EPISODE 34

493 21 0
                                    

Irene's POV

Maggagabi na at bababa kami ng hotel ni greg para magdinner. Buong araw na walang paramdam si kim. Ewan ko kung bakit wala siyang paramdam sa akin dahil ba sa nangyari kagabi sa restaurant? Naging awkward ba yun sa kanya? Nahiya ba siya siya ginawa niya? I don't know but i want to call her para kumustahin.

But, i'm hesitant baka busy siya at makaistorbo lang ako. Nagpatuloy nalang kami ng kain ni greg ng dinner at maya-maya si dawn ang tumawag.

*DAWN'S CALLING

"Hello dawn" bungad ko sa kanya.

"Hello irene, about my birthday. I just want to update you for this matter" dawn said.

"Aaaah yes, sa susunod na araw na ang birthday mo. Anong plano mo mare?" I answered.

"I decided na mag palawan. Nakapagsettle na ako, nakapagbooked na ako ng flight at bukas na ng gabi ang alis papuntang palawan" sabi nito.

"Sorry kung late kong nasabi sa inyo kasi antagal kong nagdecide kung saan talaga icecelebrate yung birthday ko. Kaya makakahabol ba kayo bukas papuntang manila bukas before the flight?" Ani ni dawn.

"Sure, makakahabol kami. Sila kuya bonget ba nasabi mo na sa kanila?" Tanong ko.

"Sasabihin ko palang after nitong call" dawn.

"Osige sige, end ko na ang call para masabihan mo na sila. Thank you kumareee. Byeee!" Paalam ko sabay baba ng phone

We're done eating at umakyat na kami ng room namin para makapag-impake ng gamit.

Habang nag-iimpake tumatawag si ate imee at sinagot ko naman ito kaagad.

"Hello ading irene" bungad nito sa kabilang linya.

"Hello ate, nasabi na ba sa inyo about sa birthday celebration ni dawn?" Tanong ko.

"Oo, kaka-end nga lang yung tawag e. Btw, daanan nalang namin kayo jan sa isabela para sabay-sabay tayong luluwas" sabi ni ate imee.

"Para kung hindi tayo makahabol sa flight, sama-sama tayong maiiwan. HAHAHAHAH" dagdag pa nito sabay tawa sa kabilang linya.

Nakita ko naman si greg na natawa rin sa narinig niya.

"Sige ate imee, balitaan niyo nalang kami kung andito na kayo sa isabela" i said.

Pagkatapos ang pag-uusap namin ni ate imee nagsihiga na kami ni greg para makapagpahinga na. Habang nakatulala sa ceiling, naalala ko si kim dahil aalis na kami bukas ng isabela. Diko alam kung magpapaalam ba ako o hindi na.

Bakit ba ako nagiging ganito? Kailangan pa bang magpaalam? Naguguluhan ako. Ni hindi na siya nagparamdam at tanging sa restaurant ang huli kong pagsulyap sa kanya. At dahil sa pag-iisip kong iyon naging masama na ang loob ko sa kanya. Kaya hinayaan ko nalang at natulog.

*FF

Kim's POV

Nagising ako ng maaga dahil marami akong agenda ngayong araw. Masakit yung katawan kong nagising dahil sa pag gy-gym ko kagabi, nabigla ata kaya niwatwat ko muna ang katawan ko para manumbalik ito at mawala nang tuluyan yung sakit.

Bumaba na ako after ng mag-exercise. Kumain na ako ng breakfast, ang umagahan ko ngayon ay tosilog at iced milo. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ko, naalala ko yung nangyari sa restaurant. I feel ashamed. Nakakahiya yung ginawa ko. Wala akong control that time pero laking pasasalamat ko nung may tumawag para hindi matuloy yung paghalik ko kay Ms. Irene.

Buti nalang pero at the same time nakakawala ng dignidad at respeto kay Ms. Irene. Alam kong hindi kami magkaedad at we're the same gender. At alam kong magagalit siya sa akin kung ginawa ko man yun. Thank you lord talaga dahil nagbigay ito ng sign para hindi ko magawang halikan siya.

At dahil sa pangyayaring iyon, nagawa kong hindi magparamdam sa kanya kahapon at hanggang ngayon. Nagi-guilty ako, ang dami kong kasalanan sa kanya bukod sa pangyayaring iyon nagi-guilty ako dahil hindi ko masabi sabi sa kanya about sa nakita ko sa ilocos tungkol sa asawa niya.

Eh paano ko naman sana sasabihin kung lagi ko siyang nakikitang masaya at lalo na ngayon may tinututukan siyang projects at ayokong bigyan siya ng problema kung sasabihin ko man sa kanya ngayon.

Aaaaaagh! Sir greg, binigyan mo ako ng sakit sa ulo. Sana nalang hindi ko na nakita iyon pero kung hindi iyon nangyari mukhang magiging tanga lang si Ms. Irene kung hindi niya malalaman.

Napabuntong hininga nalang ako at nag-isip ng mabuti. Sasabihin ko ito sa tamang panahon. May time para jan pero ngayon gagayak na tayo at pupunta sa burgos kung saan may checkpoint operation ang pulisan doon.

Mag-iinspect lang ako doon saglit for my report at aalis din. Pupunta ako ng shop pagkagawi ko sa burgos. After ko kumain, naghugas na ako ng pinagkainan at nagvacuum ng buong bahay. Pati na rin dito sa kwarto ko, pero magge-general cleaning ako bukas kaya light lang akong nagvacuum. Aayusin ko lahat ng gamit dito.

Maliligo na ako para mamaya ready to go out na. Nagbihis na ako after ko maligo. Magsusuot ako ng pang-civilian hindi naman kailangan naka-uniform na mag-inspect tsaka day off ko naman. Nagsuot lang ako ng white tshirt at pants then tuck-in sa harapan. Nagdala rin ako ng shades dahil i know na matirik ang araw, masakit sa mata lalo na at sa daan ang tingin habang nasa checkpoint operation.

Tumingin ako sa digital clock ko at maaga pa naman para pumunta doon kaya bababa muna ako para tulungan si mama magbenta ng mga paninda niya.

Kinuha ko rin muna ang isang board puzzle na magulo, ito yung picture ni Ms. Irene na nakuha ko sa hallway sa cultural center. Ang cute niya rito dahil saktong pagclick ko ng camera tumawa siya. At dahil magulo ito, pero may ilang part na nabuo na. Dadalhin ko sa baba para buuin habang nagbebenta at naghihintay ng oras para pumunta sa burgos.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon