EPISODE 123

293 31 9
                                    

👴
GREG

Alam ko namang kami ni alfonso ang may pakana nang lahat ng ito but we need to hide it from irene. Kaya ito, kunwari galit ako sa kumakalat na litrato sa social media. Hindi ko siya pinapansin o kinakausap hanggang sa umamin siya but she lied. Alam kong si kim ang kasama niya that night but she said it was her secretary.

"Kahit tawagan mo pa ang secretary ko. Siya ang kasama ko sa sasakyan na iyan. Kung sino man ang nagpost ng litratong yan at nagkalat ng rumors na yan, malilintikan siya sa akin" she madly said.

"Please hon, talk to me. Babalik na naman ba tayo ulit sa dating hindi na namang nag-uusap o nagpapansinan?" Irene said.

Pumasok na ako sa aking personal office dito sa bahay at may dalang glass at isang bote ng whiskey. But then I'm still ignoring her.

Pero bigla niya akong niyakap mula sa aking likuran. Ngunit tinanggal ko rin ang kanyang pagkakayakap sa akin. Natulog kaming hindi magkasama sa kama.

Pero hindi pa iyon nagtatapos, may pasabog pa si Alfonso.

👮‍♀️
KIM

Pumasok ako ng malacañang para paglingkuran ang Pangulo. Ngunit bawat taong nadadaanan ko dito sa loob ng palasyo at kahit sa labas tinitignan ako saka sila titingin sa kanilang telepono.

Sa oras ng duty not allowed ang gumamit ng cellphone lalo na kapag pang-social media lamang. Kaya'y pagka-uwi ko ng condo, pinawer on ko na kaagad ang phone ko at doon sumabog ang notification ko. Lahat ng social media platforms sabog ang notifications.

At ang kinagulat ko, hindi na naka-blurred yung mukha ko sa larawang unang pinost. Lantad na lantad ang mukha ko sa larawang ito. Hindi ko mawari ang aking naramdaman ngayon, halong halong emosyon. Sobrang galit na ang umiiral sa akin gusto kong magwala at magsigaw ng magsikaw hanggang sa mapaos.

Sa kadahilanang hindi ko nakontrol ang sarili ko dahil sa galit, iwinagiwas ko lahat ng nakadisplay sa study table ko. Maski ang family picture at ang dinisplay kong picture namin ni Ms. Irene basag ang frame.

Nagtiwala ako sa taong ang akala ko naging totoo sa akin sa araw ng pagrereveal ko ng lahat ng nalalaman ko. Pero nabalewala yun lahat at nabaliktad ako. Doon ako nagkamali, ang magtiwala kaagad.

Panay notif parin ang phone ko, rinig ko pa rin ang ingay kahit basak na ang screen ng phone ko dahil sa pagkakabato ko kanina.  They always mentioned me. Nagawan na rin ako ng meme na puros pagbabastos lang. Bumuhos ang luha ko dahil nararamdaman ko yung sakit bawat nababasa ko. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin mismo.

Lahat ng social media'ng meron ako vinisit ko lahat. Pero pagkabukas ko ng facebook, ang unang post na bumungad sa akin ay yung captured picture mula sa hidden camera na pakana ni Alfonso. It's shown their that i was kissing Ms. Irene's forehead while she was sleeping.

Binuksan ko pa din ang comment section kahit alam kong masasakit na salita ang kanilang sasabihin at tama nga panay ang batikos sa akin. Ngunit aking nang napansin, ni hindi man lang ba ako kakausapin ni Ms. Irene tungkol dito sa issue'ng ito? Ni hindi man lang ba siya gagawa ng paraan para masolusyuhan ito? Kaming dalawang ang involved dito, don't tell me aakuhin ko lahat ng problemang ito?

Napaupo na lamang ako sa sahig at napayuko habang bumubuhos ang aking mga luha. Hindi ko na alam ang aking gagawin, ni hindi ko alam kung paano na ako haharap sa mga tao. For sure alam na ito ng buong Marcos at wala na rin akong mukhang maipapakita sa kanila.

Kinuha ko ulit ang phone ko at agad agad kong ipinunta sa contact number ni Ms. Irene. Gusto ko siyang makausap kung paano namin ito susolusyonan. Pero hesitant akong pindutin ang call button, nanginginig na rin ang daliri kong nakatutok sa screen.

At doon ko na namang napagtanto na, hanggang doon nalang. Hindi ako naging importante sa kanya, ni hindi ba siya nag-alala sa akin? Na ok lang ba ako regarding sa issue na ito? Ang pagkaka-alam ko ginusto namin ito pareho pero bakit simula noong lumabas ang litratong na-blurred pa ang mukha ko hindi man lang niya ako naisip na tawagan o kausapin. Manhid ba siya para hindi maramdaman ang nararamdaman ko?

Naisipan kong imessage nalang siya pero unti unti ring nawawala ang mga tinatype ko. Tumunganga na lamang ako at halo halo ang aking naiisip. Hanggang sa napayuko na ulit ako at sinandal ang ulo ko sa kamay ko. Hindi ko namalayang, nakatulog na ako habang nakaupo sa sahig. Nahihikbi hikbi pa rin ako dahil sa walang tigil na iyak ko pero napatahan ko ang aking sarili nung time na nakukuha ko na ang tulog ko.

🧑‍🦳
IRENE

Niyakap ko si greg mula sa kanyang likuran pero tinanggal niya rin ito kaagad. Hindi na ako nagsalita pa at iniwan na siya rito sa kanyang sariling office at dito na ako natulog sa sofa dito sa sala. Nasa first floor lang naman ang kanyang office baka sakaling paglabas niya agad ko siyang mapapansin.

Kinabukasan, pagkagising ko natanaw ko kaagad si greg na nagbabasa ng newspaper habang humihigop ng kape sa kabilang sofa. Nakumutan pa ako. Maya't maya bumangon na ako.

"Goodmor --" putol kong sabi dahil nagsalita na ito kaagad.

"Prepare yourself, irene" greg said then he put the newspaper on the table. Saka siya umalis.

"Huh? Prepare for what?" Pagtataka kong tanong.

Hindi na siya sumagot at pumasok na sa kanyang silid. Tinignan ko naman yung newspaper kung ano na ang balita pero doon ako natuluyang nagising dahil kita na ang mukha ni kim sa litratong pinost dati sa social media.

"Ihanda mo ang iyong sarili kung ano pwdeng gawin sayo ni Mommy" wika ulit ni greg saka siya umalis ng bahay.

Binuklat ko pa sa kabilang page at meron pang isang bagong balita at tungkol ulit samin ni kim. Ito yung time na nasa hotel kami, it shows how kim kissing my forehead.

Napahawak ako ng ulo dahil for sure magagalit na sa akin si Mommy nito. At kalat na kalat na ito sa buong bansa dahil nasa pahayagan na rin ang litrato namin ni kim.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon