EPISODE 14

536 24 3
                                    

👮‍♀️
KIM

Magis-start na ang celebration kaya babalik na ako sa pwesto ko.

"Ms. Irene, the celebration is about to start. Need ko na bumalik sa work ko" paalam ko.

"Aaah yes of course" she said sabay ngiti.

Aaaack, she makes me kill inside because of her beautiful smile. Napakaswerte naman ng asawa niya laging niyang nakikita yung ngiting gusto ko.

Hays, kailan kaya kita masosolo my love irene? Tanong ko sa sarili ko. Aissssh, saka na muna yan, work muna.

*FF

Nasusunod naman namin yung nakalagay sa programme kaya walang problema. Marami nang activities ang natapos kaya susunod na ang pagbati sa kaarawan ni apo lakay. Naglagay nang isang upuan ang isang staff ni ate dean sa stage.

Dahil wala naman na si apo lakay para umupo, si ma'am imelda nalang muna ang uupo para isuot sa kanya ang flower crown. Tradition na nila ito kapag may birthday bawat isa sa kanila.

As usual, laging nakafilipiña dress si maam imelda.

Laban na laban ang cheeks madam ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Laban na laban ang cheeks madam ha. Nahihiya na si Angelina jolie sa inyo. HAHHAHAHAAH.

Anyways, habang nilalagay ang flower crown, binibigyan naman siya isa isa ng family niya ng flowers. Nasa stage silang lahat. At dahil always kong dala camera ko, pinicturan ko sila. Sempre sinulit ko nang picturan si Ms. Irene, she's still beautiful mapa sideview man o nakatalikod.

Pagkatapos nun, pinaset ko na kay apo operator ang happy birthday song na instrumental.

"Kuya pakiready na, kakanta sila ng happy birthday after niyan" bilin ko kay kuya.

"Now, let's sing happy birthday" emcee said.

*Instrumental plays

"Happy Birthday to you, happy birthday to you" kanta ng lahat.

Habang kumakanta binigay ni emcee ang mic kay Ms. Irene at kumanta siya.

"Happy Birthday, happy birthday, Happy Birthday Daddy" kanta ni Ms. Irene.

Awww, ang ganda ng boses. Ang lamig sa tenga. Napansin naming maiyak iyak dahil sa tono ng boses kaya niyakap ito ni sir bong bong. Alam ng lahat na miss na miss na nila ang kanilang tatay.

Naiyak din ako dito sa corner dahil ramdam ko siya.

After ng pagbati kay apo lakay. Hinipan na nila yung kandila sa cake. Magdidinner na rin sila dahil it almost 7pm na.

Lumapit ako sa may stage dahil may sasabihin ako kay kuya arnold.

Habang naglalakad ako, nakita kong natapilok si Ms. Dawn habang bumababa ng stage. Napasigaw siya kaya lahat ng tao napatingin sa kanya. To the rescue naman tayo para tulungan siya. Binuhat ko siya at pinaupo saka ko hinilot yung ankle niya at nagpakuha ng yelo para hindi lalong mamaga. Sempre pulis, alam dapat ang first aid.

Nakita ko namang papalapit si Ms. Irene sa amin dahil nasa kabilang hagdan sila bumaba, sumunod rin yung mga iba. Ano yan makikichismis, mga marites yarn?

🧓
IRENE

Napatingin lahat kami sa kabilang stair ng stage dahil sa sigaw. Natapilok si Dawn at agad lumapit si kim para tulungan. Pinuntahan din namin sila pati si anton na nagaalala.

"Bat mo naman kasi iniwanan ang asawa mo anton, yan tuloy" sabi ko sa kanya.

"Are you ok love?" tanong ni anton kay dawn.

"I'm okay" dawn replied.

"Are you sure?" Anton asked.

Hahawakan na sana niya si dawn pero pinigilan ni dawn.

"Anton stop! Gusto kong siya lang ang humawak sakin" sabi ni dawn.

"Pero" pag-alalang sabi ko.

"Alam kong alam niya ang ginagawa niya, right Miss?" Dawn asked to kim.

"Aaah o-opo, don't worry po" sabi ni kim habang kinukuha yung yelo.

Nakita ko naman si kim na parang expert siya sa ginagawa niya.

"Karla, pakuha ako ng bandage sa bag ko, pakibilisan" utos niya sa kasamahan niya.

Pagkakuha niya ng bandage, kinausap ko siya na huwag diinan yung pagkakacover ng ankle ni dawn, tinignan niya naman ako at ngumiti na parang sinasabing "magtiwala ka sa akin".

Nanlambot ako sa ngiti niya. Wait, sandali natamaan ba ako? Bakit ganito nararamdaman ko? Nakatingin lang ako sa kanya habang binabalot yung paa ni dawn. Hanggang sa tumayo na siya.

"Pwde po ba kayong lumakad ng konti kung masakit pa" kim commanded.

Tumayo naman si dawn at nailalakad naman niya pero medyo may konting kirot pa daw na hindi katulad kanina na hindi halos makatayo at makalakad sa sobrang sakit.

"Salamat ihi, utang na loob ko ito sayo. Buti at nakita mo ako at agad na tinulungan" sabi ni dawn sabay yakap kay kim.

Pagkabitaw ng yakap tumingin uli si kim saakin at ngumiti tsaka agad umalis. Tao ba ito o isang angel? Sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko namang kinausap ni mommy si kim at niyakap.

👮‍♀️
KIM

Nakita kong nag alala si Ms. Irene kay Ms. Dawn. Sa halos hindi makatayo si Ms. Dawn at hindi makalakad sino ba naman ang hindi mag-aalala.

Nginitian ko lang si Ms. Irene, na parang sinasabing "trust me". Kaming team at team ni ate dean lang ang nakakaalam sa profession ko. Kaya gulat sila sa ginagawa ko.

Nakita ko yung mukha ni Ms. Irene na namumula. Aba! Vice versa na tayo Ms. Irene? Ako lang dati namumula ang mukha ngayon ikaw na. HAHAHAHAHA

Umalis na ako pagkatapos ko magamot si Ms. Dawn dahil magdidinner na sila. Need naming tumulong sa cater na magserve ng pagkain. Need team work dito dzai.

Pero napahinto ako nung tinawag ako ni ma'am imelda.

"Salamat sayo anak, napakabuti mo" sabi ni ma'am imelda na nakahawak sa kamay ko.

"Maliit pong bagay ma'am" sagot ko at niyakap naman niya ako.

*FF

Habang kumakain sila. Kinausap ko si kuya arnold na mag play sila. Yun dapat sasabihin ko kanina pero nakita ko nang natapilok si Ms. Dawn.

"Kuya pa-play itong "Make you feel my love by adele" at "Can you feel the love tonight by Elton John" habang sila kumakain" Pagsa-suggest ko.

"You want to sing Kim?" Tanong ni kuya sakin.

"Hmm, kayo nalang kuya show niyo yan ngayon" i said. Pero pinilit ako ni kuya, kaya no choice na ako.

"Pero sa may corner lang ako, sa tabi ng operator kuya ha" i said.

"Yuuuh sure, alam kong may trauma ka sa ganito. Miss lang namin yung boses mo kaya pinilit kita" kuya said.

And yes tama si kuya. May trauma ako sa ganitong kakanta ako sa harapan ng maraming tao. Pinagsasabay ko ang pag-aaral at sa pagbabanda at sila kuya arnold ang kasama ko sa banda. Ako ang main singer sa band namin.

Ngayon may showdown band na naganap noon. Sempre kami yung nanalo, ngayon dahil sa inggit ng kabilang banda. Ako yung napag-initan dahil natatama ko lahat ng notes, at narereach yung mga high notes.

Tuwing may live band kami, nagpupunta punta sila para batuhin ako ng itlog, kamatis o ano man. Kaya ngayon natatakot akong mangyari ulit yun.

Kakanta ako pero patago. Dito lang ako sa may sulok sa may tabi ni operator. Aba! Swerte ni kuya ha, siya lang makakapanuod saking kumanta.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon