Kabanata 51

63 1 0
                                    

Gail's Point of View

HINDI pa umabot ng ilang segundo ay sinagot niya kaagad ang tawag ko.

Huminga ako ng malalim. “Hello, Jetty.” bungad ko.

“Hi. On mo ang camera. Video call tayo.”

Sinunod ko ang kaniyang sinabi. I saw him eating sandwich. Just by looking at him made me cry. A part of me ay naniniwala na inosente siya. Wala siyang ginawang masama. And there's also a part of me believes what Janey said.

Ngumiti siya at uminom ng tubig. “Kumusta ka riyan? Bukas ay uuwi ako. May mga pasalubong na akong binili.” the camera shifted to a huge plastic on the bed.

“Thank you, Jetty. Puwede bang ngayon ka uuwi?” my voice broke.

Huminto siya sa pagkain. “May nangyari ba? Tell me.”

Ngumiti ako. “Wala. Gusto lang kitang umuwi. Miss na miss na kita. Gusto kitang yakapin."

Pumungay ang kaniyang mga mata. “I missed you, too. Gusto kong umuwi ngayon, Gaily. Pero wala akong masasakyan. Ang kotse ay pinaiwan ni Dad sa kompanya. Isang sasakyan lang ang sinakyan namin papunta rito sa Davao.” tumingin siya sa kaniyang wrist watch. “5 sharp in the morning ay magsimula na naman kami sa trabaho.”

Tumango ako. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil naiiyak ako. Kahapon pa ako ganito. I broke down again.

“Gabi na. Iyang sandwich lang ba ang dinner mo?” tanong ko.

“Yeah. Ito na lang ang available rito. Pagod akong bumili ng pagkain sa labas kaya ito na lang.” Lumakad siya habang dala-dala ang cellphone.

“Unhealthy iyan.”

Humiga siya sa kama. “Ngayon lang naman. Ikaw riyan? Kumain ka na ba? Healthy foods?”

Tumagilid ako ng higa. “Oo. Kanina pa.”

“Gaily...”

“Hmm?”

“Ayos na ba tayo? Pinapatawad mo na ba ako?”

Ngumiti ako at tumango. Pinapatawad ko na siya. Asawa ko si Jetty. May pangako kami sa isa't-isa at ayokong baliin iyon. Kahit totoo ang sinabi ni Janey o hindi ay hindi ko iiwan si Jetty. Hindi dahil mahal ko siya kun'di ayokong bigyan ng satisfaction ang babaeng iyon. I don't want her to be happy that she broke us apart. I will stay with Jetty, hanggang sa atakihin si Janey sa puso. 

“Oh God! Uuwi ako ngayon.” Bumangon siya. “Magpapaalam ako kay Dad na uuwi ako at gagamitin ko ang koste niya. Teka lang.”

“Huwag na.” pigil ko bago pa man siya makatayo. “Bukas ka na naman uuwi. Maghihintay ako sa iyo rito sa bahay.”

“I love you. I love you so much. I love you so much, Gaily ko.”

Tinakpan ko kaagad ang camera nang biglang may luhang tumulo. Sa oras na ito ay hindi ko alam kung totoo pa ba ang kaniyang sinabi na mahal niya ako. Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Ang mga sinabi ni Janey ang palaging bumabagabag sa akin. Halos hindi na ako makatulog sa sobrang pag-iisip.

Iyong bigla na lang kakabog ang puso mo dahil sa kaba. Iyong bigla na lang tutulo ang mga luha mo. Iyong makita mo na lang ang iyong sarili na nakatitig sa kawalan. Iyon ang napagdaanan ko ngayon. At this moment, I don't feel the assurance that Jetty gave me before. The assurance has no weight anymore. Mas nangingibabaw ngayon ang duda, sakit at lungkot na nararamdaman ko kaysa sa pagmamahal.

“Gaily?”

I moved my hand away from the camera. “I love you too, Jetty.” I smiled.

“Akala ko kung napa'no ka na riyan.”

After the Sorrow 2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon