Simula

133 1 0
                                    

MALAKAS na tunog ng cellphone ang nagpapagising sa inaantok na dalaga.

Pikit-mata niyang kinapkap ang phone sa ibabaw ng mesa na katabi lang ng kaniyang kama.

Nang makuha na niya ang phone ay sinagot niya ang tawag habang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

“Hello?" inaantok niyang bungad.

“Happy Anniversary, Gaily!”

Kaagad siyang napadilat nang marinig niya ang boses ng lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso noon pa man.

Nilingon niya ang maliit na kalendaryo na naroon sa bedside table. Petsa katorse ng Agosto. Ito ang araw na sinagot niya ang kaniyang nobyo. After 1 week nang bumalik si Gail noon galing sa ibang bansa ay niligawan siya ulit si Jett. It takes 6 months bago niya sinagot ito. At isang taon na pala mula nang sinagot niya ang binata.

“Still sleepy?" malambing nitong tanong.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. Ewan niya. Palagi silang magkasama pero palagi rin siyang kinikilig dito. Ganito siguro kapag in love na in love ka.

“Good morning, Jetty. Ang aga pa. Inaantok pa ako.” pagkukunwari niya. Humikab siya upang may effect.

Narinig ni Gail ang halakhak ni Jett. Ngumiti siya. Inaantok siya kanina pero nang marinig niya ang boses nito ay nawala agad ang kaniyang antok. Idagdag mo pa ang mga tawa ni Jett ngayon. Kay sarap ng umaga kung ganito ang bungad paggising mo.

Kung ganito lang naman ang bungad ng umaga ko, aba'y ayos lang kung palaging umaga, sabi ni Gail sa kaniyang sarili.

“My Gaily never changed. Still the old Gail. Hindi na po maaga, Mahal. 8:30 in the morning na, Babe. Bumangon ka na, Sweetheart. Ligo na, Darling. Huwag mong kalimutang kumain ng agahan, Langga. Susunduin kita riyan ngayong 9 am sharp, Baby. Maghanda ka na, Honeybunch, dahil may pupuntahan tayo ngayon, Love. Huwag ng matulog ulit, Honey. Kapag naabutan kitang tulog pa rin ay ako ang magpapaligo sa iyo, my Dear.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Gail. “Teka nga, Jetty. Lahat ba ng endearments na iyong binanggit ay itinatawag mo iyan sa mga kabit mo? Let's be honest here." seryoso niyang saad.

Kay raming tawagan na binanggit. Baka maraming kabit ito at inipon lang ang lahat dahil Anniversary nila ngayon? aniya sa sarili.

“Anong kabit?" base sa boses nito ay nagtataka na sa sinabi ng kaniyang nobya. “Ba't napunta sa kabit? Sinong may kabit?" dagdag ni Jett.

Bumangon si Gail at umupo. “Nanaginip nga pala ako.”

“Ano?"

“Ang dami mo raw babae." sagot niya.

“Heto ka na naman. Ayan ka naman sa mga panaginip mong may babae ako. Seriously, Gaily, araw-araw mo ba iyang napaginipan? Araw-araw mo na iyang sinabi sa akin."

“So, totoo?" nanghihinala niyang tanong.

“Oo." direktang sagot ni Jett.

“Ilan sila?”

“Marami. Hmmm. Gusto mo bang isa-isahin ko?”

Mas lalong nainis si Gail. Kay ganda ng umaga niya kanina pero sa isang kurap ng mata ay nagbago kaagad.

“No thanks.” walang gana niyang sambit.

“Pero gusto ko. Makinig ka sa akin, My Love.”

At ngayon ay My Love na naman ang tawag! Kinuha niya ang unan at sinuntok-suntok ito.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now