Kabanata 30

16 1 0
                                    

Gail's Point of View

BALIK trabaho na naman pagkatapos ng lahat. As usual sobrang abala kami ngayon dahil maraming customers.

Nakangiti kong inilapag ang isang tray sa table 5. “Here's your order, Ma'am, Sir. Enjoy.” masaya kong sabi.

Ngumiti ang babae sa akin. “I saw your wedding in Tv. Congratulations.”

“Thank you so much po. Excuse me.”

Tumalikod ako at tumingin sa counter. Tutok na tutok si Jetty sa paghanda ng mga order ng customers. Hindi man lang dumako ang kaniyang paningin sa ibang direksyon.

Mukhang naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya dahil napatingin siya sa puwesto ko. He automatically smile after he saw me. I smiled back. Itinaas niya ang kaniyang kamay at sinenyasan akong palapitin. Lumakad ako at pumasok sa counter.

“Exhausted?” tanong ko pagkalapit.

Lumabi siya at tumango. Nag-squat siya ng upo sa sahig at gano'n din ako.

“I'll massage you when we got home.”

“I don't need your massage, Gaily. I want your tight hug and kisses.” nanlalambing ang boses niyang sabi.

Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa sahig at hinalikan siya sa labi.

“I want more.”

I kissed him again.

“Ang sarap. More.” Pumikit siya at ngumuso.

Ngumisi ako at dinampian siya ulit ng halik.

“Can't get over. Want more. Please.” mas lalo niya pang inginuso ang kaniyang labi.

Napatawa ako nang bahagya at mahinang pinitik ang kaniyang labi. “Tama na. Nandito tayo sa shop.”

Dumilat siya. “Wala namang makakita sa atin kasi nandito tayo. Sige na. Last five kisses.”

Dinampian ko ulit ang kaniyang labi ng anim na halik.

“Ayan. Ginawa ko ng anim.”

“Kulang pa. Another five kisses. Last na talaga.” ngumuso siya.

Nakangiti kong pinitik muli ang kaniyang labi. “Tama na. Sa bahay na ang iba. Sa banyo lang ako.” Tumayo ako.

“Iba ang sa bahay at iba rin dito, Misis.”

“Tumayo ka na riyan.” Tumingin ako sa mga customers. “May mga mesa pang hindi nabibigyan ng order.”

“Kiss lang eh. Damot.”

“Sa bahay nga ang ibang halik.”

“Ngayon ang gusto ko.”

Nameywang ako. “You sure?”

Tumingala siya sa akin at tumango.

Umupo akong muli sa kaniyang harapan. “Ipagpapalit mo ba ang halik ngayon dito kaysa sa mangyayari mamaya sa bahay?” makahulugan kong tanong.

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at tumitig sa akin. Mukhang iniisip niya ang ibig kung sabihin.

“Ano? Ayos lang sa akin. Basta ba sa pag-uwi natin ay walang----”

“Okay. Okay. Okay.” ngumisi siya. “Sa bahay na ang iba. Sa bahay na. Joke lang ang sinabi ko kanina.” Tumayo siya at nag-inat. “Ano ka ba naman, Misis ko, of course, hindi ko ipagpapalit ang mangyayari mamaya.” Humarap siya sa ginawa niya kanina.

Ngumisi ako. Pinalo ko ang kaniyang puwit at pinisil. Namimilog ang kaniyang mga mata na napalingon siya sa akin.

“Gaily... You...”

After the Sorrow 2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon