EPISODE 5

610 24 0
                                    

👮‍♀️
KIM

It's 11am, Lunch break na need kong pumunta nang shop para maupdate ko sila at naisipan ko na ring sadyaing dalawin yung friends kong nirecommend ko kay ma'am imee para makapag prepare na din sila. Duon na rin ako kakain dahil 2hrs lang yung break ko.

Nakarating na ako ng shop at kinakaya nilang tapusin lahat ng invitations at souvenirs at madeliver na later. Need nilang tapusin bago ang event dahil ayokong may pending works pa. Naguuwi rin ako ng gagawin para hindi sila mahirapan sa sobrang dami.

Nasabi ko na lahat ng updates. Babalik nalang ako mamayang hapon para makapaghanda na. Bukas yung alis nila papuntang ilocos kaya aayusin namin yung mga speakers, spotlights, mga instruments atbp. Ilalagay na namin sa truck para bukas babyahe na.

"O siya, pupunta pa ako kila ate dean, para sa cater na iinquire ni ma'am imee" i said. Habang binubuksan yung pinto para lumabas.

"Sige ate, ingat po kayo" staff.

Nagdrive nako papunta kila ate dean, duon na ako maglulunch nasabihan ko naman na siya na duon ako kakain.

"Ading Kim" sigaw niya pagkababa ko ng sasakyan.

"Hello ate dean" sabi ko sabay yakap.

"Halika na at kumain, kanina pa naghihintay yung pagkain" ate dean.

Pumasok naman na kami at nagsiupo. Habang kumakain ineexplain ko na yung mga dapat gawin sa event. At sempre professional na jan si ate kaya gets na niya agad, pumayag naman siya agad coz why not diva?

"Sige ate, salamat sa pagkain at pagtanggap ng event. Puntahan kita mamayang hapon para tulungan kayo sa paghahanda. Kaninang umaga lang kasi ako tinawagan about sa cater kaya now ko lang din nasabi sayo" i said.

"Ayos lang, wala namang nakaschedule sa date ng event nila e, sige see you later nalang ading ko. Ingat sa pagdadrive" ate dean.

"Sige ate, byeeee" sabi ko.

Excited ako sa event dahil alam kong andun rin si Ms. Irene. Jusko, at the same time kinakabahan kasi diko alam gagawin ko kung ano mangyayari sakin kapag nakita ko siya.

Nasa station na ako at may 30 mins. Pa bago ulit magstart sa work kaya nanunuod muna ako sa tiktok. Sempre puros irene marcos nasa fyp ko. Sa videos palang nahihimatay na ako sa sobrang ganda niya HAHAHAHAH paano nalang kaya kapag nakita ko sa personal baka pwde na akong mamatay. Need na bumili ng kabaong at kayo nalang bahala sa flowers HAHAHAHAH.

Nagulat ako nung tinapik ako ni Maam Rosal, nakatulog na pala ako.

"Ma'am Santiago, may nareceive kaming report about sa pagpatay sa victim na si Mr. Dela Cruz. At may nakapagsabi na nagtatago sa lugar na ito ang suspect na si alyas menor, kaya kailangan na natin puntahan. Hawak ko na rin yung warrant of arrest para maaresto itong suspect na ito" paliwanag ni maam rosal habang nagmamadali kaming pumunta ng police car.

*FF

After ng operation na yun at successful naman. Nahuli namin itong suspect kaya may hustisya na sa victim. Oras na rin para umuwi dahil 6pm na. Need ko pang pumunta ng shop para tumulong at macheck yung mga gamit.

Nagpaalam na ako sa mga kabuddies ko at sa superior ko. Agad agad akong pumunta ng sasakyan.

Pagkarating ko ng shop nagpalit muna ako dahil naka uniform palang ako ayoko namang magmukhang mayabang dahil sa suot ko. And yes, may mga gamit ako dito sa sasakyan, parang wardrobe na nga itong likod ng sasakyan ko e. Merong mga damit, may nakasampay pa, may foam din ako dahil dito ako natutulog sa kotse kapag night shift ko sa station.

After ko magbihis, tumulong na agad ako para matapos agad. Then pupuntahan ko si ate dean para makatulong rin sa paghahanda. Chinicheck ko na rin bawat gamit para sure na walang damage ito. Anlayo pa naman ng venue, eh hindi kami makakauwi agad ng isabela kung may problema sa mga gamit. Kaya chineck ko ng mabuti para sure na sure. Ayoko naman maging palpak yung pagservice namin duon dahil helloooo baka itapon tayo sa ilog. Birthday ng dating pangulo kaya dapat maayos lahat. Nang walang problema sa event.

"All goods na guys" sabi ko.

"Pwde na tayong magsiuwian at magpahinga. Maaga ang byahe bukas dahil 5 hrs ang byahe. Karlaaaaa! Call time?" I asked.

"4:30am ate kim" she said.

"Okay, dahil may work pa ako bukas mauuna na kayo dun at susunod ako ng linggo ng madaling araw. 4:30am ang call time. Pupunta rin ako dito bukas para makita kayo, okay ba?" Kim.

"Opo ateeee, noted po" sigaw nila.

"Sige, uwi na kayo at pupunta pa ako kila ate dean para macheck rin sila, thank you so much guys" sabi ko with palakpak at smile.

"Goodbyeee ate kim" staff.

At nagsiuwian na nga sila. Otw na rin ako kila ate dean at nakita ko silang nagbubuhat ng mga tela.

"Ate deaaaaan, ako na jan!" sigaw ko habang lumalapit sa kanila.

"Kami na nalang ading, maupo ka nalang duon at magpahinga alam kong kagagaling mo lang sa shop niyo and i know you already prepared na for tomorrow. 'cause look o, puros basa ng pawis yang damit mo magpalit ka nga" sabi ni ate dean.

Awww so sweet naman ng ate dean ko. Siya kasi ate ate'han ko nuon pa, nakilala ko siya nong college kami, nagkagusto rin siya sakin dati pero lengwak mas pinili kong magkaibigan kami kasi sabi ko nga nuon pa maraming masasaktan kapag nagkajowa ako. HAHHAHAAHAHHA.

Sempre masunurin naman tayo, kaya nagpalit ako ng damit. Kumuha nalang ako ng mga extrang shirt dito kasi nagpiprint din sila ng mga tshirts. Pumulot nalang at sinuot. HAHAHAH bahala na lang kung makulangan sila.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon