Kabanata 38

21 1 0
                                    

ACCORDING to Sigmund Freud, “Unexpressed emotions will never die. They are buried alive and will come forth later in uglier ways.”

Sa buhay ng bawat tao ay may mga hinanakit tayo na hindi natin mailalabas dahil sa iba't ibang rason kaya ang ginawa na lang natin ay ilibing ito at kalimutan na lang.

Pero paano kung ang hinanakit at mga sakit na iyong nararamdaman at nararanasan na matagal mo ng kinalimutan at inilibing ay biglang nabuhay dahil sa isang pangyayari? Magagawa mo bang isumbat ang mga iyon kahit matagal ng panahon na nangyayari iyon?

Kaya mo bang hukayin ang lahat kahit hindi na sana dapat?

O, kaya mo bang balikan ang nakaraan kahit hindi na sana maaari?

Could you let all your unexpressed emotions that has been deeply buried alive to ruin the relationship you had with your love ones?

Would you let your unexpressed emotions to come forth in uglier ways just like what Sigmund Freud stated?

In relation to Gail and Jett's situation right now, Sigmund Freud was right.

Mga emosyon, mga galit, sakit, at hinanakit na hindi nila nailabas ay bigla na lang sumabog ngayon.

Nagkasumbatan sila. Nagkakasakitan. At hinukay ang nakaraan na dapat sana ay matagal na nilang kinalimutan.

Nakakatitig si Jett sa pintong nakaawang kung saan lumabas ang kaniyang asawa. Kanina pa nakalabas si Gail pero siya ay nanatili pa ring nakatayo at nakatitig sa pintuan. Hilam na hilam ang mga mata niya sa luha. Ang mga luha na tahimik na namamalisbis sa kaniyang dalawang pisngi. Mga luha sa sakit. Sobra ang paninikip ng kaniyang dibdib dahil sa sakit. Hindi niya inakalang pipiliin ng kaniyang asawa ang lalaking matagal na niyang pinagseselosan kahit noong hindi pa bumalik ang kaniyang alaala.

Hindi siya pinili kahit siya ang asawa. Dahan-dahan na umupo si Jett sa sahig. Walang tigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha. Tahimik lamang siyang umiiyak.

Sinusumbatam siya ng kaniyang asawa sa lahat ng mga hinanakit nito noon. Sinusumbatam siya sa mga maling ginawa niya. Do he deserves all of those or not?

Dumako ang kaniyang paningin sa dingding kung nasaan ang kanilang mga larawan. Tinitigan niya ang matamis na ngiti ni Gail. That smile. That smile that always makes him happy and continue living. He loves his wife so much more than he love himself.

Lumipat ang kaniyang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang coffee competition. Supposedly ay dapat kanina pa silang dalawa na nakaalis pero dahil sa nangyari ngayon ay hindi.

This is what he kept on saying to his wife that he needs her. He needs her. He needs her. But perhaps, his wife doesn't need him, because she chose to go to that man, rather than staying with him. His wife's friend is more important than him.

Pinaghahandaan niya ang kompetisyon na ito. Ipinangako niyang maipanalo ito para sa kaniyang asawa. He wants his wife to be proud of him. Pero lahat ng iyon ay naglaho na lang bigla. Wala siyang planong pumunta sa kompetisyon na iyon ngayon dahil ang babaeng pinaglaanan niya nito ay wala. Ang babaeng pinaglaanan niya ng lahat ay isinantabi na siya. What's the use of joining the competition if his wife ain't present? If his wife ain't in his side?

Malakas na sinuntok ni Jett ang sahig nang paulit-ulit. He shouted in pain. His weeping voice echoed at the four corners in the living room. Siya ang asawa pero siya pa ang nanghihingi ng atensyon. Siya pa ang nagmamakaawa na hindi ito umalis.

Napupuno na ng luha ang kaniyang mukha. Could this be a tears of sorrow? 

Sa kabilang banda...

Umiiyak na nakayakap si Gail sa umiiyak na Lola ng kaniyang kaibigan. Kanina pa silang nandito sa labas ng ER habang hinihintay na lumabas ang doktor na umasekaso kay Maverick. Nandito rin ang ilang mga pinsan nito.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now