Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)

20 1 0
                                    

THE WEDDING DAY.

ABALA ang lahat ngayong araw.

Ang kasalang ito nina Jett at Gail ang pinamahalagang araw at pinakamalaking pagdiriwang sa pamilyang Braxton at Santillan.

Lahat ay imbitado. Ma-kamag-anak man o hindi. Ang ibang kadugo ng dalawang pamilya sa iba't ibang sulok ng Pilipinas na hindi makakapunta sa kasal dahil kapos sa pera ay ipinakuha mismo ng Van.

Ang mga kaibigan at kamag-anak ng mga ito na naninirahan sa ibang bansa ay umuwi upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Jett at Gail.

Tinagurian na ang kasalan na mangyayari ngayong araw ay nagsisilbing Best Wedding of the Year ayon sa sabi-sabi nila.

Ang mga abay kasama na ang dalawang taong ikakasal at mga magulang nito ay naroon sa Twin Building upang maghanda.

Sa first building ay ang Groom, Best Man, Groomsmen, primary at secondary sponsors na lalaki at mga ama ng dalawa.

Habang sa ikalawang building naman ay ang Bride, Maid of Honor, Bridesmaids, flower girls, primary and secondary sponsors na babae, ang mga ina ng dalawa, at mga coin, bible at ring bearer.

Pumasok si Cheska at Crystal sa isang kuwarto kung nasaan si Gail at Audrey. Naabutan nila ang bride na mini-makeup-an pa.

"Titas." nakangiting bati ni Audrey at nakipagbeso sa dalawang Ginang.

"Audrey iha, ayos na ba rito? "Ikaw, tapos ka na ba?" tanong ni Crystal.

"Opo, Tita. Si Gail na lang po pero malapit naman siyang matapos. Finishing na lang iyan. Then sa pagsuot ng gown."

"I see. So uuna kaming pupunta sa Simbahan tapos susunod kayong dalawa."

"Opo, Tita."

Pagkatapos makeup-an si Gail ay tumayo siya at hinarap ang dalawa niyang ina.

"Mommys."

Ngumiti ang dalawang Ginang at sabay na niyakap si Gail.

"You're so pretty today, Anak. Ngayong araw na kayo maitali ng anak ko. Masayang-masaya ako. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko. In a minutes, both of you will tie the knot. At hindi magtatagal ay maging isang Santillan ka na. Magiging opisyal ka ng parte sa pamilya namin." naiiyak na sambit ni Crystal.

Ngumiti si Gail habang ang mga mata ay unti-unti ng may namumuong luha. Siya rin naman. Sobrang saya niya. Ngayong araw na ito ang pinakahinihintay niya. Pinakahinihintay nilang dalawa ni Jett. At hindi na siya makapaghintay na maitali na silang dalawa ni Jett sa harap ng kanilang pamilya, mga kaibigan at sa harap ng Panginoon.

"Salamat, Mommy. Thank you so much for always supporting us, for treating me as your own daughter. I love you po." lumuluhang sabi ni Gail.

To the rescue si Audrey sa kaniyang kaibigan at kaagad pinunasan ang mga luha nito na dumadaloy sa kaniyang pisngi.

Audrey cannot blame Gail for being this emotional because she already on that state. Iyong feeling na sobra mong saya, excited, at naiihi dahil sa kaba. She's been there and she knew the feeling.

"Huwag kang umiyak diyan. Matutunaw ang makeup. Naku." Natatawang sambit ni Cheska.

"Don't worry, Ma'am. Waterproof po ang makeup na ginamit ko." sabad ng baklang makeup artist.

Sinadya nito na waterproof ang gagamitin na makeup para kung sakaling iiyak man o papawisan ang bride ay hindi matutunaw at masisira ang makeup. Sinadya nito para long lasting siya since hindi na nito mai-retouch si Gail kung nasa Simbahan na dahil tuloy-tuloy na ang seremonya.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now