EPISODE 50

518 29 6
                                    

Irene's POV

Nakita kong gulat na naman si kim sa mga nasasabi ko. Pero pinapasok ko na siya sa sasakyan niya para makauwi na. Medyo gabi na kasi.

"Don't mind that, go home na. Gabi na. May work ka pa bukas" i said habang tinutulak siya na pumasok na sa loob ng sasakyan niya.

Natawa naman siya sa ginagawa ko. Pero tumigil siya at hinawakan yung magkabilang braso ko. Ngayon ako naman yung tinutulak niya papasok ng building. HHAHAAHHAHAAHA

"Kayo na po ang dapat pumasok. Malamig na rito sa labas Ms. Irene. Ayaw ko pong mahamugan kayo at baka magkasakit pa" concerned niyang sinabi.

"Baka gusto mo munang pumasok sa loob? Kape kape" I offered.

Pero umilang nalang ito bilang sagot.

"Need ko na rin pong umuwi, maaga po yung work ko bukas. Saka nalang po" she answered.

Hindi ko na pinatagal kaya pumasok na ako ng condo. Agad ko naman siyang sinilip sa bintana kung nakaalis na pero she's still there.

Binuksan ko yung bintana at sumigaw. I don't care kung may natutulog nang tao sa mga kabithabay ko.

"Go homeeee!" Sigaw ko sa kanya.

Nagsign lang siya ng quiet at kinuha niya yung cellphone sa back pocket nito sabay turo. At naghand gesture siyang tatawag raw ito or magttxt.

Naisip ko kung may contact number ba siya sa akin kaya ako nalang ang nag-offer na ako yung tatawag sa kanya.

Naintindihan naman niya yung hand gesture ko kaya pumasok na siya ng sasakyan at umalis.

*FF

Nakapagsettle na ako. Nakaligo na ako at nakahiga na rin. Mag-isa ko lang dito sa condo ngayon. Hindi ko kasama si greg sa pagtulog at ngayon namimiss ko siya.

Hindi naman ako nagdalawang isip na tawagan siya. But before that, tinext ko muna si kim. I just want to ask kung nakauwi na.

*MESSAGE TO KIM

"Hey! It's me"

"Nakauwi ka na ba?"

*END OF MESSAGE

Yan lang ang tangi kong sinabi sa kanya. At agad kong tinawagan si greg.

*CALLING TO HON

"Hello hon" bungad ko.

"Hello hon" he said.

Malimit kong narinig yung sinabi ni greg dahil napakaingay ng background niya.

"Hello hon, where are you? Bakit ang ingay?" Sabi ko na medyo pasigaw na.

"Hello hon, nasa birthday party ako. Maingay hindi kita marinig. I will call you later nalang. Bye! Ilovey-" aniya nito.

*CALL ENDED

Ilove lang yung narinig kong huli niyang sinabi dahil pinatay na niya ito agad. I think nasa birthday party naman siya talaga kasi may naririnig akong kumakanta ng happy birthday. Bukas ko nalang siya tawagan.

Pagkatapos nang pangyayaring iyon, nagreply naman si kim sa message ko kanina.

*MESSAGE FROM KIM

"I just got home Ms. Irene"

Yan lang yung nabasa ko at bigla itong tumawag. Sinagot ko naman ito kaagad mukhang may importante itong sasabihin.

Kim's POV

Kakarating ko ng bahay nang biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi pa ako nakakababa nung chineck ko ito.

*MESSAGE FROM UNKNOWN NUMBER

Napailang ako ng bahagya kung sino ito kaya inopen ko na ito kaagad.

"Hey! It's me"

"Nakauwi ka na ba?"

*END OF MESSAGE

I already know nung nabasa ko yung text and It's from Ms. Irene. Nireplyan ko naman siya kaagad na nakauwi na ako saka ako umakyat ng kwarto para ayusin yung mga dala ko lalong lalo na yung binigay ni Ms. Irene sa akin.

Sinave ko na kaagad yung phone number at pinangalan ko itong LOML (Love Of My Life).

Pagkalapag ko ng gamit sa kama, i decided na tawagan siya dahil naisipan kong yayain siya ng dinner bukas after ng work ko dahil it's my birthday. I'm turning 29, after a couple of minutes.

But suddenly, when i dialed her number it's in another call. May kausap siyang iba kaya later ko nalang siyang tawagan.

Nakapagshower na ako at nandito ako sa table ko para tignan yung paper bag na bigay ni Ms. Irene.

I will call Ms. Irene again baka sakaling wala na itong kausap habang binubuksan yung paper bag and finally her phone is ringing.

*CALLING TO LOML

"Hello" mahinhin niyang sagot.

Napangiti naman ako dahil pati rito sa phone call ang ganda ng kanyang boses. Napagoosebumps ako sa lamig ng boses niya.

"Ooh hello kim, may kailangan ka ba?" She added.

Hindi ako makasagot dahil tiling tili ako dahil sa boses niya. Accccck! Pwde ba makahingi ng pang ringtone Ms. Irene? Chariz.

Pero dali dali akong nagsalita dahil nakita ko na yung binigay ni Ms. Irene.

"Ms. Irene i will pick you tomorrow after my work. No excuses please bare with me. Kahit ilang oras lang" mabilis kong sinabi wala nang pasikot-sikot pa.

Matagal pa bago ito sumagot. Huwag ka ng magdalawang isip Ms. Irene, pumayag kana.

"Aaah ok sure kim. Just pick me up at my office tomorrow. I will wait you there" she answered.

Naririnig ko yung sinasabi ni Ms. Irene pero still nakatitig ako sa camera'ng nasa harapan ko ngayon. It's CANON EOS R3!

Napatakip nalang ako ng bunganga dahil ang mahal nito. Ito yung model na gustong gusto kong bilhin pero I can't buy dahil i'm planning to buy another car. At maayos pa naman yung mga camera ko.

"Do i deserve this, Ms. Irene?" Tanong ko sa kabilang linya.

Maiyak iyak ko na itong pagkakasabi dahil birthday ko bukas. Nakatanggap ako ng regalo from Ms. Irene, and i didn't expect it na ganito yung ibibigay niya. And there's one thing pa, isang cap. Sinuot ko ito kaagad at bagay na bagay sa pormahan ko ito.

Ok na sana yung mayaya ko siya bukas pero noong nakita ko itong camera, sobrang sobra na ito.

"Oo naman, sasamahan kita tomorrow" she said.

"I mean this camera" i said sabay bagsak ng luha.

"Omg! Are you crying?" Ms. Irene asked.

"Shhhh! Tahan na. You deserve that, ok?" She added.

"Utang na loob ko po ito lahat Ms. Irene, pero this kind of things sobrang sobra na po ito" sabi ko at patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

"Huwag mo na yang isipin. Go to sleep na. See you tomorrow. Goodnight!" Paalam ni Ms. Irene.

Hindi na ako nakasagot dahil humihikbi na ako sa sobrang iyak. And She already ended the call.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon