Kabanata 21

13 1 0
                                    

Gail's Point of View

BUKAS na ang huling araw para matapos ang isang buwan naming paninirahan dito sa Condo.

Bumili ako ng bagong mga picture frames dahil nabasag ang mga iyon. Sira ang cellphone at wala akong planong bumili ng bago. No use at all.

Si Jetty naman. Bumuntong hininga ako. Ilang araw na kaming walang imikan. Hindi siya sa kuwarto namin natutulog kun'di rito sa kabilang kuwarto at nasa labas ako ngayon ng kuwarto at nagdadalawang isip kung kakatok ba o hindi.

Palagi na lang siyang nakakulong sa kuwartong ito. Hindi gaanong malaki ang Unit namin pero heto kami at halos hindi na magkikita sa iisang araw. Tuwing umaga ay wala ng Jetty na nagwawalis sa sala. Wala ng Jetty na palakad-lakad sa buong Condo. Wala ng Jetty na bubungad sa pagdilat ng aking mga mata. Wala na akong maabutan na Jetty na nagluluto sa kusina. At wala ng Jetty na mang-aasar sa akin kada segundo.

I miss my Jetty so much. Sobrang bigat dito sa puso. Sa isang iglap lang ay nagbago bigla ang relasyon naming dalawa dahil sa akin. Mabibilang lang sa daliri na makikita ko siya sa mga nagdaang araw.

Tuwing umaga ay may nakahanda ng pagkain sa mesa. Hindi ko alam kung sinadya ba ni Jetty iyon o ano. Sa tanghali at hapon ay bigla na lang may pagkain na darating. Ang sabi ng delivery boy ay order daw ito galing kay Mommy. As if. Alam kong si Jetty ang nagpapa-deliver.

I know that he still care pero hindi na niya ipinakita dahil sa mga binitawan kong salita.

Gusto ko siyang kausapin pero ang aloof niya. Makikita ko nga siya pero kapag mapansin niyang nasa paligid ako ay kaagad siyang papasok sa kuwarto. Kung sa sala ko siya maabutan ay dali-dali siyang lumabas ng Unit namin. Kung sa kusina naman ay kaagad siyang pumasok sa banyo.

Parang ayaw na niya talaga sa akin. Galit na galit kaya siya sa akin? Nangungulila na ako sa mga yakap at halik niya. Mukhang tinotoo niya talaga na itrato ang bawat isa sa amin na isang hangin na dadaan-daanan lang. Kagaya nga ng sinabi niya na we will just going to pretend that there is no us in this Unit.

Naiiyak akong umupo sa gilid ng pinto ng naging kuwarto niya ngayon. Palagi akong ganito. Magpaplanong kakatok tapos hindi itutuloy tapos uupo sa gilid ng pinto at hihintayin na lang na lalabas siya. Minsan nakatulugan ko na rito.

Wala na rin ang mga damit niya sa kabinet ng kuwarto namin. Hindi ko alam kung kailan niya kinuha. Basta pagbukas ko noong nakaraang araw ay wala na roon ang lahat ng mga damit niya.

Niyakap ko ang aking mga binti at ipinatong ko ang aking baba sa tuhod ko. Just the usual moment, position, and spot after that big fight.

Kasalanan ko ang lahat kung bakit kami humantong sa ganito. Nang dahil sa nangyari ay may natutunan ako. Totoong nakaramdam ako ng pagka-boring. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko na lang bigla iyon. I just woke up and realized that it was boring already. Hindi ko rin alam kung saan nga ako na-boring. First time ko kasing maramdaman ito.

Natuto ako na kung makaramdam ng boring ay dapat hindi space ang hihingiin kun'di ay dapat gumawa ng paraan para mawala ang boring. Nagsisisi na ako. Dumaan lang ang boring na pakiramdam tapos ngayon ay wala ng boredom. Parang balik ulit sa rati.

Pinunasan ko kaagad ang mga luhang sabay-sabay na tumulo. Sobra na akong nangungulila sa kaniya. Nagsisisi na ako sa lahat. I realized that it's not only Jetty who will do the job to make our relationship works. I should also do my part. Wika nga na hindi tatakbo ang motorsiklo kung isa lang ang gulong.

What happened to us was an eye opener to me.

Napatayo ako kaagad nang biglang bumukas ang pinto.

Ngumiti ako. "Jetty."

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now