Kabanata 12

29 1 0
                                    

Gail's Point of View

"Chamika Gail! Wake up! Start cleaning!" rinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng aking kuwarto habang kinakalampag pa ang pinto.

I get up sleepily. Pikit mata kong tinungo ang pinto at binuksan ito.

"Mom, I'm sleepy. Mamaya na lang po ako maglilinis." inaantok kong sabi.

Humikab ako at nakapikit na sumandal sa hamba ng pinto.

"Alas-siyete na ng umaga. May sikat na kasabihan na 'Early bird catches the worm'. Kaya magsimula ka ng maglinis."

"Ano pong konek sa maagang ibon na nakakuha ng uod sa matutulog muna ako at mamaya na maglilinis?" humihikab kong tanong.

Ala-una na ng umaga ako nakatulog kanina dahil sa paglalaba kaya nakakaantok ngayon at nakakapagod gumalaw. May mga sugat pa nga itong mga kamay ko sa kakalaba.

"You clean already." huling bigkas niya.

Naramdaman kong tumalikod siya. Sumimangot ako. Para ko ng masamang madrasta itong si Mommy sa lagay ngayon. At hindi ko alam kung anak pa ba ako ni Mommy o isang katulong na.

Pero matutulog muna ako. Antok-antok pa ako.

Papasok na sana ako sa aking kuwarto nang marinig ko ang sigaw niya.

"Humayo ka na! Isa ka na talaga sa akin!"

Isang malalim na hininga ang hinugot ko at pumadyak-padyak na tuluyang lumabas ng kuwarto.

Walang gana akong bumaba ng hagdan. Muntik pa akong mahulog dito sa hagdan dahil namali ang aking pag-apak sa baitang. Tinungo ko ang isang maliit na kuwarto kung saan nakalagay ang lahat ng gamit panglinis.

Kumuha ako ng walis, mop, pamunas at isang maliit na balde. Pumunta ako ng banyo at nilagyan ng tubig ang balde. Babalikan ko na lang ito kung tapos na akong magwalis.

Dala-dala ang walis ay nagtungo ako sa sala dahil dito ako magsisimula.

Nakasimangot akong nagsimula ng magwalis. Kapag talaga matapos ako sa paglilinis ay talagang matutulog ako na walang gising-gising.

"Go, Princess."

Napaangat ang aking tingin kay Daddy. Galing siyang kusina habang may dalang kape.

"Dad, please sabihan mo si Mommy na pahintuin ako sa paglilinis." Isinandal ko ang hawakan ng walis sa aking hita. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at ipinakita sa kaniya ang mga daliri ko na napupuno ng mga sugat. "You see, Dad? Ang dami ko ng sugat."

Huminto siya sa harapan ko at nakangiting ginulo ang aking buhok.

"I'll cheer for you." sambit niya at tumungo sa sofa.

Tiningnan ko ang aking dalawang kamay na nakataas pa rin at dahan-dahan itong ibinaba. Pati si Dad ay ayaw niyang pahintuin ako.

Hinayaan kong matumba ang walis sa sahig at nagtungo ako sa kusina upang uminom ng kape. Naabutan ko si Mommy na nagluluto.

Napalingon siya sa akin. "Oh? Tapos ka na bang maglinis?" tanong niya.

"Huwag mo akong kausapin, 'mmy. Wala ako sa mood makipag-usap sa iyo ngayon." saad ko.

Itinaas niya ang kaniyang hawak na sandok at akmang ibabato sa akin kaya kaagad akong tumakbo palabas ng kusina.

Ngunit sa kasamaang palad ay nadulas ako. Hindi ko alam kung bakit may basa rito sa sahig. Pinilit kong humawak sa vase na malapit sa akin pero natumba ito at nahulog. Ang aking ulo ay tumama sa hamba ng pinto. Hindi lang doon tumama ang ulo ko kun'di pati na rin sa sahig.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now