EPISODE 89

377 35 3
                                    

Kim's POV

Nakalabas kami ng buo pa ni Ms. Irene dahil sa sobrang taong lumalabas rin ng dome. Marami nang gusto magpakuha ng litrato with Ms. Irene sa loob kanina habang palabas pero sinabi kong sa labas nalang.

Medyo masakit yung isa kong braso dahil hinila ng isang guy kanina, nakaharang iyon para protektahan si Ms. Irene pero bigla niyang hinila para mapicturan si Ms. Irene. Hindi ko nalang iyon pinahalata kay Ms. Irene at nagpatuloy sa paglalakad.

Paglabas namin marami nang nakapila para magpapicture kay Ms. Irene, grabe pambansang tita yarn? Dahil halos ng taong nagpapapicture tita ang tawag. HAHHAHAHAHA.

Ngunit nararamdaman ko na yung bantog kong konting hinga nalang sasabok na kaya nagpaalam muna ako kay Ms. Irene para mag-Cr at binilinan nalang yung mga personal bodyguards niya na bantayan siya ng mabuti. Sa sasakyan niya nalang ako hintayin after yung picture taking.

*FF

Hindi na ako pumasok ng dome para makaihi sa CR nila sa loob. Meron namang public comfort room na nandito kaya doon na ako dumeretso.

After kong makaihi, lumabas na ako. Medyo walang tao dahil medyo malayo ito sa mismong dome. Not until i heard someone arguing.

"Ano ba?! Bitawan mo na ako nasasaktan ako" sabi ng isang boses ng babae na maiyak iyak pa.

Parang familiar yung boses na iyon. Nacurious ako kaya chineck ko kung ano ang nangyayari. Na shock na lamang ako dahil bakit ang sulok na dito?

Hanggang sa nakita ko ang isang babae at isang lalaki na may hawak itong bote ng alak.

I saw with my two eyes, that the guy trying to kiss the girl na pilit na nilalayo ni girl yung lalaki sa kanya. At yung isang kamay ng lalaki ay nasa dibdib ng babae. Kadahilanang sumigaw ako dahil naririnig kong nagmamakaawa na yung babae.

"Hooooooy!!! Respeto naman!" sigaw ko.

Aba! Dito pa talaga kayo gagawa ng baby ha. Madamo rito mas kumportable kung sa kama kayo. Medyo madilim kaya hindi ko masyadong kita yung mga mukha nila. Pero nung natapat yung mukha ng babae sa may liwanag doon ako natauhan because it's hailey.

"Hoy ka rin! Bakit naiinggit ka ba?" Sabi ng lalaki pagharap niya sa akin.

Lumaki yung mga mata ko sa nakita ko, nagkatinginan kami ni hailey at basang basa ko yung mga mata niyang kailangan niya ng tulong. Umiiyak na rin ito dahil sa ginagawa ng lalaki sa kanya. I think, siya yung boyfriend niya na sinasabi niya kanina.

Lasing yung lalaki at may hawak pang bote ng alak. Nakawala naman si hailey at agad na tumakbo sa akin. Kita ko kaagad yung pasa at bitak niyang labi.

"Omg! Hailey, ang dami mong pasa at yang bibig mo, bitak" pag-alala ko and at the same time galit na galit sa ginawa ng boyfriend niya sa kanya.

"Hoy hailey! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos. At ikaw naman, sino ka para istorbohin kami?" Tanong sa akin ng lalaki.

"Ito ba yung boyfriend mong sinasabi mo kanina Hailey?" Tanong ko kay hailey.

Tumango tango naman siya dahil hindi na niya maibuka yung bibig niya dahil sa sugat.

"Isa akong pulis, kung ayaw mong malumpo tumigil kana" sagot ko sa lalaki.

"Wala akong pake kung pulis ka. Baka gusto mong ikaw ang malumpo sa ating dalawa? Babae ka lang!" sumbat ng lalaki.

Nasaktan ako sa sinabi niyang "babae ka lang" kaya agad ko siyang sinugod at sinuntok dahilan na bumagsak siya sa lupa.

Sa isang suntok palang hirap na siyang tumayo paano nalang kung binugbog ko na itong manyakis na lalaking ito.

"Hailey, umalis kana. And please, dumeretso ka sa mga medics. Makikita mo yung mga tent nila sa harapan ng dome. At nang magamot nila yung mga sugat mo" pag-uutos ko kay hailey.

"Huwag mo nalang babanggitin yung pangalan ko sa kanila at ako na ang bahala dito sa boyfriend mong manyakis. Hindi mo deserve na ganito ang pagtrato niya saiyo. Kaya iisahan ko lang to" i added.

Tango lang talaga ang sagot sa akin ni hailey. At agad na siyang umalis. Ayokong ipagsabi na ako yung tumulong sa kanya at baka pagkakaguluhan ako ng reporters later on kaya sinabi ko kay hailey na huwag na akong babanggitin sa mga medics at for sure may lalapit na pulis para interview'hin siya.

At sa pagkaalis ni hailey doon lang nakatayo itong manyakis na ito.

Medyo malaki ang katawan pero kaya ito, lasing na rin kaya agad na itong matutumba.

"Haileeeey! Bumalik ka ditoooooo!!" Sigaw mg lalaki.

"Kaya hindi ako nakikipagrelasyon sa lalaki dahil sa mga ganitong trato niyo sa aming mga babae. Kung hindi magloloko, magbubugbog katulad mo at manyakis pa. HAHA tama ka babae lang kami pero hindi lang basta bastang babae" i madly said.

Habang naglalakad siyang papalapit sa akin, ipinukpok niya yung bote ng alak sa may bato dahilan na nabasag ito.

Alam kong aatakihin ako neto kaya niready ko na yung sarili ko. At tama nga, bigla niya akong sinapak gamit ang basag na bote pero alerto ako kaya nakaiwas agad ako sa ataking niyang iyon.

Pero sa pangalawang atake niya, hindi ako nakailag kaagad dahil ambilis niya at medyo madilim pa. Kaya yung matulis ng basag na bote ay naisaksak sa braso ko. Ramdam ko yung matulis na iyon at sobrang sakit nito.

Pagkaalis niya ng bote sa pagkakasaksak sa braso ko, napahawak nalang ako dito dahil sobrang daming dugo ang lumalabas, nararamdaman ko na ring yung angos ng dugo sa buong kamay ko. Maski yung basag na bote duguan na rin.

Pero wala lang ito, kailangan ko siyang mahuli. Nakita kong may suot siyang earphone na nakasampay sa kanyang leeg. Dapat makuha ko iyon sa kanya at iyon ang gagamiting pantali sa kanyak kamay.

"HAHAHA ano na kaya pa ba?" Sabi nito.

At mas lalo pa akong nainis dahil sa tawa niyang parang manok ang tunog. Hinayaan ko lang siyang umatake sa akin hanggang sa nahuli ko yung kamay na may hawak na bote at agad pinaikot papunta sa likuran niya dahilan na nabitawan niya yung basag na bote.

Sa pagkakataon na iyon, kinuha ko na kaagad yung earphone na nasa leeg niya at iyon ang pinantali sa kamay niya. Masakit yung braso kong nasaksak na kahit anong galaw ko pero tiniis ko yung sakit para matali yung mga kamay niya.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon