EPISODE 106

327 39 4
                                    

Kim's POV

May naging girlfriend pala itong si Ms. Irene. At ganito rin siya manamit. My god! Sino ba kasing nagsabing susuotin ko ito? Napakarevealing at hindi ganito ang styling ko. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga ibang guest dito.

Lumingon naman ako kung saan ako galing at nakita ko yung dalawang bruha na tuwang tuwa sa akin. Aba! Mukhang dinodog show pa ako neto ha.

Hindi rin naman ako kumportable sa mga kasama ni Ms. Irene, tanging sila lang nila Ms. Dawn lang yung kavibes ko then sina Ms. Mylene at Ms. Dianne nameet ko na before and the rest ngayon lang nakilala. Si Pia, i knew it already kung sino siya.

"Hello, dahil nandito na ang ating pinakamamahal na bride to be, let's start the party! The food is over there, buffet po tayo so eat whatever you want" emcee said.

"Excuse me Ms. Irene, doon lang po ako kila karla at ate dean. Sasamahan ko lang po silang kakain" i said.

"Tawagin mo nalang sila rito, para mameet din sila" Ms. Irene said.

"Hindi na po, ayos lang naman" sabi ko.

"Ganon ba? Sige, kuha lang kayo pagkain ha" she offered.

Tumango tango lang ako bilang sagot at naghand gesture kay Ms. Dawn na doon muna ako sa mga kaibigan ko.

Nagtungo na ako sa kanila nang sinalubong ako ni Manang Imee.

"Kumain na kayo? Kumuha lang kayo doon" bungad nito sa akin at nginitian ko siya.

Lumapit naman yung dalawa sa amin.

"Hello po Gov. Congratulations po sa inyo ni Mr. President. At salamat po sa pag-imbita" ate dean said.

"Oooh! Kayong dalawa, buti naman nakarating kayo rito. Kailan pa kayo rito?" Manang imee asked.

"Kahapon po Gov." Karla answered.

"Nako! Manang imee nalang, naiirita na ako sa mga ganyang pag-aaddress sakin" she said.

"Nakakahiya naman po Gov ay este Manang imee" ate dean said.

"Ayan gusto ko yan, sige na magtungo na kayo doon, kain lang kayo" wika ni manang imee sabay turo sa mga  pagkain.

Agad namang nagpunta ang dalawa sa mga pagkain at ako naman pinigilan pa ako ni Manang Imee.

"Salamat ha. Buti nalang nandyan ka for me because i heard ikaw lang mag-isa ang nagdecorate dito" saad ni manang imee.

"Wala po yun manang, basta kayo po" i said.

"Anyways, mukhang new look ka ngayon ha. Ngayon lang kitang makitang nakadress at jusko backless pa" sabi ni manang imee saka niya ako pinaikot para makita yung likod ko.

"Ang kapatid niyo po ang may kagagawan nito Manang imee" i said.

"Aysuus, talaga lang ha? Hindi pa talaga nagbabago si Irene" she said.

"What do you mean manang imee?" I asked.

"May naging girlfriend kasi itong si Irene dati, it's a private relationship pero alam naming lahat except my parents. Ganyan na ganyan din siya manamit, at si irene din minsan ang may pakana ng susuotin niya" she explained.

"O siya tinatawag ako ni Mommy, kumain kana rin kapag" she added.

Tumango lang ako bilang sagot dahil iba ang dating sa akin ng lahat ng narinig ko. Para akong puppet o barbie doll na binihisan ng kung anong damit. Well! Hindi ko namang masisisi si Ms. Irene dahil ginusto ko rin itong suotin sa huli. Ang akin lang bakit pinaparanas niya sa akin yung mga bagay na pinaranas niya sa naging girlfriend niya dati.

"Aaaagggh! Nevermind" mahina kong sabi sabay nagtungo kila ate dean na kumakain na pala.

"Oh! Bakit busangot ka?" Tanong ni karla.

"Nothing" cold kong sabi.

"Kumuha kana ng pagkain doon? O baka gustong mong kuhanan na kita?" Pag-aalok ni ate dean.

"Huwag na ate, hindi pa ako gutom" i said.

Hindi pa talaga ako gutom dahil kakakain ko lang. Mukhang gusto ko nang mag-inom. And speaking of, saktong may dumaang waitress na may dala dalang wine at hindi na ako nagdalawang isip na kumuha.

"Oy! Sure ka nyan? Wala pa atang laman tyan mo" concern na sabi ni ate dean.

"Ate don't worry, kumain na ako kanina after ko magdecorate, bawi nalang ako sa pulutan" biro kong sabi.

Umiling iling naman si ate dean at napatawa sa sinabi ko.

Maya't maya hindi naman ganoon kaagad naubos yung wine na kinuha ko kanina pinatikim ko kay karla.

"Ano lasa? It's taste good diba?" I said.

Pinatikim ko sa kanila sign na para mag-inuman na kami. Light lang naman yung sineserve nilang alak, kaya goods lang para hindi agad malasing.

Hindi naman ako maglalasing dahil maaga na naman ako bukas dahil it's Manang Imee's wedding day. Gusto ko lang palamigin yung ulo through this.

And para sure na talagang iinom na sila ako na ang kumuha ng alak para sa mga ito. While walking papunta sa nagseserve ng alak biglang namang may humarang sa akin.

"Hello Miss, kayo ba yung wedding organizer ni Imee?" She asked.

"Aaah y-yes po" pag-aalinlangan kong sabi.

"Nakwento kasi niya sa amin lahat maski dito sa bridal shower na ikaw din ang nag-ayos nito" she explained.

"Btw, I'm Christina pinsan ni Imee" pagpapakilala nito.

"Hello po, kim naman po ang aking pangalan" sabi ko.

"Well! She recommended me na ikaw nalang din ang kukunin kong organizer or planner sa gaganaping debut ng aking anak and also yung service ninyo" she said.

Jusko! Hindi pa natatapos itong event na ito may magpapa-inquire na naman.

"Sandali lang po Ma'am, tungong isabela pa po kasi kami at pati yung team ko. Pero mapag-uusapan po natin yan. Kailan po ba yan Ma'am at saan po gaganapin?" I asked.

"Yun na nga sabi ni Imee eh, pero she said na ikaw nalang ang kausapin ko. So, next month pa naman at sa manila siya gaganapin" sabi nito.

"Oh sige po ma'am, ganito nalang po. I will get your number and then. . . sandali po tatanungin ko lang po sa kasama ko kung may dala silang business card" i said then agad tinanong si karla kung may dala siyang business card namin. At ayos meron siya sa kanyang clutch bag. Hindi ko kasi binibigay yung personal number ko kung business lang ang pag-uusapan.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon