EPISODE 86

495 42 2
                                    

Irene's POV

Pagkaalis ni borgy, sakto namamg dumating si greg galing sa labas.

"Hon, hindi na ako makakasama sa team building niyo. May aasikasuhin kami nila manang, right manang imee?" Sabi ko sabay tingin kay manang at tinaasan ko ng kilay signal na sasang-ayon sa paalam ko.

"Aaah yes! Kailangan ko rin si irene, dahil i'm planning na magperform yung orchestra niya for my wedding" manang imee said.

"Yes of course and ayos lang naman sa amin, nandoon naman ako para ihandle yung team building" sabi ni greg.

"Sige hon, manang ,and kim. Mag-aayos lang ako ng gamit" paalam ni greg at pumasok na sa kwarto.

"Yuuuh sure" tugon ni manang.

"Ikaw kim, nakabihis kana? Let's go?" Pag-aaya ni manang kay kim.

"Sige po manang imee, may kukunin lang po ako saglit sa kwarto" kim said.

"Ikaw irene? Hindi ka talaga sasama sa amin?" Pag-aaya nito.

"Next time manang, walang makakasama si mommy dito. At tsaka para makapagprepare na rin mamaya para sa concert" mahina kong sabi tsaka ako tumawa.

Nagtawanan naman kami ni manang. Maya't maya lumabas na si kim galing sa kwarto at dala dala niya yung binigay kong camera.

I smiled then pumasok na rin sa kwarto.

*FF

Napaalis ko na si Greg para sa team building nila sa Laguna. And it's already 5pm, maya't maya meron na din sila manang imee at kim. Bumalik na ako ng kwarto para makapag-ayos na ng sarili. Hindi ko pa nasasabi kay kim na pupunta ako sa concert, susurpresahin ko nalang siya mamaya.

Kim's POV

Nakauwi na kami ni manang imee dito sa mansion. And its already 5pm, hindi ko alam kung ano balak ni Ms. Irene kung pupunta ba siya o hindi. Basta ako pupunta ako kahit ako lang mag-isa. Gustong gusto ko ring umattend ng ganoong concert. I love Ben & Ben songs, so why not namam divaaa? Anyways, sayang yung ticket. HHAAHHAHAHA ipapamigay ko nalang yung isa doon sa venue later. Or ipaparefund ko nalang since naka VIP yun worth of 15k rin yung ticket na iyon. HAHAHAHA. Pero sempre ibabalik ko naman iyon kila manang imee no, kakahiya naman kung ibubulsa natin iyon.

Nagbihis na ako ng sarili para makarating doon ng on time, 8pm yun mag-sstart. At medyo malayo layo rin yung Paranaque dito. Nagsuot lang ako ng long sleeves na blouse saka ko tinuck in sa favorite trouser ko, then sneakers. Hassle kapag naka heels kang pupunta kapag ganoong crowded place.

Lumabas na ako para makapag-paalam kila Manang imee. Sempre dala dala ko rin palagi yung camera, at yung binigay ni Ms. Irene ang dinala ko dahil maganda yung mga specifications nito kumpara sa usually kong ginagamit.

Pero sa hindi ko inaasahan, i saw Ms. Irene na nag-aayos ng kanyang sarili sa may pintuan. Na para bang nag-aabang.

"Oooh! You are there, let's go?" Sabi nito. Nagulat namna ako dahil ang akala ko ayaw niyang pumunta.

Tumingin naman ako kay manang imee, at nginitian niya ako saka siya nag hand gestures na tumuloy na kami.

Ngumiti naman ako saka nag paalam kila Ma'am Imelda at Manang Imee.

"Ingat kayo mga anak" sabi ni Maam Imelda.

"Goodluck" bulong naman sa akin ni manang imee dahilan na napangiti ako.

"Let's go Ms. Irene, sa sasakyan ko nalang po tayo" offer ko.

Tumango tango naman si Ms. Irene bilang sagot. Sumakay na kami sa sasakyan ko, at ilang oras ang nakalipas nakarating na kami sa venue.

Hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag si Ms. Irene sa pag-aaya kong ito. First time kong umattend na kasama ang pinakamamahal mong tao. Habang naglalakad kami sa may hallway papunta sa loob ng dome, rinig na rinig na namin yung hiyawan.

Pagkarating namin sa loob, inassist na kami para sa makapagsettle na kami ng upuan since naka VIP seat kami ni Ms. Irene. Priority nila kaming iguide, mas lalo pang secured kami dahil i'm with Ms. Irene Marcos.

Sa may left side kami naupo ayaw namin sa may center dahil sobrang exposing doon.

Greg's POV

Pagkaalis ko ng mansion, sa Paranaque ako dumeretso dahil ayokong malate at baka magalit sa akin si Pia. Pinick up ko si Pia, malapit sa venue, at ilang sandali pa nakarating na rin kami sa dome kung saan magaganap ang concert.

Naka VIP seat kami kaya sa harapan kami puwesto pero dito lang sa right side, marami nang taong nakapwesto sa may gitna kaya no choice na dito na mauupo.

After ng ilang minuto nagsimula na rin yung concert. Habang nasa kalagitnaan ng performance ng Ben & Ben, tumatawag si Irene kay Pia. Parehas kaming kinabahan dahil sa tawag na iyon.

Irene's POV

Goosebumps ang bumungad sa akin pagkarating namin sa dome sa sobrang hiyawan ng mga tao. Hindi pa nagsisimula pero sobra na yung tili ng mga tao.

Habang nasa kalagitnaan ng show, naalala ko yung kabataan ko, i'm always with Pia. Kami ang magkasamang umaattend ng ganitong concert. Naisipan ko tuloy siyang tawagan baka sakaling umattend siya at nang magkita kami rito. I know na aware siya sa updates sa social medias, for sure alam niya ang tungkol sa concert na ito.

Pero hindi niya ito sinasagot kaya imemesage ko nalang siya.

*MESSAGE TO PIA

"Pia! I'm here vibing with Ben & Ben. Pumunta ka ba ng concert? I hope na pumunta ka, para makapagkita tayo. Miss ko yung bonding natin kapag pumupunta tayo sa ganitong concert"

*END OF CONVO

Yan lang ang sinabi ko at waiting sa reply niya.

Kim's POV

(Pakinggan niyo ito habang nagbabasa)

Ang saya ng araw na ito. Hindi ko maiwasang maiyak dahil na rin sa dala ng kantang ito. Ang sarap siguro sa pakiramdaman na ikaw ang pinipili araw-araw. Kailan ko kayo iyon mararanasan?

Sinasabayan namin yung kanta at i saw Ms. Irene na sinasabayan niya rin ito. She appreciates all the songs kahit hindi na niya ka henerasyon. Hindi rin niya maiwasang kumuha ng litrato kaya click doon click rito.

Kinukuhanan ko rin siya ng litrato ng patago, dahil isang memories na naman ang nabuo sa amin.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon