Kabanata 44

24 1 0
                                    

Gail's Point of View

MALAKAS na hagulgol ang nagpagising sa akin.

Wala na si Jetty sa tabi ko. Bumangon ako at pupungas-pungas na lumabas ng kuwarto.

"Anong nangyari?" nagtataka kong tanong nang makitang ang daming tao rito sa labas ng kuwarto.

They are all crying while looking inside my Lola's room. Patuloy pa ring may humagulgol nang malakas galing sa kuwarto ni Lola at alam ko kung kaninong boses iyon. Kay Mommy. What happened?

"L-Lola Tazya is dead."

Napatigil ako sa kaniyang sagot. Ano? Hindi maaari. No. Hindi ito totoo.

"Nang gisingin siya ni Auntie Cheska kanina ay hindi na gumising. Wala na si Lola." She cried.

Kaagad akong pumasok sa loob ng kuwarto. There. I saw my Lola sleeping so peacefully like nothing happened. Like she's just sleeping. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko. My Mom is hugging Lola while weeping so hard and loud.

"L-Lola..." Naglakad ako papalapit sa kama at hindi ko alam kung lakad pa ba ang tawag do'n kung halos hindi na umisod ang aking mga paa.

Last night, she shared about how happy she was that we are all complete. She was happy. Even her eyes speaks happiness. Hindi ko akalain na iyon na pala ang huli naming pagkakataon na makausap siya, mayakap, at mahalikan. Iyon na pala ang pagkakataon na huli namin siyang makasama na buhay.

Umupo ako sa kaniyang tabi at niyakap din siya. I cried her name. Ang Lola ko. Wala na ang Lola ko. Tuluyan na kaming iniwan ni Lola.

I felt some hands caress my back. I knew it was Jetty's hands.

"Ma... Mama..." My Mom continued to weep.

Then, isang malakas na hiyaw ang bigla kong narinig. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong si Lola Trining iyon, ang kapatid ni Lola. Nakasakay siya sa wheelchair habang tulak-tulak sa umiiyak na si Nimfa.

Tumayo ako upang makalapit si Lola kay Lola. Yumakap ako kay Jetty. Patuloy siya sa paghagod sa aking likod. Walang tigil sa pag-iyak si Mommy. Namamaos na ang kaniyang boses sa lakas niyang pag-iyak.

Ang sakit mawalan ng Lola. Umuwi kami rito upang makasama siya. We planned to stay here longer, so that we can be with her longer, too. Pero anong nangyari? Makakasama nga namin siya nang matagal pero sa lamay at sa huling hantungan niya naman.

+++++++

AFTER a week of wake, inihatid namin si Lola sa huli niyang hantungan. Inilibing namin siya sa publikong sementeryo.

Araw-gabi ay walang tigil sa pag-iyak si Mommy. Halos hindi na siya natulog at palagi lang nakaharap sa kabaong. Hanggang ngayon na nailibing na si Lola ay gano'n pa rin siya. Iyak nang iyak. Si Daddy ay nasa tabi lang niya palagi. Tahimik na niyayakap si Mom. And that was also Jetty did to me. He didn't say a word, he just stayed by my side and hugged me until I cry no more.

Biglang lumapit si Mommy sa akin. Magang-maga ang mga mata. "Umuna na kayong umuwi sa Maynila. Dito muna ako. I'll stay here for 2 months. Gusto ko munang ilagay sa tamang lagayan ang lahat ng mga naiwan ni Mama rito."

Niyakap ko siya. "Dito lang din muna ako, 'mmy."

She hugged me back. "Hindi puwede. Kailangan mong magpa-check up sa doktor. You have to visit your doctor for prenatal check-up. Alagaan mo ang apo ko. You've been so stressed lately."

"Sino ang kasama mo rito? Si Daddy?”

“May trabaho siya kaya uuwi rin. But he promised that he would visit me twice a week.”

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now