Kabanata 2

25 1 0
                                    

Gail's Point of View


KAAGAD akong napanganga dahil sa pagkamangha.

Napakapayapa ng lugar na ito at sobrang sariwa ng hangin na iyong malalanghap.

Para kaming nasa tuktok ng bundok dahil sobrang dahilig ng dinadaanan namin nang tumungo kami rito.

Patag dito sa kinatatayuan namin. Mga iba't-ibang nagtataasang puno lamang ang iyong makikita at mga huni ng ibon ang iyong maririnig na sobrang soothing sa tainga.

Overall, this place is exquisite! It is fresh, peaceful and calm.

Nilingon ko si Jetty na ngayo'y inilatag ang picnic blanket sa damuhan.

“Jetty!”

Lumingon siya sa akin.

“Kunan mo ako ng larawan. Dali!” nakangiti kong saad.

“Sure.” Umayos siya ng tayo.

Kinuha niya ang kaniyang phone sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Itinaas ko ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng aking ulo na tila wini-welcome ko ang lugar na ito. Sa likuran ko ay ang mga puno.

“Ready?" tanong niya.

“Oo.”

Ngumiti ako sa camera.

“Okay. 1, 2, 3, I love you, Gaily!"

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko nang ibigkas niya ang mga salitang iyon.

“Beautiful!” bulalas niya habang nakatingin sa kaniyang phone.

Patakbo akong lumapit sa kaniya. “Patingin! Patingin nga.”

Humawak ako sa kaniyang kamay na nakahawak sa phone at ipinatagilid ang phone paharap sa akin upang matingnan ko ang larawan.

Kay laki ng ngisi sa aking labi rito.

“Tayo naman.” ani ko.

“Paano?”

Kinuha ko sa kaniya ang phone. “Ako ang mag-set ng camera. Sobrang dali lang.”

Lumapit ako sa kinaroroonan ng picnic basket. Kinuha ko ito at dinala pabalik sa kinaroroonan ni Jetty.

Tiningnan ko siya. “Watch me and you'll see magic.” kinindatan ko siya.

Ngumisi siya. “May magic power ka?”

“Oo.”

Umupo ako at hinarap ang picnic basket. May takip naman ang basket na ito kaya roon ko ipinatong ang phone. Isinandal ko ang likod ng phone sa holder nitong basket upang makatayo ito ng maayos.

“E-magic mo nga na may mini me at mini you ngayon para magkaroon tayo ng family picture.” saad niya.

Binuksan ko ang kaniyang phone. Napangiti ako nang makita na ang larawan kong nakangiti ang lock screen wallpaper niya.

“Ibang usapan naman iyan eh. Hindi madala-dala sa magic power ko na gumawa ng bata.” sagot ko.

Tinipa ko ang password at na-unlock ito. Akala ko pinalitan niya ang kaniyang password. Pero hindi pala dahil nang tinipa ko ang aking pangalan ay nabuksan ko ang kaniyang phone.

I smiled even more after I saw his home screen wallpaper. Larawan namin ni Jetty ang kaniyang wallpaper. Magkayakap kami. Si Jetty ay nakahalik sa aking pisngi habang ako ay nakatingin sa camera.

“Kayang-kaya kitang bigyan ng bata kahit walang magic, Gaily. You know, just my movements up and down.”

Nilingon ko siya. Nakangisi siyang nakatingin sa akin.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now