Kabanata 50

43 1 0
                                    

Gail's Point of View

HINAPLOS ko nang ilang ulit ang lapida ng aking anak.

How are you, anak? Sorry kasi malungkot na naman si Mommy, little one. Sana nandito ka dahil kahit mag-aaway si Mommy at Daddy ay masaya pa rin si Mommy kasi kasama kita.

“Gaily...”

Pinunasan ko kaagad ang aking mga luha. Umisod ako palayo sa kaniya nang umupo siya sa aking tabi. What I saw in his office are still fresh in my mind. Until now ay wala pa rin siyang ebidensiya na ipinapakita na nagpapatunay na walang nangyari sa kanila at totoo ang lahat niyang sinabi.

“Want to go out with me?”

“Wala ako sa mood. Ikaw na lang.” walang gana kong tugon.

“Movie marathon tayo?”

Pinitas ko ang isang damo. “Masakit ang mata ko.”

“Swimming?”

“Masakit ang katawan ko.”

I heard him sighed. “Gusto mo bang turuan kita sa paggawa ng coffee?”

“Pagod ako.” I trace my point finger on the sides of tombstone.

“Can I hug you?”

Hindi ako sumagot. Wala akong gana makipag-usap sa kaniya. It's been 4 days since it happened. We slept in separate rooms. I mean, ako ang hindi gustong matulog sa iisang kuwarto na kasama siya kasi palagi kong maalala ang nakita ko sa kaniyang opisina. Kumikirot ang puso ko kung maisip ko iyon.

He suddenly hugged me and that made me froze. I missed his arms encircled on my body. I missed his warmth embrace. Inaamin kong sa loob ng apat na araw na hindi maganda ang pakikitungo ko sa kaniya ay tila may pirasong nawala.

I am disappointed on myself. Bakit ako ganito? Why do I have a soft heart? Ba't ang dali lang mawala ng galit ko pagdating kay Jetty? Ba't ang dali ko lang madala sa kaniya? Sinasaktan na nga ako pero heto pa rin at nangungulila sa kaniyang mga yakap at halik.

“I love you, Gaily. I love you so much.” he said and kissed my head.

Hindi ako umimik.

“Noong naabutan mo kami ni Janey sa kuwarto ng opisina, I don't exactly know what happened. Pero alam ko sa aking sarili na walang nangyari. Alam kong malinis ako, Gaily. Hindi ko maatim na makipagtalik sa ibang babae bukod sa iyo.” aniya.

Pumikit ako at hinawakan ang dalawa kong mata. May namumuo na namang mga luha at ayokong tumulo iyon. Ayokong isipin niya na naaapektuhan ako.

“Ikaw lang naman ang gusto ko, ang mahal ko at ang kailangan ko habangbuhay. Wala ng iba.” dagdag niya.

“Jetty---”

His phone suddenly rang.

“Ano iyon?” tanong niya sa akin.

“Answer the call.” utos ko.

“Mamaya na iyan. May sasabihin ka ba?”

“Wala. Answer the call. Baka importante iyan.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Tumingin ako sa ibang direksyon at palihim na pinunasan ang isang butil ng luha na tumulo.

Naniniwala ako. I believe in him. I trust him. Alam kong hindi niya ginagawa iyon. Hindi niya gagawin. Hindi niya magawang lokohin ako kasi mahal niya ako. Hindi niya ako sasaktan.

Walang kasalanan si Jetty kun'di kasalanan ito lahat ni Janey. Dahil sa pagmamahal niya sa asawa ko kaya ipinasok niya sa frame si Jetty. He's innocent.

After the Sorrow 2 ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora