EPISODE 75

402 25 14
                                    

Irene's POV

After ng meeting, nagtake lang ako ng lunch with greg at sa labas kami kumain. Bumalik na ako ng office nang makapagwork na ulit. Nang natapat ako sa desk ng Secretary ko, narinig ko ang isang pamilyar na boses. Dahil sa curiousity ko, lumingon ako kay nicole kung saan galing yung pamilyar na boses na yun at she's focusing on her phone.

"Why are you smiling? Sino yan?" Tanong ko sa secretary ko.

"Aah! Si Ms. Kim po, Ma'am" she answered.

Si kim? Akala ko ba nasa byahe na siya? Anong ginagawa niya ngayon?

"Bakit ano meron kay kim?" Tanong ko.

"Nag-live po kasi siya sa facebook, kaya eto po" sagot nito sabay pinakita ang kanyang selpon.

Totoo nga si kim iyon, at kumakain siya. It's almost 1pm at look, she's eating a noodles. Medyo nainis ako dahil hindi naman yan healthy para sa kanya lalo na at lagi siya nagwowork-out.

Pinanood ko lang yung live ng ilang sandali at binabasa yung mga ilang comments. Tinanong nila kung may jowa si kim ng paulit ulit pero still "wala" ang sagot ni kim. Buti naman.

Pagkatapos niyang maubos yung kinakain niyang noodles, gusto ko sanang sermonan ngayon dahil imbis na kanin ang kainin niya noodles ang ningunguya. Hay nako!

Na-end na yung live kaya binalik ko na kay nicole yung cellphone na at nagsibalikan na rin sa kanya kanyang trabaho. Hindi ako mapakali dahil baka noodles na naman ang kainin niya mamaya. Kaya gumawa ako ng video na pwdeng isend sa kanya.

I asked Nicole na kuhanan ako ng video at isend niya yun kay Kim through messenger dahil wala naman akong account.

After akong makuhanan ng video sinend na ito kaagad kay kim.

"Nakita na niya?" I asked.

"Hindi pa po ma'am, hindi po agad delivered meaning po hindi po siya online. Update po kita ma'am kung naseen na niya po" nicole answered.

"Aah ganun ba sige" i replied.

Dismissal na so it's time to go home. It's already 6pm na nang gabi. I asked again nicole kung nakita na ni kim.

"Nakita na niya?" Tanong ko ulit.

Nicole checked her phone at agad sumagot.

"Hindi pa rin po Ma'am" sagot nito.

Medyo nag-alala naman ako dahil bakit hindi pa siya nago-online at hindi man lang ako naupdate kung nakarating na sa manila.

Tawagan ko nalang si manang kung nagkita na ba sila for sure nakarating na ng manila si kim. 10 hrs yung byahe mula isabela hanggang manila, since 7am umalis si kim at dapat 5pm nakarating. It's already 6pm na kaya nasa manila na ito, for sure.

*CALLING TO MANANG IMEE

"Hello, ading irene" bungad nito sa akin.

"Hello sister, nagkita na ba kayo ni kim? I said to her na update me whenever she got their in manila pero wala siyang paramdam" pag-alala ko.

"Aaah yes! She is finally here. Tumawag siya sa akin kanina at nasa Sophia Hotel na siya ngayon, baka nakatulog na iyon kasi sa boses niya palang kanina para siyang inaantok" she explained.

"Ok that's good manang. Let her rest, and paki tignan nalang siya manang for me. By next week pa luwas namin ni greg jan para makapaghanda na rin kami" i uttered.

"Yes of course, alam kong mag-alala ka ng sobra kung may masamang nangyari kay kim kaya i will" manang imee said.

"Eh sempre manang, siya yung the only child. Ayokong may mangyaring masama jan sa manila, baka saksakin siya bigla diba?" Sabi ko.

"Nako ading! Kayang kaya yan ni kim, baka yang mga criminal pa ang makatikim kay kim eh. O siya, sabihin ko nalang sa kanya na tawagan ka. May dinner pa kami ni darling. Bye!" Paalam ni manang imee.

"Sige manang, ingat kayo lagi. Bye!" I answered.

*CALL ENDED

Kim's POV

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw, at sa oras na ito nag-crave na naman ako ng noodles. Pero pancit canton nalang, kasi nagsabaw na ako kanina. I grabbed the telephone beside my bed at nag-dial.

*RINGING

"Hello, Room service what can i help you for you ma'am/sir?" Bungad nito.

"Hello! Btw, Goodmorning. Can i have pancit canton right now? It is available at this moment?" I ordered.

"Yes ma'am, what flavor do you prefer ma'am?" Sabi nito.

"Sweet and spicy please!" Sabi ko.

"Ok ma'am! Do you have any inquiries ma'am before i repeat your order?" She asked.

"Aaah yes! Can i have also, two sunny side up and one cup of latte, that's all" paghahabol ko.

"Anong room po ba kayo naka check in ma'am?" Tanong nito.

"Room 218 po" i answered.

"Ok ma'am. You ordered, 1 plate of Pancit Canton with sweet and spicy flavor, 2 sunny side up and 1 cup of latte, in room 218, it's that correct ma'am?" She clarified.

"Accurate! Thank you Miss" i said.

"Sige po ma'am, your order will come after a couple of minutes. Thank you ma'am" she said.

*CALL ENDED

Pagkatapos ko magorder nang pagkain, kinuha ko muna yung phone ko at it's already full charged na. As i opened my phone, may missed call at messages akong nareceive from ma'am imee.

Sinabi niya sa text na tawagan ko daw si Ms. Irene dahil nag-alala na siya. Oh shock! Hindi pa pala ako nakapag-update sa kanya na nakarating na ako dito. Tatawagan ko naman siya kanina pero nawalan na ng battery itong phone ko.

2:30 am na, at kung tatawagan ko siya ngayon baka maistorbo ko lang siya sa tulog kaya mamaya nalang.

Habang hinihintay yung order ko, nagbrowse na muna ako ng mga messages ko at there's a message request and it's from nicole, secretary ni Ms. Irene.

*Nicole sent a video.

Nacurious ako sa video'ng sinend ni Nicole baka mamaya may biglang lalabas na multo. My god, ganitong oras pa talaga at mag-isa ko lang dito sa room.

Pero pag-open ko ng message, si Ms. Irene ang naka thumbnail sa video.

"Why Ms. Irene is here?" Tanong ng isip ko sabay halakhak.

Aakmahin ko na sanang iplay yung video pero may nag-door bell, baka ito na yung inorder kong pagkain.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon