EPISODE 21

547 25 11
                                    

👧
KARLA

"Karlaaaaa! Si ate kim nahulog sa may fountain" sigaw ni ralph sakin.

"Anooo? Eh asan na siya ngayon?" tanong ko.

"Nasa backstage na. Magpapalit, puntahan mo na siya baka kailangan ka niya" ralph.

Pumunta naman ako agad sa backstage para samahan si ate kim pero pagpasok ko niyakap ni kim si Ms. Irene.

Napatigil ako at nakatingin lang silang nagyayakapan. Sumisikip yung dibdib ko na parang ewan. Parang nasaktan ako sa nakita ko.

Dapat ako yung kayakap ni kim ngayon. Ako dapat yung umaasikaso sa kanya. Nagseselos ako na hindi naman dapat. Pero bakit? Bakit ako nasasaktan sa nakikita ko?

Hindi ko na kinayang tignan sila kaya umalis na ako. Umalis akong umiiyak.

"Uy karla! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Rinig kong tanong ni ralph pero patuloy pa din akong lumakad.

Alam kong inaadmire ni ate kim si Ms. Irene at alam kong mahal niya ito. Masakit lang makitang iba yung kasama niya sa mga ganitong sitwasyon.

Masakit makitang iba yung umaasikaso sa kanya na ako dapat ang nandoon. Kasi kapag may accident na nangyari kay ate kim nandoon ako parati para asikasuhin kapag wala ang parents niya.

Kapag may galos mula sa police operation, lagi akong nandoon para tulungan siyang gamutin yung mga sugat niya at para makita kong maayos siya.

At dito ko na napagtanto na mahal ko na pala siya kaya ako nasasaktan ng ganito.

🧓
IRENE

Naparami ata akong tanong kay kim kaya ngiti lang yung sagot pero bigla niya naman akong niyakap.

"Ayos lang ako" bulong niya sakin.

Nanlambot naman yung buong katawan ko sa pagkakayakap at noong dumapo yung hininga niya sa tenga ko medyo nakiliti ako.

"Pero may galos ata ako sa binti" bulong uli niya.

Bumitaw naman ako agad sa pagkakayap para tignan yung galos niya sa binti. Napakalaki ng gasgas, nagdudugo na ito.

Tatawag na sana ako ng medics para gamutin siya pero pinigilan niya ako. Kaya niya daw gamutin yun, pero wala naman siyang mga gamit.

Pero tumayo siya para kunin daw yung first aid kit niya sa sasakyan. Aaah! Ready pala.

"Umupo ka nalang jan, ako na kukuha saan ko ba kukunin?" Tanong ko.

"Sa sasakyan ko po" sabi niya sabay turo sa may parkingan.

"Akin na yung susi mo" sabi ko.

"Eto po" sabi ni kim sabay abot ng susi.

Lumakad na ako papuntang parking area para kunin yung first aid kit niya sa sasakyan.

Habang naglalakad ako papuntang parking area nagsasalita ako magisa.

"Ibang klase talaga ito, laging handa. Alam niya yung ginagawa niya in terms sa mga ganitong situation" sabi ko sa sarili ko.

"Una, yung nagyaring aksidente kay Dawn. Nakita ko kung paano niya yun ginamot tapos ngayong nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung ano talaga siya pero lagi niya akong pinapahanga" sabi ko uli sabay bukas ng sasakyan.

Pagbukas ko ng sasakyan niya sumalubong sakin yung nakasampay na uniporme ng police. Kaya napasabi ako ng "Kaya pala". Pero wala naman akong nababalitaan na police pala siya.

Hinanap ko na yung first aid kit niya at nakita ko na nga. Pag-angat ko ng kit may nahulog na dalawang polaroid pictures.

Yung isa solo pic lang niya. Ang ganda niya dito. Nakapikit na nakangiti. Tapos yung isa naman nakauniporme siya tapos sinasalute yung sumasaludong bata sa kanya. Napaka ethical naman neto.

Hindi nagtagal bumaba na ako ng sasakyan at kinuha yung solo pic niya sabay bulsa.

Kaya pala ang ganda ng katawan at napakapropesyonal, pulis pala ito. Kaya pala alam ang ginagawa nung natapilok si Dawn at sanay na sanay siya sa ginagawa niya. At ngayong may sugat siya, hindi na niya kailangan ng medics dahil siya na mismo gagamot ng sugat niya.

"Buti naman nahanap niyo Ms. Irene, akala ko hindi niyo mahanap dahil napatagal ata kayo" sabi sakin ni kim.

"E andaming kalat e" sabi ko kahit hindi naman totoo.

Umupo na ako sa tabi niya at binuksan yung first aid kit. Grabe kumpleto ang laman lahat ng need mo andito, mga pang stitch ng sugat ganun.

"Akin na yang binti mo ako na gagamot" sabi ko sabay hawak ng binti niya at pinatong sa hita ko.

"Ako na po Ms. Irene, nakakahiya po" sabi niya sakin.

"Alam kong magagamot mo ito ng maigi dahil pulis ka" sabi ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Paano niyo nalam--, aaaaah yung uniform ko na nakasampay sa sasakyan" kim.

"Oo kaya tumahimik kana jan at ako na gagamot nito, don't worry nagagawa ko naman to noong nasusugatan yung mga anak ko" i said.

Kumuha muna ako ng pamunas para punasan yung mga tumulong mga dugo. Pagkatapos nun, kumuha na ako ng cotton at nilagyan ng betadine tsaka pinahid sa sugat niya.

"Ms. Irene, huwag mo diinan ha dahan dahan lang" sabi ni kim sabay hawak ng dulo ng sleeve ko.

Natatawa naman ako dahil ang cute ng pagkakasabi. At humawak pa sa sleeve ko, takot ba to sa betadine? Buti nga hindi alcohol ginamit ko e. But she's cute tho.

"Ayan kasi, marami namang pwdeng puntahan para kumuha ng litrato bakit naisipang sa fountain puwesto" galit na sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita sa sinabi ko pero kita ko sa reaksyon niya na nagsisisi siya. Nakahawak pa rin siya sa sleeve ko. Hinahayaan ko lang naman siya.

"Ano nagsisisi ka bang pumunta duon" tanong ko.

"Nope po Ms. Irene. Never akong magsisi sa mga bagay na ginusto ko. May aksidente mang nagyari pero it's ok hindi ko namang akalain na magyayari yun" sagot naman niya.

"Buti nga ganito lang inabot mo e" i said.

"Bakit Ms. Irene, iiyak ka ba kung sakaling nalunod ako or namatay ako sa aksidenteng yun?" Tanong ni kim.

"Ano ba kim? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan" sagot ko.

Tumawa lang naman siya sa sinabi ko.

"Ayan tapos na" sabi ko.

Hindi na siya sumagot at nakatitig lang siya saakin. Napansin kong papalapit yung mukha niya sa akin. Ano ginagawa niya? Hahalikan niya ba ako?

Napapikit naman ako at biglang.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon