Kabanata 47

33 2 0
                                    

Gail's Point of View

“Hi there, little one ni Mommy. How are you?” buong pagmamahal kong hinaplos ang aking tiyan.

“Whisper it to Mommy ha if you want something to eat. Mommy and Daddy loves you so much, little one.”

I looked myself at the mirror. May maliit ng umbok. Pero hindi pa rin siya ganoong halata na buntis ako. Nakangiti kong kinuhanan ng larawan ang aking hubad na katawan. I am only wearing two piece. I planned to take photos of my tummy every week. Gusto kong subaybayan ang paglaki ng little one ko sa aking tiyan.

Biglang bumukas ang pinto. Nakita ko sa aking likod si Jetty. Niyakap niya ako galing sa likod at itinukod ang kaniyang baba sa aking balikat.

Humawak siya sa tiyan ko. “Hi, little one.” Hinaplos niya.

I took photo of us. Hindi na ako makapaghihintay pang lumabas ang little one namin. Araw-araw kong hinihiling na sana tatakbo nang mabilis ang panahon. Iyong maging 9 months na, tapos manganak ako at sa wakas ay masisilayan na namin ang aming little one.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Dim light. Lying in bed while facing Jetty. It was all just a dream. Panaginip lang pala iyong buhay pa ang little one ko.

Naninikip ang aking dibdib at nagsimula na namang nanubig ang mga mata ko. Tatlong linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makalimot. Ang sakit pa rin. Sobrang sakit mawalan ng anak na hindi mo pa nga nasilayan.

Tumalikod ako ng higa sa kaniya at bumaluktot. Magmula nang makunan ako ay palagi kong natatagpuan ang aking sarili na magigising sa madaling araw dahil sa isang panaginip. Isang panaginip na kung saan buhay pa ang anak ko. Na kung saan namumuhay pa siya sa aking sinapupunan. Na kung saan palagi pa naming kinakausap ni Jetty ang aking tiyan. And then, I always found myself weeping silently.

Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang mga tunog ng iyak ko. Hindi ko na napigilang hindi mapahagulgol. Patuloy kong sinisisi ang aking sarili sa nangyari. Kung nag-iingat ako ay siguro hindi mangyari iyon. I should be more careful. I am nothing, but a dumb woman. A useless wife. And a killer mother.

Biglang may kamay na yumapos sa tiyan ko. And Jetty is always like this. Magigising ako tuwing madaling araw. Iiyak ng tahimik. Tapos bigla siyang mangyayakap sa akin. He doesn't say a single word. He just hugged me as if he wanted me to feel that I am not alone. That he's just here beside me. That I have someone at this dark and weakest point of my life.

“Gusto mo bang maglakad-lakad?” malumanay niyang tanong pagkaraan ng mahabang minuto.

Tumango ako. I want to breath some fresh air right now. I've been isolating myself after I lost our little one. Palaging nakatulala sa kawalan. Dinadalhan niya lang ako ng pagkain dito sa kuwarto. Sinusubuan. Inaalagaan at minsan ay pinapaliguan. I lost my purpose. I lost my purpose after my little one had gone. I lost my purpose as a woman. I just want to stop living.

I would say that Jetty become my feet, my hands, and my strength. He always helped me to stand up. He helped in numerous things.

Inalalayan niya ako sa pagbangon at pinasuot ng jacket. Hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na siya. He kissed my forehead and steadied his lips there.

My Mom always visit me. Both our parents visits me, but I don't have guts to face them. Tuwing bibisita silang lahat ay hindi ako bumaba upang kausapin sila. Hindi ako nagbubukas ng pinto. Nahihiya ako. Pinatay ko ang kanilang kauna-unahang apo. I am ashamed of myself.

Para lang akong naglalakad sa hangin ngayon. Nakatulala sa daan. At ang isip ay lumilipad sa anak ko. Nanunubig na naman ang aking mga mata. My eyes does not stop producing tears. Marami na akong luha na nailabas magmula nang malaman kong nakunan ako, pero hanggang ngayon ay may mga luha pa ring tumulo.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now