EPISODE 60

447 28 6
                                    

Irene's POV

Natapon yung hawak kong buko pandan dahil nabigla ako sa binulong sakin ni kim.

Ang daming natapong buko pandan sa damit ko at ang langkit nito. Mahirap na itong matagal kaya niyaya na ako ni kim para magpalit ng damit.

Pero i refused sa una, yayain ko nalang si Greg para umuwi na pero mukhang galit na si kim kaya no choice na ako para sumama sa kanya upang magpalit.

Naaamoy ko na rin yung tamis nung buko pandan kaya no choice na talaga. Baka talagang lalanggamin ako mamaya kapag hindi pa ako nagpalit.

Tumayo na ako at sinundan si kim. Nagtungo kami sa kanyang kwarto at pinaupo muna sa kanyang couch na nasa apaan ng kanyang bed.

"Wait for me here, i'll just get clothes for you" kim said at pumasok na sa kanyang walk-in closet.

Habang nakaupo sa kanyang couch, naalala ko yung aksidenteng nangyari dito noon na natumba kami pareho sa sahig dahil sa maling apak ni kim.

Hindi ko namang maiwasang ngumiti dahil sa nangyaring iyon. Dumako naman yung patingin ko sa kanyang mahabang kurtina kung saan nandoon ang kanyang balcony. Doon kami kumain ng breakfast kasama ang mapreskong hangin.

I'm still amazed what i have seen here in her room. Nakita ko yung isang cabinet glass na nakadisplay yung mga camera niya. Kasi noong dumalaw ako wala pa ito rito. Lumapit ako para tignan ng mabuti and i saw the camera that i gave.

Sa loob ng cabinet na ito may walong cameras ang nakadisplay. Iba't ibang klase ng camera, mag instax, fuji cam, DSLR, mirrorless cam, then yung iba mukhang old model na. Familiar ako sa mga iba't ibang camera dahil kinahiligan ko rin ito.

"Here! I think this will suit you" biglang sabi ni kim na nasa likuran ko na pala.

"Omg! You always startled me" tugon ko.

"HAHAHA sorry sorry. Basta wala po kayong sakit sa puso" pag-aasar nito.

"Oo wala nga pero magkakaroon na ako ng sakit sa puso if you still doing that" sagot ko naman.

"Take this shirt for a while. You can take off naman later kung hindi ka comfortable and throw it into the trashcan" pag-tetease pa rin ni kim sa akin.

"No way. May pakinabang pa ito gagawin kong basahan" balik asar ko naman.

"He! Sige na Ms. Irene, ang tamis mo na jan sa suot mo. Magpalit kana" pag-uutos sa akin.

Tinignan ko naman yung shirt na binigay ni kim at sa tingin ko wala namang mali sa damit. I'm about to unbottoned my blouse pero nagsalita si kim.

"Wa-wa-wait, May C.r po tayo Ms. Irene. You can use it naman" sabi nito habang nagtatakip ng mata.

Natawa ako sa reaction ni kim, hindi naman ako maghuhubad sa harapan niya. Ang gagawin ko sana na pagsabaying isuot yung shirt saka ko tanggalin yung blouse ko. Tsaka pwde naman siyang hindi tumingin saking maghubad divaaa? Mindset ba minset.

Nginitian ko lang siya saka ako pumasok ng kanyang banyo. Infairness ang linis ha. Ni wala akong makitang hibla ng buhok at ang bango. Ang luwang rin ng bathtub, mukhang kasya ang dalawang tao.

Meron ring tv rito na sakto lang ang laki para habang chill kang nakababad sa bathtub, nanunuod ka ng ano. Basta kung ano gusto mo. HAHAHAHAHAH

Naghimalos muna ako saka ako magpapalit ng damit. Wala akong pampunas ng mukha pero may nakasambay na towel malapit sa salamin. But before that, i will get permission muna kung pwde itong gamitin.

"Kim! can i use your towel?" Sigaw ko rito sa loob ng banyo. I hope naman na marinig niya.

"Yuuuh! You can use it" rinig kong sabi nito galing sa labas ng banyo.

Dali dali ko nang kinuha yung towel para punasan yung mukha ko. After nun nagpalit na ako. Now i see, kaya sinasabing baka hindi ako maging kumportable sa shirt na binigay ni kim dahil oversized ito.

But i look cute nung inayos ko ito. Nilagyan ko ng konting fashion. Tinali ko yung dulo nito hanggang sa pusod ko para hindi halatang mahaba, sa sleeves naman ayos lang yung haba.

"Oh ayan! Maayos na" mahina kong sabi sa sarili ko habang tinitignan ang reflection ko sa salamin. Hype beast lang kanina pero ngayon fashionable na.

Lumabas na ako ng C.R and i saw kim na may kinukuhang camera sa kanyang glass cabinet. Kinuha niya yung binigay kong camera sa kanya.

"It's that what i gave to you, right?" I asked dahilan na nagulat siya at napalingon sa akin.

"Aaah! Y-yes" sagot nito.

She is fixing the camera then ako naman kinuha ko na yung bag ko sa may couch para lumabas na ng kwarto at makabalik na sa baba. Maya-maya may biglang umilaw, and kim doing her favorite moves again. Kumuha na naman ng mga stolen shots of me.

"Hey! Puros stolen shots nalang ba?" I said.

Nginitian niya lang ako saka niya kinuha yung instax.

"So, I think eto yung gusto mo Ms. Irene" she said.

"Ha?" Confused kong tanong.

Lumapit siya sa akin saka niya tinutok yung instax sa amin.

"Smile!" she said.

Nilapit ko naman yung mukha ko sa mukha ni kim at ngumiti. Tsaka niya clinick yung camera.

Lumabas na yung film at ang cute namin. This is our first selfie.

"We're so cute Ms. Irene" saya nitong sabi.

Pinakita naman niya yung picture at ang cute nga namin.

"Wait! Is this my shirt? Oversized to e. Wow naman Ms. Irene galing niyo talaga sa mga fashion" pagpupuri sa akin ni kim.

Ilang minuto matapos pagmasdan ni kim yung picture namin, hinahanap naman niya yung phone niya at nakita niya iyon sa pocket ng kanyang uniform.

She take off her phone case saka niya nilagay sa likuran ng phone niya yung picture.

"O ayan! May picture narin ako sa inyo. Plus magkasama pa tayo. Akala niyo ba ikaw lang ang may ganito Ms. Irene" aniya niyo.

Dahil sa sinabi ni kim at yung ginawa niya narealize ko yung polaroid picture niya na nilagay ko rin sa likod ng phone ko.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon