EPISODE 46

451 31 1
                                    

*CONTINUATION

Kim's POV

Nakikita ko na yung iba na umiiyak na.

"Guys! Umamin na kayo kung sino man yung pinagsabihan ni Mrs. Corpuz" sabi ni karla.

"At bukas na pala yung event ni hindi man lang ito sinabi sa akin! My gosh!" Sabi ko.

"Sempre as the owner, ako yung malilintikan dahil sa kapalpakan ng isa sa inyo. At alam niyo ba nandito si Mrs. Corpuz para magcomplaint dahil walang stage at sounds services na pumupunta doon para mag-ayos ng event!" I said.

"Gusto niyo pa atang tawagin ko siya dito para ituro kung sino yung nakausap niya" i added.

Hindi ko na napigilan kaya tatapusin ko na yung prank. Naaawa na ako sa mga reaction nila. Kaya tinawag ko na yung tatlong mokong.

"Wala pa ring aamin?!" Dagdag ko pero wala talagang nagsasalita.

"Mrs. Corpuz come in!" Sigaw ko sa bandang hagdan at dahang dahan kong hinugot yung confetti na nakatago sa likod ko.

Nakatingin lahat sila sa bandang hagdan, hinihintay lumabas si Mrs. Corpuz. Pero nagulat sila noong pinaputok ko yung confetti, sabay namang lumabas yung tatlong mokong na dala dala yung foods and drinks.

"Aaaaaaaaay!" Sabay sabay nilang sigaw.

"IT'S A PRAAAAAAAAANK" hiyaw ko.

"Ateeeee!" Sagot naman nila sa akin.

Pati si ate dean, parang napaniwala ko siya sa prank ko, dahil pagtingin ko sa kanya sinalubungan ako ng mataray niyang kilay.

Napawi yung kaba at yung iyak nila noong nakita nila akong tumawa. Alam kong tanging inis ang nararamdaman nila ngayon. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA.

"I'm so sorry guys, need ko munang bumawi para sa dinala kong foods. At sempre magpaparty tayo ngayon dahil you guys doing so great. Thank you dahil ginagawa niyo yung trabaho ninyo" i said.

"Pero totoo yung sinabi ko na bukas na yung event" i said.

"Hallaaaaaa!" Sabay sabay uli nilang sabi.

"Joke lang. Sige na kumain na kayo mukhang nagutom kayo sa prank ko. HAHAHAH prankster na ba ako?" Tanong ko sa kanila.

"Oo ate pero nakakatakot kang prankster. Sana hindi na iyon mauulit dahil baka iyon na yung reason para magresign" pang-aasar ni rey.

Tumawa nalang kaming lahat sa sinabi ni rey. Bumalik uli yung ligalig ng buong terrace. At ngayon kumakain na kaming lahat. Nagustuhan naman nila yung dala kong pagkain.

At mamaya, sisimulan na namin yung party. Chill muna ngayong gabi. Huwag ko muna silang papasukin sa trabaho bukas dahil aminado akong lahat kami may hangover after this.

Irene's POV

Pagkarating ko ng isabela, dumeretso ako sa condo na binili ko. Since wala pa akong alam ang pasikot sikot dito sa isabela kaya kay clyde nalang ako humingi ng favor na maghanap ng condo, buti naman may nahanap siya. Pero may kalayuan sa location ng cultural center, pero keri na.

Dumeretso na ako rito pagkalapag ng eroplano dito sa isabela at nagpahinga agad. Bukas nalang ako gagayak na bisitain yung contruction at balak kong puntahan si kim para ibigay yung camera at sumbrero sa kanya. Tinawagan ko naman si clyde para kunin yung address ni kim.

*CALLING TO MR. CLYDE

"Hello clyde" bungad ko sa kanya.

"Oooh! Hello Ms. Irene. Nasa isabela kana ba?" Tanong nito.

"Yes, kararating ko lang dito sa nahanap mong condo. Napaka comfy" i answered.

"Btw, can i have Kim's address? Balak ko kasing bisitahin siya bukas" tanong ko.

"Aaah yes of course Ms. Irene. Zone 2, Caliguian, Burgos, Isabela. Kung may makikita kayong bahay na dalawang palapag at may tindahan ng mga gulay at mga sari-sari sa harapan, iyon na po yung bahay nila kim" clyde answered.

"Thank you clyde! Sige na at magpapahinga na ako. Byeee!" Paalam ko sabay baba ng cellphone.

*CALL ENDED

Nanote ko naman yung address ni kim kaya ngayon matutulog na ako. Ako lang mag-isa dito sa condo.

Kim's POV

"FOR STGO CREATION!" pagyaya ko.

Inangat naman namin yung mga baso namin dahil isang shot nalang at magsisiuwian na kami. It's already 12 am, need na namin umuwi dahil may mga tama na itong mga kasama ko. At ramdam ko na rin yung hilo ko.

"CHEEEEERS!" sabi ko.

Sabay sabay na namin ininum yung last shot.

"Let's call it a day na guys. Happy ba kayo ngayon?" I asked na may pagka-tipsy.

"Yeeeeees!" Sigaw nila.

"Dahil jan, wala munang work tomorrow. Ay mamaya pala" i said.

Nagpalakpakan at naghiyawan naman silang lahat na halatang lasing na talaga.

"Sige na guys, uwi na tayo. Girls, sakay kayo sa sasakyan ko. Ihahatid ko na kayong lahat" i offered.

Kaya ko pa namang magdrive at prioritize ko silang ihatid sa kani kanilang bahay. Para safe silang makauwi.

Nahatid ko na silang lahat at pumunta muna ako mataas na place para pahimasmasin yung konting tama ko. Ang ganda rito, napakapresko at nakikita ko yung buong city lights. Nahiga muna ako at pinanuod yung nga bituin sa langit.

Unti-unting bumabalik yung mga nangyari sa ilocos. Huli akong malasing noong nasa ilocos ako dahil sa nakita ko si sir greg na may kasamang ibang babae.

Hindi ko maiwasang humagulgul sa iyak dahil maski ako nasasaktan dahil sa ginawa ni sir greg na actual kong nasubaybayan yung pagloloko niya pero how much more kung si Ms. Irene ang nakakita.

Nasasaktan na ako kung ano man yung reaction ni Ms. Irene kung sakaling malaman niya ito.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik na sa sasakyan para umuwi. It's 3 am na nung nakauwi ako ng bahay. Agad akong humiga at natulog, medyo tipsy pa rin ako.

Irene's POV

Maaga akong nagising dahil bibisitahin ko yung contruction kung saan na yung natapos nila. And now, tinatawagan ko na si manong driver para ihatid ako kila kim. Pupuntahan ko siya para maibigay iyong mga regalo ko sa kanya. Plano ko na rin na doon na magbreakfast dahil maaga pa naman para pumunta sa cultural center.

"Manong, kila kim tayo. Eto yung address niya" Tanong ko sa driver sabay abot ng isang piece of paper.

"Sige po ma'am" sagot ni manong.

Nasa byahe na ako at nagdrive tru kami ni manong drive para bumili ng coffee sa Starbucks at pancakes na dadalhin ko sa kanya.

Isang buwan ko rin siyang hindi nakita. Namimiss ko na yung maamo niyang mukha. Namimiss ko na yung amoy niya. Namimiss ko yung mga nahuhuli kong titig sa akin. Acckk! Kinikilig ako tuwing naaalala ko ang mga ito.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon