Kabanata 18

16 1 0
                                    

Gail's Point of View

NAKANGITI kong pinapanood si Jetty na pinipedikyuran ako.

Ito ang consequence nang matalo ko siya sa padamihan ng kain noong nakaraang araw.

Kinuha ko ang cellphone sa aking gilid at vinivideohan siya.

"Ang seryoso ng Jetty ko. Focus na focus sa pagpi-pedicure. Ayusin mo ang pag-cut ng mga kuko ko."

Para talaga siyang tunay na pedikyurista at manikyurista ngayon. Tutok na tutok sa kaniyang ginagawa. Ang isang paa ko na pinuputulan niya ng kuko ay nakapatong sa kaniyang tuhod.

"Patingin nga sa mukha ng pedicurist man ko."

"Huwag kang magulo, Gaily. Baka mamali ang pagputol ko ng kuko mo."

Inilapit ko sa kaniya ang camera.

"Gusto ko lang tingnan ang guwapo mong mukha. Tingin na."

He looked at me with a long face.

"What's with that face." Natatawa kong sabi. Inabot ko ang kaniyang buhok at sinuklay. "Ang guwapo ng Jetty ko. Pahalik nga sa noo." Dumukwang ako sa kaniya at patunog na hinalikan ang noo niya.

His face suddenly lightened up. From long face to smiley face.

"Ayun. Ngumiti na. Mas lalong gumwapo." Hinawakan ko ang kaniyang baba at pinisil nang bahagya. "I love you always, my Jetty."

Tiningnan ko siya sa mata habang tutok na tutok pa rin ang camera sa kaniya.

Inipit ko ang kaniyang magkabilang pisngi ng hintuturo at hinlalaki ko.

"Thank you for making my days complete. Kahit ang gago mo. Baliw. Tarantado. Manyak. Ang hilig mang-asar."

Tumawa siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kaniyang pisngi.

"Above all, you're the only one that matters to me." I continued while looking at him lovingly.

Hinalikan niya ang bawat daliri ko sa kamay. Kinagat niya bigla ang isang daliri ko kaya napukpok ko sa kaniyang noo ang cellphone.

"Aray ha!" daing niya.

"Marami kang rabies sa katawan. Huwag mong kagatin."

"We exchanged saliva everytime we kissed. You even swallowed. So may rabies ka rin." sabi niya habang nakahaplos sa noo niyang napukpok ko.

Itinutok ko pabalik sa kaniya ang camera.

"Kita mo iyang si Jetty. Ang sweet sweet ng sinabi ko kanina pero nang-iinis na naman ngayon."

Itinulak ko nang mahina ang kaniyang noo ng hintuturo ko. "Hoy, Jetty, kadiri ka sa nilunok na part ha."

"Totoo ang sinabi ko. Kung maghahalikan tayo ay may oras ka pa bang dumura?"

"Tumahimik ka nga, Santillan. Pasmado talaga iyang bibig mo."

Tumawa siya.

"Gaily, may ipaparinig ako sa iyo."

Hinawakan ko ang noo niyang namumula dulot sa pagkakapukpok ko kanina at hinaplos ito. "Ano? Sa camera ka titingin ha kung may sasabihin ka." Inayos ko ang pagkakatutok ng camera sa kaniya.

Tumingin siya sa camera at tumikhim. Akala ko may sasabihin siya pero bigla siyang umutot ng sobrang lakas ng tunog.

Kaagad kong tinakpan ang aking ilong at sinipa siya. Inilagay ko ang cellphone sa aking gilid.

"Kadiri ka, Jetty! Ang baho ng utot mo! Kadiri ka! Sa harap ko pa talaga!" atungal ko at tinakpan ang aking ilong ng dalawa kong kamay.

Humagalpak siya. Halos mamula-mula na ang kaniyang mukha sa kakatawa. High blood ata itong si Jetty kasi namumula ang mukha.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now