Kabanata 31

12 1 0
                                    

Gail's Point of View

SABADO ngayon kaya araw ng paglalaba.

Pagkatapos kong i-hanger ang lahat ng damit ay nag-inat ako. Ang sakit ng aking likod. Marami-rami din ang mga nalabhan ko. Ako lang ang mag-isang naglalaba dahil may iba ring ginawa si Jetty na mga gawaing bahay.

Jetty decided to get a housemaid, but I refused. Asawa ako kaya dapat marunong ako sa mga gawaing bahay, hindi iyong si Jetty lang. I also want us to grow together as husband and wife.

Pumasok ako sa kusina habang hawak-hawak ang isa kong balikat. Naabutan ko si Jetty na nakaharap sa mesa na kung saan may maraming tasa. Lumapit ako at tiningnan isa-isa ang lahat. Ano ito? Inamoy ko ang bawat laman ng tasa. Kape? Ba't ang daming kape?

Nagtataka ko siyang tiningnan. Nakahalukipkip siya habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa mga baso.

“Ba't ang daming kape, Jetty? Iinumin mo ba ang lahat ng ito?” naguguluhan kong tanong.

Kinagat niya ang gilid ng kaniyang bibig. “Gagawa ako ng sarili kong timpla na kape.”

Umupo ako. “Bakit? Anong purpose mo?”

“Sasali ako sa coffee contest next month. One of the criteria is the originality.”

Napatango ako.

“Gaily, tikman mo ang lahat kung alin ba ang masarap at may saktong timpla.”

“Itong lahat? Ang dami nito."

“Tikim lang.”

Kinuha ko ang isang tasa at sumimsim.

“How was it?” tanong niya kaagad.

“Good.”

“The taste?”

“Mapait na matamis. Just like the usual coffee.”

“Ito naman." Inabot niya sa akin ang isang tasa.

Ibinaba ko ang hawak kong tasa at tinanggap ang inabot niya. Sumimsim ako ulit.

“Does it taste better?”

“Gano'n pa rin, Jetty. Just the usual taste of coffee.”

“Ito ulit, Gaily.”

Sumimsim ako sa lahat ng tasang inabot niya. Sa sobrang dami ng mga nagawa niya ay para na akong adik sa kanto sa kakatikim.

“That was the last coffee I made. How's the taste?” nakangiti niyang tanong.

Everytime I sipped on the coffee that he made, he always asked me with a wide smile na tila ba isa akong hurado. His voice has a glint of hope and happiness.

Humalumbaba ako sa mesa. “Pareho lang naman ang timpla, Jetty.”

“Hindi kaya. Tinikman ko ang lahat ng ginawa ko at may pinagkaiba sila.”

“Anong pinagkaiba roon? Pareho lang naman iyang kape. Wala akong kahit ano pang natikman na ibang lasa bukod sa kaunting pait at tamis.”

“Mayro'n talaga, Gaily. There's a difference. Tikman mo ulit.” Inabot niyang muli sa akin ang isang tasa.

Tinanggap ko at sumimsim ulit. “Mapait na matamis kagaya kanina. Wala namang pinagkaiba.” Ibinaba ko ang tasa. “Alam mo, Jetty, sa rami nitong kape na ipinatikim mo sa akin ay mukhang hindi na ako makakatulog mamaya.” Inikot-ikot ko ang aking isang braso.

Napatingin siya sa aking braso. "Does it hurt?” Turo niya sa braso ko.

“Hindi. Medyo ngalay lang.”

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now