Kabanata 46

27 1 0
                                    

Gail's Point of View

MASUYONG haplos sa aking buhok ang napadilat sa akin.

Bumungad sa mga mata ko ang mukha ni Jetty. Nakatitig siya sa akin at tila wala sa sarili.

“J-Jetty.” nanghihina kong sambit.

Wala akong lakas. Tila naubos ang lakas ko. Gusto ko siyang abutin pero hindi ko magawa dahil walang lakas ang mga kamay ko na para bang may malaking kadena na nakakabit.

Ngumiti siya. Not the usual smile. Parang may mali. I know.

“You‘re awake.” He kissed my lips. “Hindi ka nakakain ng tanghalian. What do you want to eat? Bumili si Mommy kanina ng mga pagkain. Nagpabili rin ako ng lechon kawali. Gusto mo bang kumain?”

Tumango ako. Inalalayan niya akong makaupo. Yakap-yakap niya ako habang nilalagyan ng mga unan ang aking likod. Pagkatapos ay dahan-dahan niya akong isinandal doon.

“Alam kong wala ka pang lakas umupo ng mag-isa kaya iyan. Sandal ka muna. Kukunin ko lang ang mga pagkain.”

Tinitigan ko si Jetty. Sinisiyasat kung may mali ba sa kaniya. Parang may mali talaga. I could feel it. Nararamdaman kong may mali sa kaniya. Ang tamlay ng kaniyang boses na pinipilit niya lang pasiglahin. Ang malungkot niyang ngiti na tinatakpan niya ng masayang ngiti. Kilala ko si Jetty. Kilalang-kilala ko. He's wearing a mask. I know something is wrong with him.

“Jetty.”

“Hmm?”

“May sakit ka ba?” tanong ko.

Ngumiti siya. Ngiting pinipilit. “Wala naman. Bakit mo natanong?” he responded without looking at me.

“You sure?”

Umupo siyang muli sa kama. “Oo.” He kissed my lips again. “May sasabihin pala ako sa iyo mamaya.”

Tumango ako. “Anong oras na pala?”

He looked at his wrist watch. “10 pm na.”

Humawak ako sa aking puson. “Gutom na ba ang little one ni Mommy at Daddy? Sorry. Napatagal ang tulog ni Mommy. Subuan mo ako, Jetty. Please.” Ngumanga ako.

Tumitig siya sa akin ng matagal bago ako sinubuan.

“Why am I bleeding, Jetty? May nabali bang buto kaya gano'n?”

“Walang nabali. Inabunuhan ka ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa iyo.”

Tumango-tango ako. That's good to hear. “So, ba't ako dinudugo?”

Bumuntong hininga siya. Tinitigan niya ako sa mata. “Ano ang nangyari kanina? From the very start.” seryoso niyang ani.

Nilunok ko muna ang aking kinain. “May mga batang nagtatakbuhan kanina. Tapos biglang nabangga nila ang tumpok ng karton. May batang babae na malapit sa karton kaya sinagip ko dahil kung hindi ko gagawin ay alam kong mababalian siya. Sobrang bigat ng karton, Jetty. Ang sakit nang tumama sa likod ko. Then suddenly, I was bleeding and suffering from intense pain.” kuwento ko habang inaalala ang nakakatakot na pangyayari kanina.

Akala ko ay mamamatay na ako kanina. Sobrang sakit ng aking puson at sobrang dami na ring lumabas na dugo sa akin.

Inilapag niya ang plato sa kama at humawak sa dalawa kong kamay. Bumuntong hininga siya ng paulit-ulit. Sobrang seryoso niya.

“Gaily...”

“Oh?”

“May sasabihin ako sa iyo.”

“What is it?”

Humugot siya ng malalim na hininga at marahas itong ibinuga. Nakatitig siya sa mga kamay namin na magkahawak habang pisil-pisil niya nang marahan ang mga kamay ko. Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin siya nagsasalita.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now