EPISODE 122

408 45 17
                                    

*CONTINUATION

Alfonso's POV

Inilapag ni daddy ang isang litrato. Si kim at si mommy ang nasa larawang iyon at nasa sasakyan sila. Kung unang tingin wala kang makikitang issue pero why not kung bibigyan mo ito.

Binigay ni daddy ang idea'ng ikalat ito sa social media at pagtsismisan. Aminado siyang si kim ang tatarget'n ng mga bashers sa internet pero matatakpan ang mukha ni kim kapag pinost na ito sa social media.

Lahat ng pictures na galing kay kim kinuha lahat ni daddy at sinunog ito pati ang P.T ni Ninang. Pero walang kaalam alam si daddy na may flashdrive pa akong hawak hawak at hindi ko iyon ibibigay sa kanya. Sisiguraduhin ko munang matransfer lahat ng kanyang properties sa name ko.

Madaling araw umaksyon na ang aking technical team para sa ganoon maipost na nila yung pictures nila kim and mommy at magawan ito ng caption para pag-fiestahan sila sa social media. At kapag sirang sira na dito si kim, wala na siyang chance para humabol kay mommy, at boom sila ang masisira na walang kaalam alam si mommy tungkol kila daddy at ninang Pia.

"So deal?" Daddy asked.

"But don't forget alam mo na yun dad kung ano yun, deal" i agreed then we shake hands.

Irene's POV

Aligaga lahat ng tao, saka ko lang nalaman ang balita noong tumawag sa akin si Manang Imee. Pinagsabihan niya akong dapat noon pa itinigil ko tungkol sa amin ni kim bago man dumating ang issue'ng ito. Alam naman niyang maraming media ang nakatutuk sa amin kaya panay ang kanyang alala pero nagtigasan ako ng ulo at ito na ngayon ang nangyari.

Pinabasa sa akin ang mga comment ng mga netizens at kay kim lagi ang malala ang pinagsasabi. Na blurred ang mukha ni kim and they're trying to figure-out kung sino ang young girl na kasama ko.

Tinawagan rin ako ni kuya bonget para sabihan ako na gumagawa na sila ng paraan para itrace yung taong nagpost ng litratong ito. Tumawag din sila sa mansion sa akin na pumunta raw ako kay mommy para kausapin ako.

Habang nasa byahe ako, tumawag ulit ang manang imee.

*CALLING FROM MY SISTER

"Hello manang imee" bungad ko.

"Papunta kana ba kay mommy?" She asked.

"Yes, i'm on my way" i answered.

"Ok ito lang ang masasabi ko. Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ni kim kay mommy. Kahit anong sabihin niya huwag mong sasabihin ang pangalan ni kim kay mommy. Naiintintidahan mo? Or else parehas kayong tapos" bilin ni manang imee.

"Yes manang, i understand. Nandito na ako, i'll update you nalang kung ano sasabihin ni mommy sa akin. Bye!" I said then I hung up the call.

*CALL ENDED

Pagbaba ko ng mansion tinanong ko na kaagad sa mga kasambahay kung nasaan ang mommy. At nasa dating kwarto ko daw siya. At bago pa man ako humarap kay mommy, minessage ko na si Nicole ang aking secretary na kapag tinanong siya kung sinong taong nasa litrato huwag siyang maghehesitate na magsabi na siya yun. Umagree naman si nicole about dito.

Pagkapasok ko ng kwarto, nakaupo siya sa kanyang wheelchair at nakatanaw sa may bintana.

"Mommy" pagbabasag ko ng katahimikan.

"Ooh andyan kana pala, maupo ka" saad ni mommy.

Naupo muna ako at hinintay siyang magsalita. Pero ilang minuto na ang nakalipas tahimik pa rin ang apat na sulok ng kwartong ito.

"Mommy, hindi niyo po ba ako tatanungin?" Biglang kong tanong.

Nakatanaw lang siya sa malayo mula sa bintana.

"Gusto kong kumusa kang magsabi sa akin ng totoo, hindi kita tatanungin ng kahit na ano basta ang gusto ko sabihin mo lahat sa akin" wika ni mommy.

"Mommy, I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit ganyan na lamang sila humusga at tanging secretary ko lang naman ang kasama ko sa gabing iyon. Sana naman ako paniwalaan niyo mom" pagmamakaawa ko.

"Ok, narinig ko na ang dapat kong marinig. Makakaalis kana" usisa ni mommy.

Tumayo na ako at nagpaalam kay mommy saka umalis. Pero bigla ulit siyang nagsalita pagkabukas ko ng pintuan.

"Kung ano man ang namamagitan sa inyo ng babaeng kasama mo sa sasakyan, tigilan niyo na. Reputasyon ng dalawang apelyidong dala dala mo ang nakasalalay dito, mag-isip ka ng mabuti irene" wika nito.

"Sa ngayon paniniwala kita pero kapag nalaman kong nagsisinungaling ka alam mo na kung ano mangyayari sa babaeng yan" dagdag ni mommy. 

Kasunod nun hindi na siya nagsalita kaya'y agad na akong tuluyang lumabas ng kwarto at umalis ng mansion. Nag-alala tuloy ako kay kim, alam ko namang alam niya na rin itong issue na ito. Maski ako nasaktan din sa mga nababasa kong pagbabatikos kay kim even though her face was blurred.

Pagkauwi ko ng bahay nandito sila Manang Imee, inupdate ko na sa kanya lahat kung ano sinabi sa akin ni mommy.

"May nakapagsabi sakin na si kim daw ang kasama ko. Kaya mas mabuti pang huwag ka munang makikipagkita kay kim at kahit sa secretary mo dahil sila ang pinaghihinalaan ng mga tao na isa sa kanila ang kasama mo sa sasakyan na iyon" manang imee said.

Sumang-ayon naman ako sa idea'ng iyon ni Manang Imee pero sa ngayon kakausapin ko muna sa phone call si kim.

"Bonget will update you kung ano na ang balita sa pagtatrace nila sa nagpost and i need to go na. Mag-iingat ka dahil nakatutok sayo ngayon ang media" sabi ni manang imee saka umalis.

Maya't maya dumating na si Greg galing sa trabaho. Hindi niya ako pinapansin at nakabusangot lang ang kanyang mukha. I'm trying to talk to him but he ignored me.

"Hon, it was my secretary. Ano ba pansinin mo naman ako" irita kong sabi.

"Kahit tawagan mo pa ang secretary ko. Siya ang kasama ko sa sasakyan na iyan. Kung sino man ang nagpost ng litratong yan at nagkalat ng rumors na yan, malilintikan siya sa akin" i madly said but greg still not responding.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon