an important event tomorrow but i will see. Just stand by, pero kapag hindi ako makakapunta you can invite another person para sa isang ticket at nang hindi masayang" sabi ko.

Nilagyan ko padin ng masungit na tono para hindi halatang marupok pero deep inside excited na ako sa concert na ito.

Ipapaliwanang ko nalang ito kay Greg for sure maiintindihan naman niya ako. Pero magpapalusot ako sa kanya na sasamahan ko sila manang imee na mag asikaso ng kasal dahil kapag sinabi kong concert ang pupuntahan ko baka isipin ni greg na baka mas importante pa sa akin yung concert kesa sa company. Kaya ganung palusot ang sasabihin ko bukas sa kanya.

"Aaah sige po Ms. Irene, sabihan niyo lang po ako kung ano magiging desisyon niyo" aniya ni kim.

Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanya.

"Yuuuh sure! Sige, goodnight" paalam ko.

"Sige po" cold niyang sagot.

Tinignan ko naman siya at nakangiti ito pero pilit. And i saw her eyes, na konti nalang babagsak na ang kanyang luha.

Tumalikod na ako sa kanya at tuluyan nang naglakad papalayo. Medyo lumuwag na yung pakiramdam ko sa kanya dahil humingi na siya ng tawad pero sobra ko na ata siyang pinapahirapan. Ramdam ko yung mata niyang maluha luha at ang pilit niyang ngiti.

She's in pain also dahil hindi kami ok but still she's doing her best para mapatawad ko siya. Kaya she has a tickets for a concert, i don't know paano niya alam na mahilig akong umattend ng ganoong concert.

Bumalik ako sa garden kung saan siya naroon pero hindi ko na siya mahagilap. Andito lang siya kaninang iniwan ko, pero bigla na itong nawala. Saan na siya nagpunta?

Pero sa tingin ko, nandyan lang siya sa paligid. Alam kong, masakit din yung ginawa kong pagsusungit sa kanya. Pero babawi naman ako bukas, her offer accepted.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon