EPISODE 40

498 25 7
                                    

Irene's POV

Hindi pa nagtatapos ang celebration ni dawn. May bonggang dinner pa kami at konting party. Nagpe-prepare na kami ni greg para pumunta sa malapit sa dagat dahil doon nakaset-up yung table for dinner naming lahat. Nagsuot ako ng dress at nagsuot ng scarf, si greg naman nakapang-polo.

Pumunta na kami ni greg sa venue at naabutan namin sila ate imee, kuya bonget, liza, mommy meldy, pia at yung mga bata. Unti-unti rin nagsisidatingan sila smally, anton, at dawn.

Nagsiupo na kami para masimulan na ang diiner. Pagka-upo namin nagsimula nang mag-serve ang mga waiter. Naglinya muna sila sa likuran namin at sabay-sabay na nilapag yung mga dala dala nilang food. Aba! Synchronized yarn?

Puros seafood ang nakaserve, pero may gulay rin. Mukhang yung salad lang ang vegetables. Pero keri na.

Namangha ako dahil nakaserve yung favorite kong sinigang na crabs at hindi talaga mawawala ang buttered garlic shrimp. Naalala ko tuloy si kim tungkol sa mga pagkain na ito na hindi niya ito nakakain dahil may allergic siya. Hays! Kawawa naman, sa mga ganitong masasarap na pagkain doon naman niya hindi nakakain.

Pero natuwa ako dahil sa itlog niyang inorder. Hindi ko akalain na mag-oorder o magpapaluto siya sa isang magandang restaurant ng sunny side-up egg. Napaka clingy niya that time.

Dahil naisip ko ngayon si kim, parang nagca-crave na tuloy ako ng egg. Kaya dali dali kong tinawag yung isang waiter na nakatayo sa side namin.

"Kuyaaaa!" Tawag ko sa waiter.

"Why irene? May problema ba sa food?" Tanong sakin ni dawn.

"Nope, masarap lahat ng food" i answered, magsasalita pa sana ako pero dumating na si kuya.

"Yes po ma'am?" Waiter.

"Pwde ba akong magpaluto ng 3 sunny side-up egg?" I ordered.

"Itlog po? Aaaah sige po. Iyon lang po ba ma'am?" Waiter.

"Yes! Yun lang. Salamat" i said saka siya umalis.

"What? Magpapaluto ka ng itlog? Bakit ayaw mo na ba yung itlog ni -----" hindi na tinuloy ni pia ang magsalita dahil sumigaw si dawn na nasa tabi niya.

"Hooy! Nasa hapag tayo at may mga bata" suway ni dawn kay pia.

Kita ko sa mata ni pia habang sinasabi iyon na alternate ang pagtingin niya samin ni greg. Gets ko kaagad yung sinasabi niya pero i know na jokes lang niya iyon. Pero mas pinili kong huwag nang tumugon dahil may mga bata kaming kasama.

Grabe bunganga mars? Kaya hindi nakakapag-asawa dahil walang preno ang bunganga. Walang nakakatagal ng pasensya kay pia dahil napakadaldal nito.

Ilang minuto lang at dumating na yung pinaluto kong itlog. Napakaperfect yung pagkakaluto. Malasado ito at iyon yung gustong gusto ko kapag kumakain ng ganito.

Habang kumakain, nagchichikahan kami. Nagvivideo ulit si ate imee para may maipost na naman sa mga social media niya.

Maya-maya nagsalita ito habang hawak hawak ang cellphone.

"Kim followed me and liked my post" she said.

"Bakit ngayon niya lang ako finollow ng babaeng ito?" Demanding niyang pagkakasabi.

"You know what mom, siya dapat ang fina-follow niyo" sabi ni borgy sabay tawa.

"Bakit finollow mo ba siya?" Tanong ni ate imee kay borgy.

Hindi pa rin ako makarelate dahil yun na nga wala akong kahit na anong social media. Contact number lang ni kim ang naka-accessed sa akin.

"Yuuuh! Kakafollow ko lang sa kanya. Ganun dapat mommy, ikaw dapat mismo ang mag follow" borgy said.

"And why naman sana?" Ate imee.

"Because she has a lot of works. Kaya i think wala siyang time para ifollow tayo. Kaya ako na ang nag follow sa kanya" he added.

"Ok fine. I will follow back nalang. Happy na, borgy?" Pikon na pagkakasabi ni ate imee. Grabeng magbiruan itong mag-ina.

Patuloy ko lang kinakain yung itlog habang nakikinig sa mga chika nila.

"Btw, maaga pa naman. Kwento niyo na sa amin kung anong nangyari sa inyo at muntik na kayong hindi makarating dito sa palawan" singit na tanong ni anton habang may pinupulot sa baba.

"Ganito kasi iyon" sabay naming sabi nila ate imee at kuya bonget.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan na kaming lahat.

"HAHAHAHAHAHAH" tawa ng lahat.

"Ganito nalang. You guys have a recitation, give your experience habang nasa byahe. Mom, dahil ikaw ang panganay ikaw ang mauuna HAHAHAH" paliwanang ni borgy.

"Oooh good idea. Good job, good job!" Sabi naman ni luis kay borgy with thumbs up pa ito.

"Ay talaga ba borgy?" Sarcastic na sabi ni ate imee.

"Ganito kasi itong si irene hindi niya nacheck yung sasakyan kung ok yung mga papers. Ngayon sempre babyhe na kami, umaandar na yung sasakyan. Ngayon may checkpoint, eh sempre huminto kami at ayaw kaming payagang bumyahe" napahinto sa kwento si ate imee.

"Ano?" Smally.

"Then?" Pia.

"What's next?" Dawn.

"What's the problem?" Anton.

Tadtad na tanong nila kay ate imee. Marites lang mga mars? Naghihintay kung ano yung next na nangyari? HAHAHAHAH

"Eto na, easy lang. Eto na nga" mahinahon na sabi ni ate imee with hand gestures pa.

"Then you know what? expired ang OR/CR ng sasakyan!" sabi ni ate imee sabay hampas ng lamesa.

"Halla! Eh paano kayo nakalusot at nakabyahe?" Dawn asked.

"Kaya nga. Eh sempre yung processing ng papers umaabot ng buwan" sabi naman ni anton.

"Wait mom, satisfied na kami sa recitation mo. Tito bonget, you're next. Continue mo kung saan nagstop si mom" borgy said.

"Panira ka talaga borgy, ang ganda na ng reaction ko habang nagkukwento e" aniya ni ate imee with pouty lips.

"Yun na nga, buti nalang nagkataon na nandoon si kim" kuya bonget.

"Kim?" Curious na tanong ni dawn.

"Yes, the savior of irene and also for us" sabi ni kuya bonget.

Nagulat naman ako sa sinabi niya at sabay turo pa sa akin.

"Why naman naging savior niyo siya, at lalo na kay irene?" Singit na tanong ni pia.

"Irene, ikaw na magkwento about jan" kuya bonget.

"Ha? Aaaah, yes! Si kim ay isa sa tumulong sakin para sa project ko which is yung isa pang cultural center sa isabela. She was the one who handled all the things na dapat gawin, siya yung naghanap ng land para maitayo yung cultural center at ngayon under construction na siya" i said.

"Omg, congratulations irene! We're so proud of you. Hindi na kami nakapunta sa groundbreaking dahil you know" bati sa akin ni smally dahilan na binati na rin ako ng mga iba.

"Thank you! Ayos lang basta huwag kayong mawawalang lahat sa grand opening ha" aniya ko.

"Yes of course naman. Present kaming lahat" smally said.

Ngumiti lang ako at tinuloy yung kwento.

"And also si kim ang dahilan kung bakit kami nakaluwas ng manila at nakarating dito. She is a policewoman at she gave me this passing card para payagan kaming magbyahe kahit expired ang registration ng sasakyan" i said.

"We thanked her, dahil siya yung hero ko at hero naming lahat" i added.

"Yuuuh! That's right. She's my savior also. Remember yung nangyari sa akin sa celebration ng daddy niyo. Kung hindi dahil sa kanya baka pilay pa rin ako hanggang ngayon.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon