EPISODE 35

465 25 2
                                    

*CONTINUATION

Kim's POV

Bumababa na ako dala-dala ang board puzzle. Nakita ko si mama na maraming bumibili kaya nilapag ko muna yung board puzzle sa lamesa saka ko tinulungan si mama.

Sa mga oras na ito maraming bumibili lalo na at time to cook na para sa lunch. Si papa pumunta ng bukid para tignan yung mga alaga niyang palay, malapit na kasing anihan kaya dapat laging nadadalaw ito, dahil may panahon na maraming daga o insekto at kinakain yung mga butil kaya always si papa dito.

After ko magbenta, itutuloy ko na buuin yung puzzle. Maya-maya habang binubuo ito, nagtanong si mama.

"Kakain ka ba rito ng tanghalian, anak?" Tanong nito.

"Mukhang sa shop na ako kakain ma, birthday ni rey ngayon. Magpapakain daw siya" sagot ko habang naglalagay ng piece of puzzle.

"Masaya ka ba anak dahil nakita mo na siya?" Tanong ulit ni mama dahilan na napatigil ako at lumingon sa kanya.

Alam kong si Ms. Irene ang tinutukoy niya, alam niya lahat ng nangyayari sa akin kahit hindi ko sabihin.

"Super happy ma. Napakaligalig ng puso ko tuwing nakikita ko siya" i said sabay ngiti.

"Alam kong jan ka masaya anak, at alam ko ring hindi kayo mag-iisang puso dahil kasal at may anak na siya" sabi ni mama na dahilan na pa-puot ako.

"At parehas kayong babae at magkalayo ang edad" dagdag nito.

"Maaaaaa!" I said para tumigil na siya sa pagsasalita, alam ko na ang lahat ng iyon.

Aware ako lahat ng imposibleng mangyari. Natawa naman si mama nong sinuway ko siya.

"O siya titigil na, basta anak huwag kang gagawa ng kalokohan na ikakasakit mo sa huli. Support kita sa kahit anong bagay na ikakasaya mo" she said sabay yakap ng ulo ko at bumitaw na dahil may bibili.

Hindi ko mabuo-buo yung puzzle dahil may nawawalang isang piraso nito. Baka nahulog lang iyon sa loob at dahil oras na para pumunta sa checkpoint operation, dali ko na akong pumasok para sa final look ko.

Paglabas ko nang kwarto nakita ko yung isang pirasong puzzle, pinulot ko naman ito. Wala na akong time para ilagay ito kaya nilagay ko na muna sa wallet ko para hindi mawala at saka ko nalang buuin pagkauwi ko. Nandito rin sa wallet ko yung bracelet na binigay nila sisters. Hindi ko pa alam kung kanino ko ito ibibigay sa dami ng napakaimportanteng tao sa buhay ko.

Nagdrive na ako at umalis.

Irene's POV

Nasa lobby na kami ni greg hinihintay sila ate imee. Late na silang nakarating dito dahil marami daw checkpoint sa daan. Bale dalawang van yung sasakyan namin, yung sakay nila ate imee at yung sasakyan na sinakyan namin papunta ng isabela noon.

Nagdala sila ng isang pang driver para sa amin. Si greg kasi ang nagdrive noong pumunta kami rito. Nagsiayos na kami lahat para makapagbyahe na.

Ang kasama namin dito sa van, sina ate imee, alfonso, sila luis, xandra at ang apo kong si andy, hmmm namiss ko si andy kaya pinisil pisil ko yung pisngi nito. Sila michael at matthew nasa manila na dahil may school sila. Si borgy lang ang kasama namin dito. Sa kabilang van naman sila kuya bonget, liza, mommy meldy, at sila sandro, vinny, at simon.

Imbitado kami lahat sa birthday celebration ni dawn kaya magiging masaya na naman ito.

Habang nasa daan na, napadaan kami rito sa burgos. At talagang madadaanan mo talaga ito kapag luluwas ka ng manila.

"Checkpoint na naman" sabi ni ate imee sabay kamot ng ulo.

Binigay naman ni manong driver yung mga kailangan nila sa checkpoint at maya-maya bumaba si manong driver.

Ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin kami umaalis kaya bumaba ako para malaman kung anong problema bakit hindi na kami umaalis at may flight pa kaming hahabulin mamayang gabi.

"Bakit antagal naman" tanong rin ni ate imee kaya sumama na rin siyang bumaba ng sasakyan.

"Magandang umaga sir, bakit ano pong problema?" Tanong ni ate imee sa nagsitang pulis saamin.

"Aaah ma'am, expired na kasi itong OR/CR ng sasakyan" mamang pulis.

"Hindi niyo ba kami nakikilala?" sungit na sabi ni ate imee dahil ramdam ko nang naiinip na sa kakahintay.

"Kilala ko po kayo ma'am, mga marcos family po kayo pero sinusunod lang po namin kung ano nakalagay sa batas". Sabi ng nagsita sa amin.

"Magkaiba po kasi kapag ang gamit niyo ay government service at private service. Eh nakaprivate service po kayo at ang problema expired na po lastweek itong registration ng sasakyan niyo" dagdag na paliwanang nito.

"Irene, hindi mo ba chineck ito noong pumunta kayo rito sa isabela ni greg?" Ate imee.

"Hindi na namin chineck tsaka walang checkpoint noon kaya na kaluwas kami" i said.

Biglang ko naalala si kim, kaya tinanong ko kay mamang pulis kung kilala niya baka sakaling makausap ito at payagan nang bumyahe. I know na kasalan ko dahil hindi namin chineck yung papers ng sasakyan bago lumuwas kaya ako na rin ang gagawa ng solusyon.

"Btw sir, kilala niyo ba si Police Captian Kim Santiago?" buti nalang narinig ko yung ranggo niya noon sa restroom nung may tumawag.

"Police Captian?" Gulat na tanong ni ate imee.

Tumango nalang ako bilang sagot at nakikita ko sa kanyang mukha na nagulat.

"Aaah si Ms. Capitana po? Bakit po ma'am?" Tanong ng pulis.

"Can i call her? Para makausap ko siya" I asked.

"Day off niya po ngayon e, pero mag-iinspect siya ngayon dito ma'am. Kung hihintayin niyo po siya, ok lang pero kung tatawagan niyo, ok lang din. Basta sagutin niya ito. Minsan po kasi hindi siya sumasagot kapag nasa day-off lalo na kapag unknown number" mamang pulis.

Naalala ko hindi pa ako tumatawag sa kanya at talagang hindi nga niya sasagutin ito kapag unknown number. Pati rin si ate imee baka hindi rin sagutin ang tawag.

Pero itatry ko pa ding tawagan baka sakaling sagutin niya. Need ko nang gawin dahil kailangan na naming bumyahe. Maya-maya habang dinadial yung phone number ni kim biglang nagsalita itong nagsita sa amin.

"Nandito na po pala si Ms. Capitana" sabay tingin sa kakarating na sasakyan.

Police Captian ang rank niya kaya siguro Ms. Capitana ang tawag nito.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon