EPISODE 26

512 24 3
                                    

Irene's POV

It's 10am na. Pauwi na sila kim ng isabela. Napagusapan naman na nila ni ate imee yung payment ng service pero ayaw ni kim ng cash na ibibigay sa kanya. She preferred na sa bank account ng stgo creation idirect yung payment. Agad namang nagtransfer ng cash si ate imee kanina bago umuwi sila kim.

Aalis naman kami ni greg para ihatid sila dawn at anton sa airport dito sa ilocos. Babalik na sila ng manila dahil malapit na yung birthday ni dawn, aasikasuhin niya pa kasi ito.

Sunod nalang kami ni greg kapag a day before birthday ni dawn. Ewan ko kung ano yung plano niya basta mag-uupdate nalang siya sa amin.

Baka uuwi rin si smally from U.S. I don't know kung nakauwi na rin si Pia sa manila. Nagpaalam naman siya sa amin kagabi na uuwi ngayon.

"Hon, nakauwi na ba si Pia ng manila?" Tanong ko kay greg habang nagdadrive.

"Ahh uhm, i'm not really sure hon" sagot ni greg.

"Try ko ngang tawagan at mabalitaan kung nakauwi na" i said.

"Huwag! Wag na hon. No need na baka nakauwi na yun" sabi ni greg na parang kinakabahan.

*FF

Nakauwi na kami dito sa malacañang at it's time para ibigay yung mga pasalubong namin para sa lahat.

Sempre inuna namin bigyan yung mga bata. Hindi pa rin mawawala ang chocolates at sapatos para sa kanila.

Tuwang-tuwa sila nung nakita nila yung malalaking tobleron kaya agad nilang kinuha samin.

"Hey! Boys, don't eat too much ha. Mga ipin niyo" bilin ni kuya bonget sa mga anak niya.

Sempre meron din sa mga anak ni ate imee. Chocolates and tshirts. Hinahayaan lang naman ni ate imee yung mga batang kumain ng chocolates. Cool single mom yan e.

Pero mamaya dala agad ng dental clinic. HAHAHHAHAHAA.

And next, para kila ate imee, kuya bonget, liza and mommy. Sempre hindi rin mamawala ang lotion na semi pampaputi at marami pang iba. At kay mommy green tea para good health pa din.

After namin maibigay yung mga pasalubong, binigyan ko rin sila manang at manong driver. Sila manang, binigay ko na yung mga damit ko na hindi masyadong nagagamit. Yung iba bagong bago pa, may tag pa sa likod.

At para naman kila manong driver, sumbrero naman sa kanila. At may naiwan pang isang sumbrero, e wala naman na akong mabigyan dito kasi nabigyan ko na lahat.

Kaya nagtanong ako sa mga kalalakihan kung gusto nila ng sumbrero.

"Kuya bonget, baka want niyo pa netong sumbrero" i asked.

Matagal pa bago siya sumagot. Baka nagdadalawang isip kung gusto niyo o hindi.

"You know what irene" sabi ni ate imee.

"Ano ate?" tanong ko.

"Naalala ko si kim" ate imee.

"Oh bakit si kim ate? Siya pagbibigyan ko neto?" tanong ko kay ate imee.

"Yuuuh right, remember nung nahulog siya sa fountain. Diba nakita nating nakasumbrero siya noon at pag-ahon wala na yung sumbrero niya" sabi ni kuya bonget.

Naalala ko yung sinasabi ni kuya bonget. Good idea kung kay kim ko ito ibibigay.

"Tsaka lahat may discount sa service nila. Pinipilit kong full payment, yung walang discount sana kasi maganda talaga yung serbisyo nila" ate imee.

Tumango tango naman sila kuya bonget at mommy na parang sumasang ayon sa sinasabi ni ate imee.

"Pero ayaw ni kim. See? Napakabuti niya diva?"dagdag ni ate imee.

I agree naman, super bait niya. Napakamalasakit sa kapwa. I think deserve naman niya neto kahit sumbrero lang, and i know na maaappreciate niya ito.

"E paano ko to maibibigay sa kanya? Eh hindi ko nga naman alam kung magkikita pa ba kami o hindi na" tanong ko sa kanila.

"Edi puntahan mo sa isabela" sabi ni kuya bonget.

Sumang-ayon naman lahat sila tungkol sa sinabi ni kuya bonget. Pero ako nagiisip pa.

"Sige na ibigay muna yan sa kanya. Diba may projects ka? Try mo na ring maghanap ng property sa isabela para pagtayuhan ng isang pang cultural center for your exhibition" suggestion ni ate imee.

2 years pa naman yung contrata ko about sa projects na iyon. At wala pa akong nakikitang pwedeng pagtayuhan ng center.

"O sige payag na ako" i said.

"Yown" sigaw ni ate imee.

Hindi ko alam pero konting panahon lang yung ginugol nila kim dito at kakakilala lang namin siya pero parang antagal na naming magkakilala dahil gustong gusto siya ng family ko.

Lalong lalo na kay ate imee. Kagaya nung nagparty siya para sa kanila. Eh Ngayon lang naman yan nagpaparty.

"O siya, ready na ang meryenda. Magmeryenda na kayo" sabi ni liza.

"Boys, yang chocolates na naman tinitira niyo ha, enough na yan. Ito ang kainin niyo lumpia" dagdag nito.

Nagtatawanan naman yung mga anak ni ate imee dahil binibiro nila yung mga pinsan nila.

Naibigay na namin lahat ng pasalubong kaya meryenda time na.

Kim's POV

Alas tres na at kakarating namin ng bahay. Si kuya arnold yung nagdrive para sa akin. Need ko kasi ng tulog for night shift duty ko. At tsaka medyo masakit pa yung paa ko. Sila karla sa shop na sila dumeretso para ayusin yung mga instruments at speakers.

Pumunta naman na ako ng kwarto at si kuya arnold pinagmeryerda ni mama.

Inayos ko na yung mga gamit ko at bigla akong nagutom. Wala na kaming kain simula umalis kami ng ilocos at yung pasabaw lang ni Ms. Irene ang laman ng tyan namin. Tulog naman ako buong byahe kaya hindi na kami nakakain sa daan ni kuya, ayaw naman daw ako istorbohin.

Bumababa na ako para kumain nagluto ako ng tatlong sunny side up at kumuha rin ako ng isang can ng pineapple juice. After ko kumain inayos ko uli yung report ko dahil 6pm start ng duty ko.

Habang iniedit ko yung report. Biglang may kumatok. Agad ko naman itong pinagbuksan.

"Anak, uuwi na kuya arnold mo. Bumaba ka muna para magpaalam sayo" mama said.

Bumaba naman ako at nakita ko si kuya arnold na binubuhat yung mga gamit niya.

"Kuya uuwi ka na?" Tanong ko.

"Aah oo, baka miss na ako ni misis" sabi ni kuya arnold sabay tawa.

"Ganun ba kuya? Gusto mo bang ihatid na kita kuya? Para naman makita ko inaanak ko diba?" sabi ko.

"Hindi na kailangan. Magpahinga ka nalang ading ko. Idadala ko nalang dito minsan yung inaanak mo" kuya arnold.

"Sure ka kuya ha" i said.

At tumango lang siya bilang sagot at umalis na.

Pumunta na uli ako ng kwarto at nang makapagbihis dahil malapit na mag 6pm.

Naligo na ako agad. Pagkayari nun at ngayon nakabihis na. Ok na rin yung report ko, naisipan kong kunin yung camera ko dahil sa station nalang ako magtitingin ng pictures.

Dinala ko rin yung memory card ng dash cam ng sasakyan ni sir greg.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon