EPISODE 23

525 27 4
                                    

Kim's POV

Nag-abala pa talaga si ma'am imee. Pero infairness ang ganda ng set up. Hindi naman naming maiwasang matuwa at magsigawan dahil hindi namin inexpect na may paganito tong si ma'am imee.

Ngayon lang ako nakapasok dito sa malacañang of the north. Nung first day ko dito sa ilocos sa cultural center na ako dumeretso after ng misa sa paoay church. Tapos after ng event sa vigan naman kami dahil doon kami natulog kaya hindi nako nakapunta dito.

Nagbigay naman ng mensahe sila ma'am imee at ma'am imelda. Nagpasalamat sila ng bonggang bongga. After nun start na ng party. Maraming pagkain pero wala akong makitang alak.

Tinanong ko naman si ma'am imee kung pwdeng uminom ngayon. Baka kasi ayaw nilang magpainom dito sa malacañang, kaya kukuha muna ng permission kung pwde. Party tapos walang alak ang boring kaya.

Nagpasalamat muna ako kay ma'am imee dahil nageffort pa siya para saamin.

"Ma'am imee, salamat pala dito sa pa party mo. We appreciated!" i said.

"Walang anuman. Maraming maraming salamat din sayo dahil kung wala ka hindi ito mangyayari nang napakabongga" ma'am imee.

"Btw ma'am imee, napansin ko kasing walang drinks. E baka bawal dito sa malacañang, e sempre party na din to amboring po kasi kung walang alak, diva?" sabi ko.

"Aah, ang alam kasi namin hindi na kayo iinom dahil sobra niyo ng pagod kaya hindi na kami naglabas" ma'am imee.

"Pero gusto niyo bang mag-inom? Ok lang naman" dagdag pa nito.

"Sempre naman ma'am imee. Pampapawi ng pagod yun ma'am imee" i said sabay tawa ng ka-unti.

"Osige, magpapalabas lang ako ng wine" ma'am imee.

Aba wine! Sosyal naman. Baka mamaya yung pinakamahal na wine ibibigay ni madam imee nakoooo, hindi ko kayang lunukin kapag ganoon.

Umalis naman na si ma'am imee para magpakuha ng wine.

Habang nahuhumaling pa sa mga nakikitang bagay dito sa malacañang lumapit ako sa table nila karla para tanungin kung gusto nilang uminom.

"Hey! Gusto niyong uminom? May ibibigay si ma'am imee na wine" yaya ko sa kanila.

"Aba! Jan kami hindi tatanggi ate kim" ralph.

"Ikaw karla you want to join?" tanong ko.

"Sempre naman ate" karla.

"Teka, bat parang mugto yang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ko kay karla.

"Umiyak dahil sa nangyari sayo ate" biro ni ralph.

"Baliw, napuwing lang ako ate kaya ganito tong mata ko" karla.

"Pero ate ayos kana ba? Ang laki ata ng sugat niyo dahil ang laki rin ng plaster at pilay ka rin maglakad, masakit po ba?" sabi uli ni karla.

"Oooh easy lang sa pagtatanong karla, medyo nakakahalata" biro ni ralph.

"Ayos na ako, nailalakad ko naman siya. Ewan ko ba kay Ms. Irene, bat ganito kalaki yung ginawang plaster sa sugat ko e 3 inches lang naman yung galos" kim.

Nakita ko namang natahimik si karla.

"Osiya, basta join kayong lahat ha" kim.

"Opo ate, wine yun e" sabi ni kuya ben sabay tawa.

Habang wala pa si ma'am imee. Nagparequest ako kay kuya arnold na pagpamusic siya ng pang party club. May padisco lights naman na nilagay dito kaya sakto.

Meron na si ma'am imee dala yung mga wine. 6 bottles yung dala niya para saming lahat. Di ko alam kung malulunok ko ito kasi ang mahal nag wine eh. HAHAHAHA

*FF

Habang sumasayaw sa gitna at malapit nang maubos yung mga wine. Konti palang naman yung tama ko. Ayoko namang pagpakuha ulit kay ma'am imee. Nakakahiya na. Nagtanong uli ako kung gusto pa nila.

"Guys, gusto niyo pa ba? Ubos na kasi yung wine" bulong ko sa kanila.

"Oo ate, medyo wala pang tama eh" ralph.

"Oh sige, hintayin niyo ako dito. Bibili lang ako ng beer sa labas" sabi ko sa kanila.

"Samahan kana namin ate" rey.

"Hindi na, kaya ko pa naman. Wala pa naman akong tama" i said.

Agad naman akong pumuntang bayan para mamili ng beer. Malapit na to sa capitol.

May nakita akong mini grocery tapos may katabing bar. Pumasok na ako at bumili ng 4 cases ng beer at pinunta ko na yun sa likod ng sasakyan ko. Pumasok na ako ng sasakyan para bumalik na sa malacañang. Pagsara ko ng pinto, may nakapark na sasakyan, kita ko yung plate number dahil nasisilawan ng ilaw ng sasakyan ko.

Maya-maya dahil ayaw magstart yung sasakyan ko, may lumabas na lalaki na may kaakbayang babae galing sa bar. Hindi ko muna yun pinansin.

Tapos nung dumaan yung lalaki sa harapan ng sasakyan ko, nakita ko si sir greg yung lalaki. Napatakip ako ng bunganga dahil sa nakita ko.

Sumakay na sila ng sasakyan na nakapark sa harapan ko. Ayaw pading magstart ng sasakyan ko. Pero noong paalis na sila doon namang nagstart.

Naisipan kong sundan sila kaya agad akong nagmaneho. Hindi papuntang malacañang ito kaya nagtaka ako. Saan kaya sila pupunta? At bakit may kasamang babae si sir greg at galing pa sa bar?

Gusto kong magalit, gusto kong suntukin si sir greg. Paano niya ito nagagawa? Niloloko niya si Ms. Irene. Hindi deserve ni Ms. Irene ito. Nasasaktan na ako para kay Ms. Irene.

Go pa rin sa pagdadrive hanggang tumigil sila sa tapat ng isang bahay. Dalawang palapag ito.

Huminto naman ako at nagpark malayo sa kanila para hindi ako mapansin. Bumaba na sila at inakbayan ng babae si sir greg, kinuhanan ko sila ng litrato gamit yung cellphone ko. Pinagpahinga ko muna yung camera ko, dahil sa nangyari kanina.

Nung nakapasok na sila sa loob ng bahay bumaba na rin ako ng sasakyan. Nahagilap kong nasa taas na sila, kitang kita ko yung shadow nila sa bintana, naghahalikan at naghuhubaran.

Nagulat ako sa nakita ko pero patuloy parin akong kumukuha ng litrato. Ipapakita ko ito kay Ms. Irene para malaman niya lahat ng ginagawang pagloloko sa kanya ng asawa niya.

Bumalik na ako ng sasakyan para makabalik ng malacañang. Baka magtaka pa sila bakit ang tagal ko.

Nasa cellphone ko lahat ng ebidensya. Napabilis yung pagdadrive ko sa sobrang galit. Akala ko si sir greg na ang pinakaswerteng lalaki dahil kasal siya sa isang Irene Marcos na napakadaming taong naghahangad at nagmamahal sa kanya. Pero ganito lang gagawin niya? He's a cheater!

Naiiyak na rin ako dahil sa galit. Hindi ko akalain na gagawin ito ni sir greg. Hindi ako yung asawa pero sobrang naapektuhan ako, alam kong masasaktan si Ms. Irene dahil sa ginagawa ni sir greg pero kailangan niyang malaman.

Nasa malacañang na ako, tumakbo ako kahit pilay. Agad kong hinanap si Ms. Irene pero nakita kong masaya siya ngayon. Sobrang saya niyang nakikipagkwentuhan sa family niya. Doon na ako umiyak ng sobra dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya kung ano man yung nakita ko.

Ayokong masira yung saya niya ngayon. Ayokong masira yung party na ginawa ni ma'am imee samin.

Napaupo ako sa sobrang iyak. Hindi nila ako napapansin dahil disco lights lang ang nakailaw at malakas yung music. Medyo malayo naman sakin si Ms. Irene kaya di kita.

Bumalik ako ng sasakyan para kunin yung mga alak. Nakita naman na ako nila karla kaya tinulungan na nila akong magbuhat.

After nun, agad akong nagopen ng beer at ininom. Uminom ako ng uminom hanggang malasing at nang hindi maalala kung ano yung nakita ko kanina.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon