Kabanata 32

9 1 0
                                    

Gail's Point of View

PAULIT-ULIT kong pinindot ang call button. Jetty is not answering my calls, nor text.

These past few weeks, he rarely gave me time and attention. Maaga siyang aalis tapos gabi ng uuwi. Kadalasan ay hindi ko na talaga siya maabutan.

Minsan sa isang linggo kaming hindi magkikita dahil kung aalis siya sa umaga ay hindi ko na siya maabutan at kung uuwi siya ay sobrang late na. Tulog na tulog na ang diwa ko. Kahit anong gawin kong hintay sa kaniya ay hindi ko kaya dahil sa sobrang antok. Minsan ay nakatulugan ko na lang sa sala sa kakahintay sa kaniya tapos paggising ko ay nasa kuwarto na ako.

Pabagsak akong umupo sa tabi ni Mommy. Umuwi ako rito ngayon sa bahay. Kahit gabi na ay pumunta ako rito. Ayokong matulog sa bahay namin. Naiinis ako kay Jetty. Nagtatampo ako sa kaniya. Alam ko namang busy siya pero kahit isang minuto man lang.

“Gabi na, babae. Ba't ka pumunta rito? Umuwi ka na sa inyo.” sambit ni Mommy.

She's watching movie and eating popcorn.

I lay on her lap. “Dito ako matutulog ngayon.”

Wala rin namang saysay kung uuwi ako ngayon dahil para lang naman akong walang kasama sa bahay.

“May sarili kang bahay. Umuwi ka na. Naghihintay ang asawa mo sa inyo.”

Umismid ako. “Hindi iyon maghihintay kasi palagi iyong late umuwi.” Inilagay ko ang aking isang kamay sa noo. “Busy ang Jetty ko, Mommy, kaya rito muna ako ngayon. Matutulog na ako. Namiss kong humiga sa hita mo po." pumikit ako.

Hinihintay na ako ng asawa ko sa bahay? Asa. Ako nga ang palaging naghihintay sa lalaking iyon.

Narinig ko ang kaniyang buntong hininga. “Nag-aaway kayo, ‘no?” tanong niya.

“Hindi. Wala.”

Paano kami mag-aaway kung halos hindi na kami magkikita at magkakausap?

Mukhang pinatay niya ang palabas dahil wala na akong narinig na nagsasalita.

“Gail anak, hindi ka pupunta rito kung wala lang. Unang tampuhan ba ito magmula ng maikasal kayo?”

Hindi ako sumagot. Ang bilis maka-detect ni Mommy. Wala akong planong sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Wala akong balak sabihin sa kaniya na nagtatampo ako sa asawa ko. Pero heto si Mommy. Alam kaagad.

“Hindi maiiwasan na magkaroon ng away at tampuhan ang mag-asawa, Anak. Kung nagtatampo ka sa asawa mo ay sabihin mo kaagad sa kaniya ang dahilan ng iyong pagtatampo bago pa lumala iyan at humantong sa away. Communication is important. Mag-asawa na kayo kaya sabihin mo sa kaniya kung ano ang tunay na nararamdaman mo ngayon para may alam siya.” malumanay na sabi ni Mommy.

Paano ko sasabihin kay Jetty kung wala ng komunikasyon ang nangyari sa amin? Even note na nakasanayan niyang gawin noon ay wala man lang. Tuwing umaga ay pagkain na lang ang nakahanda sa mesa. Hindi ko na naranasan na sabay kaming dalawa na kumakain. Is this just normal o baka nasanay lang ako sa mga pinanggagawa niya tapos ngayong wala na ay naghahanap na ako?

“Both his Dad and your Dad trained him. He will be the one to takeover our businesses. Mag-isa lang kayong mga anak namin at dahil lalaki si Jett kaya roon ibinigay sa kaniya ang responsibilidad, Anak. Hindi madali ang ginagawa ng asawa mo. Understand that you marry a man who came from a family of business. Expect that he has no time for you. You marry a busy man.”

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mommy. Noong nakaraag buwan pa sinanay si Jetty sa larangan ng negosyo. At doon din nagsimula na wala na siyang oras sa akin. Ngayon pa nga lang na trainee pa siya ay wala na siyang oras sa akin. How much more kung siya na mismo ang mamamalakad sa lahat ng negosyo?

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now