Kabanata 11

24 1 0
                                    

Gail's Point of View

PAGKARATING namin sa nasabing restaurant ay naroon na ang mga magulang namin ni Jetty.

Mukhang napansin nilang nandito na kami kasi napatingin silang lahat sa amin. Lumapit kami sa kanila.

"Good evening po sa inyo." nakangiti kong bati pagkalapit.

Nagmano ako sa aking parents at sa parents ni Jetty. Gano'n din ang ginawa ni Jetty. Umupo ako sa gilid ni Mommy. Si Jetty ay umupo sa tabi ni Tita. Katapat ko siya ngayon.

"We already ordered foods. So let's eat." Tito said.

Tiningnan ko ang mga parents namin na nagsandok ng mga pagkain.

Napatingin ako kay Jetty nang makita kong nilagyan niya ng ulam ang aking plato.

"Thank you." sambit ko.

Kinuha niya ang kanin at nilagyan ang aking plato. Pagkatapos ay ang plato niya naman ang kaniyang nilagyan. Kinuha ko ang kutsara at tinidor. Ang dami nitong nilagay na pagkain ni Jetty sa plato ko.

Tahimik kaming kumain.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kompleto kaming lahat na kumakain sa isang hapag. My most favorite meal is when we are complete in dining where Jetty, his parents and also my Dad are present. Nakakaganang kumain kapag kompleto kami. Masarap na ang pagkain at mas lalo pang pinasarap kapag iyong kasama ay ang mga taong mahal mo.

"Siya nga pala may sasabihin kami sa inyo, mga Anak." biglang sabi ni Tito.

Napatingin ako sa kaniya. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Jetty.

"Ano po, Tito?" tanong ko.

Pinunasan niya ang kaniyang bibig ng table napkin.

"We decided na 3 months from now ang kasal niyo. Sakto rin na tapos na ang inyong bahay na pinasimulan ko ng ipinatayo sa panahong iyon at para rin matapos kami sa pag-prepare ng lahat." saad ni Tito.

Nagkatinginan kami ni Jetty.

"Atsaka,"

Nilingon ko si Daddy nang magsalita siya.

"We also decided to let you two live in the same roof." pagpapatuloy ni Daddy.

"Po? Bakit?" tanong ko.

"We want to test you two. It's a matter of testing you if you survive the life of cohabitation. We want you guys to explore the life of living together before tying the knot. Ginawa namin ito upang malaman niyo ang buhay mag-asawa. Para naman kung may alam na kayo ay makapag-decide na kayo kung gusto niyo pa bang ipagpatuloy ang inyong kasal. Kadalasan kasi na mangyayari kung deretso sa kasalan ay baka magkahiwalay lang agad kasi may mga bagay na hindi nagkakaintindihan na sumangkot sa away. Tapos baka mapunta sa physical violence." saad ni Tita.

"Payag po kayo, Mommy Chessy?"

Tiningnan ko si Mommy na katatapos lang uminom ng tubig.

"Actually, at first ay ayaw ko kasi ang pangit pakinggan na binabahay mo na ang anak ko habang hindi pa kayo kasal. Pero nang maisip ko na para rin ito sa inyong buhay in the future ay pumayag na ako. Gusto kong maranasan niyo kung gaano kahirap ang buhay mag-asawa. Gusto kong malaman niyo ang inyong responsibilidad sa isa't-isa." sagot ni Mommy.

Tiningnan niya kami ni Jetty.

"Gusto kong mas makilala niyo pa ang inyong sarili. We let you live together in the same roof to let you partially experience the life of having a husband or wife. To let you discover all your weaknesses, strengths, and personality na hindi niyo pa nalaman sa isa't-isa. Know the depth of your partner's soul and personality. That's very important. Mahirap tumira sa isang bubog na walang pagmamahal at hindi payapa. Your kids will be more affected." dagdag ni Mommy.

After the Sorrow 2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon