EPISODE 124

255 34 16
                                    

👮‍♀️
KIM

When I woke up, my room is so messy. Kinuha ko kaagad ang kaming basag na family picture saka ko pinalitan ng bagong frame. Sinunod ko namang pinulot ang basag ring picture namin ni Ms. Irene, pero hindi ko na ito pinalitan ng bagong frame kundi inilapag ko na lamang ito sa aking lamesa. Nagkaroon na rin kasi ito ng scratch dahil sa pagkakabasag ng frame. I think hindi na yun maganda pang idisplay kapag may scratch na.

Huwag naman sanang ito na yung sign para tuluyan na kaming maghiwalay ni Ms. Irene. Simula noong nakausap ko si Alfonso hindi ko na siya nakausap pa hanggang ngayon. Sana maayos lang siya sa lahat ng nangyayari dahil sa kagagawan ng asawa't anak niya.

Pero huwag tayo mawalan ng pag-asa, maaayos rin ito. Kaya't after kong ayusin lahat ng kalat dito sa kwarto ko, naligo na ako at nagbihis dahil may trabaho pa ako. Habang binoblower ko yung basa kong buhok biglang tumunog ang bell ng aking unit so meaning may bisita ako.

*DING DOOOOONG

"Heto na po, sandali lang!" sigaw ko habang pilit na inaayos yung buhok kong magulo dahil binoblower ko.

"Sino kaya ito?" Mahina kong sabi sa aking sarili.

Pero pagkabukas ko, natigil ako sa pag-aayos sa buhok ko.

"Ma-ma'am i-imelda" utal kong sabi dahil sa gulat.

"Ano pong ginagawa niyo rito Ma'am Imelda, at paano niyo nalaman ang location ko?" Tanong ko.

Pero bigla nalang siyang pumasok dito sa loob ng wala man lang pag-pepermiso at nabangga pa ang aking balikat. Tinignan niya ang buong paligid, ni wala siyang nakaligtaang sulok ng unit na ito, kahit yung storage room ko sinilip din. Napakunot na lamang ako ng noo dahil sa action ni Ma'am Imelda.

"So ito pala ang tutuluyan ng anak ko kapag sayo siya sumama?" Sarcastic nitong sabi sabay lingon sa akin.

"P-po?" I confusedly asked.

Bigla naman niyang inabot ang kanyang kamay na para bang may hinihingi at may lumapit naman sa kanyang isang bodyguard at inabot ang isang dyaryo.

Ibinuklat ni Ma'am Imelda ang newspaper na ito saka niya inilapag sa lamesa. Nasulyapan ko namang yun ung kumakalat na pictures namin ni Ms. Irene sa social media. Latak na latak ang dalawang litrato sa magkabilaang pahina ng dyaryo.

"Nagsinungaling ang anak ko sa unang lumabas na litrato, sinabi niyang ang kanyang secretary ang kanyang kasama sa oras na iyon" kalmadong sabi ni Ma'am Imelda saka siya tumanaw sa bintana.

Medyo napalunok na ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ikaw ba naman ang kausap ng dating first lady ng pilipinas, sino ang hindi kakabahan lalo na't involved ang anak niya at ako sa issue'ng ito. Nalaman na niya kung sino ang taong kasama ng anak niya sa sasakyan at sinundan pa ng isa pang litrato at yung kinikiss ko pa si Ms. Irene sa noo.

May araw din ang mag-amang Gregorio at Alfonso, humanda kayo sa akin. Pero right now, dito muna ako magfocus sa bisita ko.

"Ma'am, nagkakamali po kayo ng iniisip" I said.

"Nagkakamali? Sa pagsisinungaling ng anak ko kung sino ang kasama niya hindi pa ba iyon sapat para paniwalaan ang mga sinasabi ng mga tao?" Pagalit na niyang sabi.

Hindi ko na talaga alam ang isasagot ko, hindi na ako makakapagpalusot dahil nagsinungaling pala si Ms. Irene malamang hindi na ito maniniwala ang kanyang nanay sa kanya. Tapos lumabas pa ang totoong litrato na revealed ang mukha ko.

Napayuko na lamang ako at pinipigilang huwag umiyak.

"Sa una palang, tutol na ako sa relasyong magkapareho ang kasarian. Sampung Milyon, luyuan mo ang anak ko at huwag ka nang magpapakita pa kay Irene. Or else, ipapadestino kita sa mindanao oh di kaya'y i will revocate your professional license as a pulis" wika nito habang nakatanaw parin sa bintana.

Pero napalingon ako sa kanya dahil sa force and intimidation na kanyang sinabi.

"Sandali lang ho at mawalang galang na. Hindi porket may kapangyarihan na kayong tao ay kaya niyo nang tapusin yung pinaghirapan kong propesyon. Ni hindi niyo man lang inalam ang totoo kung may relasyon ba talaga kami ng anak niyo, simpleng gestures lang to Ms. Irene from me ang nakikita niyo sa litratong yan pero agad niyo nang hinusgahan at naniwala sa mga taong bumabatikos sa amin" i tensely said.

Dahil sa sumbat kong iyon humarap na rin siya sa akin.

"Sampung Milyon? Huugh! Walang kapalit na halaga ang tutumbas sa pagmamahal ko sa anak ninyo" i added.

"Edi lumabas din ang totoo, you love my daughter that's it. May relasyon man kayo o wala, mali pa rin ang magmahal ng kapwa mo babae. At alam mo ba kim, may masayang pamilya si Irene. Kasal siya at may anak, at higit sa lahat your age gap is too far. Naturingan kang Law enforcer pero hindi alam iaapply ang ganitong violation, kaya ang tawag saiyo kim ay isang kabit!" pangi-insultong sabi ni Ma'am Imelda.

"Nasa masayang pamilya? Bakit Ma'am, nakita niyo na bang masaya ang anak niyo sa asawa niya?" I said then chuckled.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsabi na lamang siya ng ibang topic.

"Twenty Million, lumayo kana sa anak ko. Umalis kana ng bansa kung maaari!!" She madly said.

"Kahit ibigay niyo pa ang lahat ng pera niyo,  hindi ako aalis at lalayo sa anak niyo. At kahit anong sabihin ninyo o ang iba man, tutol man kayo o hindi, hinding hindi ko gagawin ang ginawa ni Abi kapalit ng pag-aaral niya sa ibang bansa para layuan si Ms. Irene" pagtitigas kong sabi.

"At hinding hindi ko kailangan ang pera ninyo. Teka Ma'am, baka gusto niyo ako nalang ang magis-sponsor sa kabaong ninyo? Ginto't pilak ba gusto niy--" putol kong sabi dahil bigla na niya akong sinampal.

"Wala kang utang na loob!! Itinuring kitang anak pero ganito ang igaganti mo sa akin?!! Without knowing na ako ang nagrecommend kay PRRD na isali ka PSG!!" galit niyong sabi.

Napaayos ako ng mukha dahil medyo napalakas ang sampla niya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya saka ako bumulong.

"Anak niyo lang ang gusto kong makuha mula sa inyo, hindi ang pagiging member ng PSG" i whispered.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon