Kabanata 14

16 1 0
                                    

Gail's Point of View

NAKAHIGA ako sa kama habang naglalaro ng tong-its nang biglang tumawag si Jetty.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello. This is Chamika Gail Braxton speaking from Braxton residence. How may I help you?" bungad ko.

Narinig kong tumawa siya. "Umm can I order, Ma'am?" pagsakay niya sa biro ko.

"Sure, Sir. What is it?"

"Can I order Chamika Gail Braxton and soon to be Mrs. Santillan?"

Napangiti ako sa sagot niya. Walang araw na hindi ako mapapangiti sa Santillan na ito!

"Exclusive to one person lang po ang inorder niyo, Sir."

"Gano'n ba? May nagmamay-ari na ba sa Chamika na iyan? Who's that person?"

Tumagilid ako ng higa. "Yes, Sir. Mayro'n na po. Pasensiya na."

"Oh well, can I double the price? Baka gusto mong edoble para mapasaakin na ang Chamika na iyan, Ma'am."

Ramdam kong nakangiti na ang Jetty na ito. Kagaya ko ngayon na halos mapunit na ang aking labi sa kakangisi.

"You can't double the price, Sir. Last time that the buyer said that Chamika Gail is expensive to the point that no one could afford."

"Oh yeah. Who's that lucky buyer?"

Inilagay ko ang isang unan sa gitna ng aking mga hita. "The one and only Jett Santillan." nakangiti kong sagot.

"I knew it. So, hindi na talaga magbabago ang isip mo, Ma'am? Kahit triplehin pa natin ang presyo?"

"Oo, Sir, eh. Hindi na talaga. Sa kaniya na talaga itong Chamika Gail."

"Ohh. What a lucky buyer." sambit niya.

Tumawa ako. "Jetty, ba't ka nga pala tumawag?"

"Gusto kitang isama."

Tumihaya ako ng higa. "Saan?"

"18th birthday ng anak ng business partner ni Daddy. Invited kami."

"Kayo lang naman ang invited. Ba't kailangan mo pa akong isama?"

"Ma-bo-bore ako roon. Kung kasama kita ay hindi. Ayoko talagang sumama sa mga ganito. I'd rather stay at home, playing games or chatting and talking to you via phone than attending that event. Ang kaso sabi ni Daddy na kailangan daw akong sumama." sagot niya.

"Hindi ko alam kung papayagan ba ako."

"Nagpaalam na ako sa kanila at pumayag sila."

"Ang bilis mo naman. Hindi pa nga ako pumayag tapos nagpaalam ka na." ani ko.

"Gusto kong magpaalam muna sa mga magulang mo bago ko sabihin sa iyo." saad niya.

"Ang mga magulang ko ba ang sasama sa iyo?"

"Hindi. Pero sila ang dahilan kung bakit may ikaw. Pagmamay-ari ka nila kaya gusto kong hiramin kita mismo sa kanila. Ayokong nakawin ka."

Napatango ako. He has a point. Mas mabuti na rin ito upang alam ng mga magulang ko kung sino ang aking sasamahan at sino ang taong pagkakatiwalaan nila.

"Ayokong nakawin ka, Darling, kasi minus pogi points." dagdag niya.

Napatawa ako. "Bakit minus pogi points? Bakit? Pogi ka ba?" pang-aasar ko.

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Walang Santillan na pangit. Nananalaytay na sa aming dugo ang kagandahan at kagwapohan." mayabang niyang sagot.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now