Kabanata 16

15 1 0
                                    

Gail's Point of View

"HERE'S the key sa Condo niyo." Tita Crystal said while handing us the key.

Tinanggap ito ni Jetty.

Nasa harap kami sa pinto ng Condo Unit na ibinigay ng mga magulang namin sa amin.

"As you enter in this Condo, brace yourselves. Dapat handa kayo sa lahat ng pagsubok na inyong madadaanan. One month lang ang tagal niyo rito. Pagkatapos ng isang buwan ay lilisanin niyo ng dalawa ang Condong ito upang harapin ang malaking gyera which is being married. Dala-dala ang lahat ng natutunan niyo rito sa Condo ang gagamitin niyo as your weapons para sa panibago na namang pagsubok na darating sa inyong buhay bilang mag-asawa." sabi ni Mommy.

"And also. Huwag niyong kalimutan ang lahat ng mga sinabi namin sa inyo. Know the depth of your partner's soul and personality. It's a must." ani Tita.

"Opo, Tita, Mommy. Salamat po." tugon ko sa mga sinabi nila.

"Sige, alis na kami. Kayo na ang bahala rito." saad ni Mommy.

"Mag-iingat po kayo." sambit ni Jetty.

Ngumiti sila at tumungo sa elevator.

Nagkatinginan kami ni Jetty.

"This is it." nakangiti niyang ani at itinaas ang hawak niyang susi. "Let's get inside."

Tumango ako. He unlocked the door.

Nilingon niya ako at inilahad ang kaniyang kamay. Nakangiti ko itong tinanggap. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sabay kaming pumasok sa loob.

Napanganga ako sa mangha.

"Wow!" namamangha kong bigkas.

Ang spacious ng sala. May mga gamit na rito. May malaking flat screen Tv. Couches. Table at the center of the seats that has a vase on top. May iba pang furnitures na nandito. All white ang kulay ng dingding. Glass window at glass door din ang nakaharang papunta sa balkonahe.

"Gaily, come over here!"

Pumasok ako sa kusina dahil doon ko narinig ang kaniyang boses.

"Kompleto rito. May coffee maker din. Alam talaga ng parents natin ang taste nating dalawa." nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang buong kusina.

Lumapit ako sa refrigerator. Akala ko kompleto na talaga pero hindi pala. Walang laman ang ref kahit tubig man lang.

Nilingon ko si Jetty. "Not complete, Jetty. Mga gamit lang ang nandito pero walang pagkain."

"Grocery tayo mamaya." Lumakad siya papunta sa pinto. "Let's check our room." saad niya.

Patakbo akong lumapit sa kaniya at inakbayan siya.

"Did you like the color of the wall or papalitan natin?" tanong niya.

"I liked the color. So neat. Ang linis tingnan."

"May dalawang kuwarto. Let's check this room first."

Binuksan niya ang kuwarto sa kanang banda. Pumasok kami sa loob. Sobrang dilim. Kinapkap ko ang switch sa gilid at binuksan ang ilaw. Bumungad sa amin ang average size na kama. May isang pinto sa gilid kaya tinungo ko ito.

"May banyo rin, Jetty! Woah! This is nice!" bulalas ko.

Isinarado ko ang pinto at tiningnan siya na binuksan isa-isa ang kabinet.

"Ba't mo binuksan ang lahat ng kabinet?" nagtataka kong tanong.

"Baka may kayamanan na naiwan dito." sagot niya.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now