EPISODE 39

468 24 6
                                    

Kim's POV

Bago ako gumawa ng board puzzle sineset ko muna yung speaker at yung music na ipaplay ko rito. Gumagawa uli ako ng mga board puzzle dahil ubos na ang stock sa shop. Kailangan ko ulit maglagay doon, libangan ng mga pumupunta ng shop. Everyday may nagpapa-inquire kaya maraming client ang nagpupunta roon. Free lang ito para sa kanina, kapag once na nilaro mo na ito sayo na kaagad kaya piliin mo na yung best design na nagustuhan mo.

At dahil maraming client ang pumupunta roon, dinamihan ko na ang paggawa. Ginagawa kong tatlo bawat design. At hindi naman karamihan bata ang nag-iinquire at pumunta sa shop, meron din akong design na babagay sa mga adults.

"Like a scrapper!" kanta kong pasigaw dahil sino-song along ko yung kanta.

Pero biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko.

"Ninaaaaaaang!" Sigaw sakin ng isang bata.

"Thyleeeeeeer!" Gulat kong pagkakasabi.

Dumating yung anak ni kuya arnold, yung inaanak ko. Sinabi niyang idadala dito pero hindi ko alam kung kailan. At ngayon na nga niya dinala dito.

"I miss you baby" sabi ko.

"I miss you too ninang" he said then he kiss me sa lips.

"O siya, iiwan ko muna sa iyo si thyler. Susunduin ko mamayang gabi" sabi ni kuya arnold na nasa pintuan.

"May raket na naman ba kayo ni ate lei?" I asked.

"Oo, may kasal sa kabilang bayan. E walang kasama si thyler. Kaya naisip kong idala nalang dito. Ok lang ba? Mukhang marami ka atang ginagawa" kuya arnold.

"Ayos na ayos kuya, at least may kalaro na ako ngayon" sagot ko sabay buhat kay thyler.

"What do you want baby? You want to play a gun? Or bumuo ng puzzle?" Sabi ko kay thyler.

"I want to play baril-barilan ninang" tuwang sabi ni thyler.

"O siya, malalate na kami sa reception. Ikaw na bahala jan ading ko ha. Oh baby, alis na si daddy. Pakabait ka kay ninang ha" paalam ni kuya sabay kiss kay thyler.

"Sige ading ko" paalam naman sakin sabay tapik sa braso.

Tinigil ko muna yung ginagawa ko dahil may alaga ako ngayon at the same time may kalaro.

"Baby, where do you want to play? Sa labas gusto mo, kasi maraming magugulo kung dito tayo sa kwarto baby e" i said.

"Gusto kong magplay sa arcade kingdom ninang. Diba po may baril-barilan doon. Yung zombie po yung enemy" cute na pageexplain ni thyler kaya hindi ko maiwasang pisilin yung pisngi niya.

"Aaah, doon ba gusto mo? Sige, buuin mo muna itong isang puzzle baby, at maliligo lang si ninang ha" sagot ko.

"Yehey! Ninang and i will go to arcade kingdom. Go to bathroom na ninang, so you can take a bath na, na aamoy ko na rin kasi" pagte-tease sakin ni thyler sabay tinutulak papasok sa bathroom.

*FF

We're here at arcade kingdom. Grabe andaming tao. Pumunta muna kami sa cashier para bumili ng tokens.

"Where we go first baby?" Tanong ko.

"There" thyler said sabay turo sa may baril-barilan pero may naglalaro pa.

"Can we skip on that part baby? There's a kuya pa, he still playing" i explained.

Pumunta muna kami sa may bakanteng palaruan while waiting na matapos yung naglalaro sa may baril-barilan. At tuwang tuwa naman si thyler dahil sa mga nakukuhang mga tickets.

Nakapaglaro naman kami sa baril-barilan kaya sobrang saya niya kahit hindi pa niya abot yung screen, binuhat ko siya para makita niya yung mga enemies na kailangan niyang barilin. Sempre naglaro rin ako at ako yung highest score sa larong iyon.

Tuwang tuwa kami ni thyler dahil andaming tickets na lumalabas. Ang saya saya dito, parang bumalik ako sa pagkabata.

"Let's go na baby. Ipa-count na natin ito, anong gusto mong makuha baby?" Tanong ko kay thyler.

"I want that human size teddy bear ninang" he said.

Grabe! Yun ung gusto niya kahit mas malaki pa yung teddy bear kaysa sa kanya. Pina-count na namin yung mga tickets at hindi umabot sa amount ng human size teddy bear. Pero gumawa ako ng paraan. Baka kasi umiyak ito, mahirap na.

"Ate, 890 tickets nalang yung kulang para makuha namin yung human size na teddy bear. Pwde po bang icash ko nalang yung kulang, baka po kasi umiyak ito e" sabi ko sa nagpapalit ng tickets.

"Sorry po ma'am, hindi po pwde e. Pero you can play pa naman po para makakuha pa kayo ng tickets" she said.

"Sige na ate, pagod na kasi itong inaanak ko" i said.

Nag-isip pa siya bago niya ako sinagot at kinausap yung kasamahan niya.

"Sige po ma'am, pero ngayon lang po ito ha. Bawal po kasi dito. Need po talaga na tickets talaga ang maipalit" she explained.

"Opo, ngayon lang po ito. Eto po yung kulang, gagawin ko nang 1k tip ko na sayo yung sobra. Thank you!" Sabi ko.

Binigay naman na niya yung human size na teddy bear. Grabe talaga magkasing-tangkad lang kami. 5'9 yung height ko tapos yung magiging may-ari nito triple yung tangkad.

Pagabi na pala at maya-maya dinner na. Bago kami umuwi, binilhan ko muna ng ice cream si thyler. At tuwang tuwa na naman ito.

"Thank you ninang. Sana huwag kana po magka-baby para ako nalang po yung baby mo. At para may laging may arcade at ice cream" thyler said with malaking ngiti sa mukha.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang bata bata pa lang marunong nang mangbudol. Nakoooo! Anak ka nga talaga ni kuya arnold.

"Aysuuus! You're always my baby. So behave ka always ha" i said while tapping her head.

Nagdrive na ako para makauwi. Baka nasa bahay na sila kuya arnold para sunduin si thyler. At maya-maya, nakatulog na si thyler habang may hawak na ice cream. Kinuha ko kaagad yung ice cream at kinain na. Nagmemelt na ito at baka matuluan pa lalo dito sa sahig ng sasakyan.

Naka-uwi na kami dito sa bahay at nandito na nga sila kuya arnold.

"Oooh! May naflat na bata" bungad sa amin ni mama.

Binuhat naman na ni kuya arnold at pinasok sa loob.

"Dito na kayo kumain kuya. Pinaghanda ko si mama ng dinner para sa inyo" pag-yaya ko kay kuya at si ate lei. Pumayag naman sila.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon