Kabanata 1

46 1 0
                                    

Gail's Point of View


OPEN

Ito ang capitalized na salita na nakasulat sa maliit na frame na nakasabit sa pinto ng shop. May neon lights sa bawat gilid ng frame.

"Lahat ay mabibigyan. Huwag mag-alala. Pumili lang kayo ng kung ano dahil free pa ngayon." rinig kong sabi ni Jetty.

Ito ang araw ng pagbukas ng shop namin kaya medyo maraming tao ngayon sa loob na pumipila. Idagdag mo pa na free lahat ngayon.

Sobrang busy ni Jetty sa paghanda ng mga order since siya lang mag-isa kaya hindi niya napansin na nandito ako.

Nang turn ko na ay inilagay ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng counter. Hindi niya alam na ako ang sunod niyang customer kasi nakatingin lang siya sa grinder.

"Ano po ang order niyo, Ma'am?" he asked without looking at me.

Ngumiti ako. He's really serious on his work right now, maybe he likes this kind of job.

"You." sagot ko.

"Hindi puwede. May nagmamay-ari na sa---" Huminto siya sa pagsasalita at kaagad napatingin sa akin. Nang makilala niya ako ay kaagad siyang ngumiti. "Of course. Puwedeng-puwede. Kahit sa iyo na ako habang-buhay." nakangiti niyang usal.

Nakangiti akong kumibit-balikat. "Sinabi mo ng hindi puwede."

He off the grinder. Tumayo siya sa kabilang banda nitong kinatatayuan ko kaya magkaharap na kami. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa counter at tumitig sa akin.

"You're late, Miss Vice President." Hindi nakangiti niyang sambit.

Inilapit ko nang bahagya ang aking mukha sa kaniya. "May sanctions ba akong haharapin sa pagka-late ko?"

I saw his lips make a slight curve. His face draw closer to mine. "Yeah. There is one." he whispered.

Gamit ang isa kong kamay ay humalumbaba ako sa counter. Our face are so close to the point nagkadikit na ang mga ilong namin.

"Then what is it, Mr. President?" Nakangisi kong tanong.

"Are you willing to do the sanction?" tanong niya pabalik.

"Well, I always will." palaban kong sagot.

"Then...love me, forever." aniya.

"Kahit hindi mo pa sabihin. Gagawin ko iyan." Nakangiti kong tugon.

"Really? If I will propose to you right now, would you accept it?"

Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung mahal ko lang ba si Jetty kaya mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko o dahil likas na talaga ang kagwapohan niyang taglay noon pa man.

"Do you have a ring?" tanong ko.

Dinampian niya ng maliit na halik ang ilong ko at lumayo. Tumalikod siya at may kinuha sa freezer. Pagbalik niya ay may dala na siyang 'Easy open can' na soda.

"Anong gagawin mo riyan?" nagtataka kong tanong.

Sinulyapan niya ako saglit at ibinalik ang tingin sa lata. Tinanggal niya ang tab ng lata. Pagkatapos ay nakangiti siyang tumingin sa akin.

Itinaas niya ang tab sa harapan ko. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Anong gagawin niya sa tab? May magic ba siyang gagawin?

Tumikhim siya. "Gaily," bigkas niya.

"Oh?"

"Hindi man ito singsing pero tinanggal ko ang tab na ito sa lata ng buong pagmamahal. Handa ka bang magpakasal sa akin kahit ito lang muna ang maialay ko sa iyo?" he's not smiling as he said those words. Para talagang totoo siyang nag-proposed sa akin at seryoso siya sa kaniyang hangarin.

After the Sorrow 2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon