EPISODE 72

566 41 4
                                    

Irene's POV

Pumasok na kaming lahat sa loob ng simbahan at nakita namin ang dalawang madre na naghahain ng panghapunan.

"Magandang gabi sa inyo sister jane at sister mae" bati ni kim sa kanila at nag-mano.

Sinundan ko rin ng aking bati sa kanila at nakipagkamay sa dalawang sisters.

"Magandang gabi rin sa inyo kim at Ms. Irene" bati ng isang sister.

"Aaah btw, Ms. Irene, siya po si Sister Jane at si Sister Mae" kim introduced.

"Ang ganda niyo pa din Ms. Irene simula nung makita ko kayo sa Sta. Monica, hindi ko akalain na makikita ko kayo ulit rito simula noong mailipat na ako rito sa isabela" gayak na sabi ni Sister Jane.

"Pasensya na sister kung hindi ko kayo maalala kung nagmeet ba tayo sa simbahan noon" paliwanag ko.

"Ayos lang po iyon Ms. Irene, hindi naman tayo nagmeet noon. Sadyang isa po ako sa choir noon, kaya simula sa paglakad niyo sa aisle hanggang sa paglabas niyo nang simbahan, nakita ko lahat ng iyon at hindi nagkaroon ng pagkakataong makipagkilala sa isa't isa" she stated.

"Pero ngayon, nagkakilala na rin tayo Ms. Irene at dahil iyon kay kim" she added.

"Nakakatuwa naman ng puso. Pero salamat sa inyo dahil napakaganda ng inyong kinanta habang naglalakad ako sa aisle kasama ang ama ko" ngiti kong sabi.

Dahil sa tagal na nang panahon ang lumipas hindi ko na maalala yung mga tao sa choir. Kasama pala doon si Sister Jane. Nakoo! What a small world?

Maya-maya nag-aya na si Sister Mae para kumain. Una una sa lahat nagpray muna kami at si Sister Jane ang naglead ng prayer. Napansin ko naman na behave lahat itong mga bata kapag nasa hapag kainan kaya napabilib ako sa mga sisters na nag-aalaga sa kanina.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na kami sa pagkain biglang nagsalita si Sister Mae.

"Kim iha, iyan na ba yung binigay naming bracelet?" Tanong nito sabay turo ng bracelet na nakasuot sa kanya at pati na rin yung nasa wrist ko.

"Aaah o-opo sister, kay Ms. Irene ko po binigay yung isa" sabi ni kim.

Ngumiti naman yung dalawang sisters sa amin. At biglang nag-excuse si kim para samahan yung mga batang maglaro, kanina pa kasi nila itong niyayaya.

"Excuse me lang po muna sisters at Ms. Irene, ang kulit kasi itong mga bata mukhang namiss ako ng sobra" paalam nito.

"Aaah yes! Mukhang miss ka nga e, kanina pa hinihila yang damit mo" i said and chuckled.

"Sige na kim, kami na bahala kay Ms. Irene. Ipapasyal muna namin siya rito" sabi naman ni Sister Mae.

Tuluyan nang umalis si kim kasama ang mga bata at kami namang tatlo nila sisters naglibot muna dito sa simbahan. At habang naglalakad nagkukwentuhan rin kami.

"Wala po kaming idea na kayo po pala ang pagbibigyan ni kim niyan sa inyo" sister jane said.

"A-ano pong ibig niyong sabihin Sister?" Tanong ko.

"Binigay namin niyang bracelet kay kim at para maibigay yung isang pares sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay kaya ang ibig sabihin kayo po iyon Ms. Irene" ulat ni Sister Jane.

"Alam po namin kung ano ang buhay na meron kayo Ms. Irene dahil tumira rin ako sa ilocos ng ilang taon at nasaksihan din kung ano ang buhay ng marcoses" dagdag nito.

Hinayaan ko munang magsalita si Sister Jane bago ako magreact.

"Since naibigay na ni kim yung pares ng bracelet at sa inyo iyon napunta, ito ang magiging lucky charm ninyo. Pero katulad ng sinabi ko kanina about sa inyong buhay, alam kong masasaktan si kim sa huli" she stated.

"Sandali Sister, paano nadamay yung buhay ko sa luck na maibibigay nitong bracelets na ito, sister?" I confusedly asked.

"Hindi naman natin maididikta yung kapalaran natin ngunit dahil sa bracelet na iyan magbibigay ito ng magandang mga opportunities o magagandang balita. Dahil kayo nga ang taong pinakamahalagang tao sa buhay ni kim, opposite naman ang matatanggap niya" sister jane countered.

"Kaya kung maari ingatan at lagi niyong masayahin si kim dahil sa inyo siya kumukuha ng lakas maliban sa kanyang mga magulang. Pero once na nasaktan ito dahil sa inyo, hindi niyo na ito maibabalik sa dating ngiti at siglang meron si kim ngayon" dagdag pa nito.

Hindi ko pa rin maintindihan yung sinasabi ni Sister Jane kaya napatingin ako kay kim na nasa loob ng simbahan kasama ang mga batang naglalaro at nakikitang masayang masaya ito.

Pero totoo ang mga sinasabi ni Sister Jane, kim is always happy. I never see kim na nakabusangot ang mukha kapag magkasama kami. Ang laki ng ngiti tuwing nagkikita kami, at nararamdaman kong napakakumportable niya sa akin.

But why? Bakit at Paano ko siya masasaktan? Nako naman, pinag-overthink pa ako nitong mga sisters na ito. Advance mag-isip.

Tumingin rin sa amin si kim at kumaway. Kinawayan ko naman siya at pati yung dalawang sister.

"Nakita mo ba yang ngiting iyon Ms. Irene? " Tanong ni Sister Mae.

"A-ah o-op" utal kong sabi.

"Sana ganyan lagi ang ngiti ni kim, huwag niyo pong pababayaang mawala yang ngiti na iyan. Dahil may tiwala siya sa inyo to make her happy everyday" sister mae said.

Sumang-ayon na ako sakanilang dalawa 'coz why not divaaa? Mahalaga na rin si kim sa akin, hindi man iyon nakikita pero pinapadama ko rin iyon sa kanya. Minsan nga, siya na rin nag hinahanap hanap ng mata ko.

"Yes, i will sisters. No worries" i said.

Bigla namang mag-ring yung electric bell ng simbahan.

"Sandali lang po Ms. Irene, kailangan nang papasukin ang mga bata at nang magsitulog na" Paalam ni sister jane.

"Aaah sige po sisters, puntahan ko na rin si kim" i said.

"Pag-isipan niyo pong mabuti yung mga bagay na makakasakit kay kim dahil sainyo, Ms. Irene" huling sabi ni Sister Jane sabay ngiti.

But i just nodded as my answer dahil nacoconfuse pa rin ako.

Sabay sabay kaming nagtungo sa loob ng simbahan at ginuide yung mga batang pumasok na mga kani-kanilang kwarto.
Pagkatapos nun bigla kong niyaya si kim para mag-usap dahil hindi ko pa nasasabi yung about sa kasal ni ate imee.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon