EPISODE 45

453 23 0
                                    

Kim's POV

Another day na naman at magpaparty ako sa team ngayon. Walang plano dahil every planong nagagawa it's always become drawing kaya ngayon ko na gagawin.

Walang kaalam alam ang mga staff ko and even sa team ni ate dean. At alam kong pumasok silang lahat ngayon at susurpresahin ko sila mamayang hapon. Before that i messaged karla para masabihan ko siya na huwag munang uuwi dahil may pameeting ako sa kanila.

Umagree naman si karla para sa meeting na iyon because she has no choice naman para pumayag. HAHHAAHHA

I'm about to leave at nagpaalam na kila mama. It's 3pm na at mago-grecery pa ako ng mga foods at drinks para sa surprise party mamaya.

"Ma! Late akong makakauwi mamaya. Magpaparty ako sa shop, sabi ko sa kanila na babawi ako after ng event sa ilocos and i think ngayon na iyon at baka busy na naman ako sa work at hindi ko na naman sila matreat" paalam ko kay mama.

"Sige anak, basta huwag kayong magpapakalasing ha. Huwag na masyadong late sa pag-uwi dahil may mga staff kang babae. Naiintindihan mo ba, kimberlyn?" Mama said.

"Eto naman si mama, wala pang party nanenermon na" pang-aasar ko kay mama.

"Hay nako! Gusto mo bang makurot sa singit? Sige na, gumayak kana. Ingat sa pagdadadrive anak ha?" she said.

"Yes ma" paalam ko sabay halik at hug sa kanya.

Nagtungo naman agad ako sa grocery market para mamili ng mga pagkain. At sempre hindi mawawala ang beer.

Bumili ako ng six cases of beer dahil makakasama rin namin yung mga staff ni ate dean. Nakausap ko na rin si ate dean na pumunta sa shop para sa meeting. Nagpalusot ako na may event na naman kaming pupuntahan.

*FF

Nandito na kaming lahat sa shop, dito kami sa terrace dito sa taas ng building. Hindi ko pa dala yung mga pinamili kong alak at pagkain dahil susupresahin ko nga sila, divaaa?

Nagsimula na akong nagsalita kaya nagfocus na silang lahat sa pakikinig sa akin. Kinumusta ko lang sila, at inisa isa bawat staff kung ano yung pinaka the best na nagawa nila dito sa serbisyong ito at bakit they're still staying na magtrabaho sa akin.

All of their answers was appreciated. Naiyak ako sa lahat ng mga sinasabi nila na napakabuti ko raw. At dahil nagsstay pa sila sa work na ito kahit may mga work pang mas malaki ang sahod. They choose to stay dahil ayaw nila akong iwan at ayaw nila na baka hindi na nila mararamdaman yung tratong binibigay ko sa kanila ngayon kung sakaling umalis sila sa trabahong ito. At masaya raw sila sa ginagawa nila.

"Omg! Naiyak naman ako sa mga pinagsasabi ninyo. Nagsisisi ako na tinanong ko ito sa inyo" i said habang nagpupunas ng luha.

Nagtawanan lang naman sila sa sinabi ko at sumigaw ng.

"Dinner! Dinner! Dinner!"

"Ayan! Baka naman kaya ayaw niyo akong iwan dahil sa mga ganyan ninyo" sabi ko habang tinuturo turo sila.

"Walang dinner, pinaiyak niyo ako" pang-aasar ko.

"Nako ate, huwag ka ng mahiya" sabi ni rey.

"Aba! Ako pa ang mahihiya?" Tanong ko naman sa kanya.

"I need 3 boys, halikayo sundan niyo ako" sabi ko sa kanila habang naglalakad papuntang hagdan. May sumunod naman saking tatlong lalaki.

Bumaba kami para kunin yung pinamili kong pagkain for dinner at mga alak. Pinabuhat ko na sa kanilang tatlo yung mga pagkain at binuhat sa itaas.

"Hintayin niyo ako kukuha lang ako ng confetti" i said.

Mauuna ako sa kanilang aakyat para iputok yung confetti sa mga team.

"Mahilig ka na rin pala sa surprise ate kim" sabi sa akin ni jake.

"Bakit nasurprise ba kayong tatlo ngayon?" I asked.

"Yes ate, nasurprise kami sa nakita naming alak HAHAHAHAH" sabi uli ni jake dahilan na napatawa yung dalawa.

Malapit na kami sa terrace at pinahinto ko muna yung tatlo dahil may gagawin pa akong katarantaduhan. Nilagay ko muna yung confetti sa likod ko para hindi nila makita.

Nagiisip ako ng dahilan para pagalitan sila gusto ko pa silang iprank ngayon bago ko sila surpresahin. Wala akong maisip kaya kumuha ako ng suggestions sa mga mokong na ito.

"Sandali, may idea ba kayong pwdeng iprank sa kanila?" Tanong ko.

Matagal pa bago sila sumagot.

"Meron ako ate. Alam niyo po ba yung isang client na nag-inquire last week. At may pagkasungit yung client" jake explained.

"Oo, i know her. Si Mrs. Corpuz yun, at Sa next week na yung event niya diba?" i said.

"Ganito ate, sabihin niyo pong bukas na yung event at bakit walang dumating na update sa iyo na bukas na pala e sempre wala rin silang alam dahil ang alam nila next week pa yung event. Saka niyo lang nalaman dahil pumunta rito si Mrs. Corpuz para magreklamo" pagpapaliwanang uli ni jake.

"At sabihin mo sa huli na nandito yung client, tapos kami na yung bubungad with those foods and drinks" he added.

Umagree naman ako sa idea na iyon ni jake kaya agad agad na akong sumugod sa terrace habang yung tatlo maiwan muna rito.

"Basta hintayin niyo yung signal ko kung kailan kayo lalabas ha" i said.

Tumango tango naman sila bilang sagot. Naririnig ko naman silang maingay.

"Hey! Bakit ang ingay ninyo? Parang gusto niyo akong makitang magalit ngayon ha" Sabi ko with modulated voice.

Tumahimik naman sila at nagsiayos ng upo.

"Karla!" I said. Medyo lumalabas na yung galit ko rito para ramdam nila.

"Aware ka ba kung kailan ang event ni Mrs. Corpuz?" I asked.

"Sa next week po ate" she answered. Kalma palang itong sumagot.

"Makinig kayong lahat. Nakausap ko si Mrs. Corpuz at bukas na raw yung event?" Sabi ko with angry voice.

"At ni isa raw sa inyo sinabihan niya about sa pag-aadjust ng date ng event. At ni isa sa inyo walang nag-uupdate sa akin at maski kay karla!" I said.

Medyo nirevise ko yung paliwanag ni jake para mapaniwala ko silang lahat.

"Sumagot kayo kung sino iyon!"

"Bakit hindi kayo makasagot kanina ang daldal ninyo!"

Nararamdaman kong wala silang alam kung sino iyon kaya hindi sila sumasagot at wala naman talaga.

"Ano?! Walang sasagot?!"

"Akala ko ba masaya kayo sa ginagawa niyong trabaho? Eh bakit hindi niyo magawa ng mabuti yung mga trabaho ninyo? Ito ba yung masaya ninyong ginagawa na hindi sabihin yung mga updates ng client sa bawat isa at lalo na sa akin?"

Nakayuko na silang lahat at yung iba maiyak iyak na. At nagtuturuan kung sino yung pinagsabihan ni Mrs. Corpuz. Pero ako nagpapaka the best actress ako dito pero deep inside tawang tawa sa pinagsasabi at nakikita yung mg reaction nila.

"Ano wala talagang aaminin kung sino yung pinagsabihan ni Mrs. Corpuz!!!" Sumisigaw na ako sa galit.

To be continued.


WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon